Chapter 9

44 2 0
                                    

THE CHAPTER 9;

(Still Flashback)
8 years ago...

"VALENTINE'S DAY"

Nang makarating sa gym ay napakadaming estudyante ang nagkalat. No, halos nagsisiksikan na ang lahat sa gym habang hiyaw nang hiyaw at sambit sa pangalan ng mga miyembro ng banda na kumakanta sa stage.

"Oh, I've been shaking. I love it when you go crazy. You take all my inhibitions. Baby, there's nothing holding me back~" Ang maingay na paligid ay mas lalo pang umingay nang sumabay sa chorus ng kanta ang mga audience na naririto rin. Na kahit ako ay nadala na rin at hindi na naiwasang mapasabay sa iba na nakiki-jumming sa banda na kumakanta sa stage ngayon.

Wala naman sigurong masama kung kahit sa araw na ito lamang ay magsaya rin ako. Ang tagal na rin no'ng huli akong naging masaya dahil sa may event dito sa school namin.

Hanggang sa natapos ang kanta.

"Isa pa ba?" Kahit naka-mic na ay nilakasan pa rin ng vocalist ng banda ang kanyang boses upang mas marinig ng ibang tao ang boses niya.

Kaagad namang nagsi-ingayan ang mga manonood. Senyales na gusto pa nilang mag-perform ang mga ito. Lalo na sina Julie at Nicole na nasa magkabilang gilid ko. Todong-todo kung humiyaw.

Kapag talaga sila napaos...

"Okay, isa pa daw!" Malakas nitong sabi. Kaya mas lalong nagsi-ingayan ang mga estudyanteng naririto, which is ang mga manonood na kagaya ko.

"Okay, this is the last. But this time, hindi na ako ang kakanta huh?" Kaagad na hindi sumang-ayon ang mga manonood.

Pero kaagad ding nagsi-hiyawan muli ng biglang tumayo si...

Si Stephen mula sa pwesto niya kung saan siya pala ang kanina pang nagda-drum habang nagpe-perform sila sa stage ng banda nila.

Hindi ko napansin, naknampucha.

So, drummer pala siya? Sanaol marunong.

Unconditional Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now