THE CHAPTER 3;
At the restaurant...
Nandito na ako ngayon sa meeting place nina Sir at Mr. Villanova.
Ang masasabi ko lang sa ambiance ng Japanese restaurant na ito ay napakaganda ng restaurant na ito. Madadama mo talagang parang nasa Japan ka rin habang nakatingin sa paligid ng restaurant na ito. Mula sa mga furnitures at design na makikita sa paligid ng restaurant ay mahahalata mong hindi tinipid sa budget ang pagpapagawa sa lugar na ito.
Nakakamangha. Naol nalang talaga yayamanin.
Nang tingnan ko ang relo ko, saktong alas kuwatro na.
'Mukhang---'
"You must be the secretary of Mr. Galvez." Saad ng isang pamilyar na boses at may na-upong tao sa kaharap kong upuan.
Nang mag-angat ako ng tingin sa harapan ko ay natigilan ako.
Sana hindi nalang ako nag-angat ng tingin...
Pati ang taong nasa harapan ko ngayon ay natigilan ng makita at makilala ako. Ng makilala namin ang isa't isa...
"Stephen/Gianna..." Sabay naming usal dalawa.
The hell, it's been a long time...
YOU ARE READING
Unconditional Love [COMPLETED]
RomanceFrom highschool lovers to a married couple... Does love really exist? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience.