Chapter 1

103 2 0
                                    

THE CHAPTER 1;

8 years passed...

"Gianna, come to my office. Now."

Mula sa intercom na naka-konekta sa intercom na nasa loob ng opisina ng Boss ko ay narinig ko ang sinabi niya dito.

Pinapatawag niya ako.

"Yes, Sir. Coming." Tugon ko at tumayo na upang magtungo sa loob ng kanyang opisina.

Bilang sekretarya ay nasa labas lang ng opisina ng Boss ko ang pwesto ko. Kaya walang problema kung ilang beses niya akong ipatawag dahil malapit lang ako sa kanya.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

"Yes, Sir? Anything you need?" Bungad ko sa kanya na ngayo'y busy sa kanyang sariling computer.

Nakuha ko naman kaagad ang kanyang atensyon. "Make me some coffee first, Gianna. Please..." Aniya at bahagyang napahilot sa kanyang sentido bago tinanggal ang kanyang suot-suot na eye glasses sa mata.

"Copy, Sir." Masunurin kong sabi at nagpunta sa mini kitchen niya dito sa kusina upang ipagtimpla siya ng black coffee na siyang paborito niyang inumin.

"Here, Sir." I said, sabay lapag sa harapan niya ng kapeng tinimpla ko para sa kanya.

"Thank you, Gianna..." Pagpapasalamat nito.

"Welcome, Sir." Ani ko at bahagyang ngumiti sa kanya. "Are you okay, Sir? Mukhang pagod na pagod ka na, kailangan niyo ng tulong?" Hindi ko maiwasang matanong ang Boss ko at naupo sa visitor's chair.

Pansin ko kasing pagod na pagod na siya base sa ekspresyon niya sa mukha. Baka kailangan niya ng tulong, hindi naman gaano ako busy. Kaya sa abot ng makakaya ko ngayon, magmamagandang-loob na akong tulungan siya sa ibang aasikasuhin niya.

Medyo matanda na rin si Sir. Baka pumanaw kaagad siya sa sobrang stress sa trabaho.

Just kidding!

Unconditional Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now