THE CHAPTER 14;
(Still Flashback)
8 years ago...Maga-alas dose na rin sa tanghali kami natapos sa last subject namin bago mag-lunch. Kaya naman kaagad kaming bumaba at nagtungo sa canteen upang doon na lamang bumili ng ulam, may mga rice naman na kaming baon, as usual, tapos dito na lang kami sa canteen sa school o sa labas mismo ng school minsan bumibili ng ulam para sa tanghalian namin.
"Uyy, si Stephen 'yon, ah?" In the midst of the crowd, nakita ng isa kong kaibigan si Stephen. Tlagang tinuro pa ni Nicole kung nasaan ito.
"Wew, may kasamang babae..." Pagpaparinig ni Julie.
Nang tingnan ko kung nasaan siya, may kasama nga siyang babae. Bagsak ang buhok ng babae at inaamin ko, naiingit ako sa buhok niya.
'Yong sa 'kin kasi palagi nalang mukhang buhaghag.
Char!
Medyo may itsura siya pero...
Mas maganda pa rin ako. Duhh! Ako na 'to, eh!
Bago pa man mapansin ni Stephen na may nakatingin sa kanila ay umiwas na 'ko ng tingin sa gawi nila at sumunod sa pila.
'Magsama silang dalawa, bagay naman sila.'
---
EAPP subject na namin ang sunod, I was hoping na...
Siya ang kasama ni Sir Cortez to help him, but I was wrong.
Dahil iba ang kasama ni Sir Cortez, though, it's still an ICT student.
Few hours later, uwian na namin. How fast...
Parang kahapon lang kayo pa, tapos ngayon hindi na.
Ang natamaan, umilag.
Pagkalabas namin ng room ay siyang bungad kaagad ni Stephen sa 'min ng mga kaibigan ko.
"Hi!" Siya ang unang nagsalita.
"Uhh... Hello..." Medyo nahihiya kong sabi, lalo't nandito ang mga kaibigan ko.
Punyet4, hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila na ka-talking stage ko itong lalaking nasa harapan namin ngayon.
Mukhang kailangan ko ng ihanda ang sarili ko mamaya kapag nag-online ako, paniguradong aasarin na naman ako ng mga 'to.
YOU ARE READING
Unconditional Love [COMPLETED]
RomanceFrom highschool lovers to a married couple... Does love really exist? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience.