Nakatayo ako ngayon sa harap ng lamesa n'ya. I can't read his face, ang cold n'yang tingnan ngayon. Can't deny the fact na mas lalo s'yang gumwapo ngayon. Compose yourself Rachel! Kapatid mo yan! Step brother mo s'ya!
"Why are you late? It is your first day here and ganyang attitude kaagad ang pinakita mo rito sa company? I know that Mrs. Mandez told you to come here at exactly 6:00 a.m. today nung tinawagan ka n'ya and you're still late? Give me a valid reason for this." malamig na saad n'ya habang nakatingin pa rin sakin.
Napayuko na lamang ako, hindi ko alam kung anong rason ang sasabihin ko. Kung pwede lang magpalamon na ako sa lupa ay gagawin ko talaga. I heard him tapping his fingers sa lamesa, he's getting impatient dahil kanina pa 'ko hindi sumasagot.Akmang magsasalita na sana ako para magpaliwanag ng biglang bumukas ang pinto, napalingon ako rito at iniluwa nito ang isang matangkad at magandang babae. Blonde ang buhok nito at maputi rin, chinita at naka fitted dress na bagay na bagay sakanya.
"Flyn!" pasigaw na saad nito at patakbong lumapit kay Gabriel.
Umalis ako sa harap ni Gabriel dahil baka makaharang pa 'ko sa moment nilang dalawa. Niyakap nito si Gabriel, pansin ko na wala pa ring expression ang mukha n'ya, siguro ay ayaw n'ya lang ipakitang masaya s'ya sa girlfriend n'ya kasi may ibang taong nakatingin sakanila. Teka nga, ang assuming ko naman.
Ngayon ko lang rin napansin na may dala pala itong paper bag. Ang sweet naman ng girlfriend n'ya. Nakaramdam ako ng biglang pagsikip sa dibdib, ano ba 'tong nararamdaman ko. Wala naman akong sakit sa puso.
"I got some lunch for you, it's your favorite. It's adobo, right?" maarteng saad nito habang nakapulupot pa rin kay Gabriel.
Taimtim lang akong nagmamasid at nakikinig sakanila na para bang hindi ako napansin nung babae. Hindi ko alam kung sinasadya n'ya ba 'yon o hindi n'ya talaga ako napansin sa pwesto ko."Can't you see na may kausap ako. Just leave, Maggie." malamig na saad ni Gabriel na ngayon ay nakatingin na sa pwesto ko.
Nagulat ako sa biglang pagtingin nito saakin. Nakaramdam ako ng hiya. Napayuko na lamang ulit ako at napabungtong hininga dahil sa kabang nararamdaman. Kaba nga lang ba talaga?
"And should've knock first. I told you na every time na papasok ka rito, kumatok ka muna 'di ba."
"I'm sorry okay, that won't happen again. Who's this girl, by the way?" maarteng tanong nito kaya't napaangat ulit ako ng tingin.
Pansin kong hindi man lang tinapunan ng tingin ni Gabriel ang paper bag na dala-dala nung babae. Taas baba akong tinitigan nito na para bang kinikilatis ang buong katauhan ko. Ang paaran ng pagtitig n'ya ay nakakainsulto. Mas lalo rin itong dumikit kay Gabriel na s'yang ikinainis ko. Dati ba s'yang linta?
"That's my secretary right there and may pag-uusapan lang kami. You can leave now." saad ni Gabriel habang hindi inaalis ang tingin saakin.
Nakita ko ang pag-irap nung babae at tinanggal ang pagkakayap kay Gabriel na hindi man lang sinuklian ang yakap n'ya. Girlfriend n'ya 'yon 'di ba."Fine. See you when i see you baby boy." malanding saad n'ya na at naglakad na palapit sa pintuan.
Bago pa man ito makalabas ng tuluyan sa pinto at nagflying kiss pa ito kay Gabriel at tuluyan ng lumabas. Wala man lang naging reaksyon si Gabriel dahil hanggang sa makalabas na ang girlfriend n'ya ay hindi n'ya man lang ito tinapunan ng tingin.
"Come here." malamig na saad ni Gabriel.
Tahimik lang akong sumunod at naglakad papunta sa harap ng table n'ya. Those green eyes, wala akong mabasang emosyon sa mga 'to.
"Breathe." saad nito.
Hindi ko namalayang kanina ko pa pala pinipigilang huminga ng makarating ako sa harap n'ya. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Pilit akong ngumiti bilang tugon. Naramdaman ko ang mahinang pag buntong hininga nito bago magsalita uli.
YOU ARE READING
Lost Stars
RomanceA story inspired from the movie "Tangled". This is a work of fiction, all characters, places, names and events are fictitious. Any resemblance are coincidental. Disclaimer : You may also encounter typographical and grammatical errors. Credits to the...