THE CHAPTER 7;
(Still Flashback)
8 years ago...Simula no'ng araw na 'yon, araw-araw na siyang pumupunta sa room namin. Palagi na siyang kasama ni Sir Cortez tuwing pumapasok siya sa klase niya sa 'min. Kung minsan ay wala naman itong dapat i-set up na technology devices na gagamitin ni Sir sa pagka-klase ay talagang pumupunta pa rin siya dito, simpleng tinutulungan si Sir na magdala sa mga gamit nito papunta sa classroom namin.
Katulad ngayon, kasama na naman siya ni Sir. Dala-dala niya ang mga gamit nito at bago ilagay sa lamesa ay tumingin muna ito sa buong sulok ng classroom namin at pagkatapos ay nagtama na naman ang aming tingin.
This time, walang ni isa sa amin ang nagpatalo at pumutol sa titigan naming dalawa.
Hindi sa nag-a-assume na naman ako pero...
Sigurado na 'ko, sa 'kin talaga siya nakatingin palagi simula noong nagpunta siya dito sa room namin.
What's wrong with him??
YOU ARE READING
Unconditional Love [COMPLETED]
RomanceFrom highschool lovers to a married couple... Does love really exist? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience.