THE CHAPTER 38;
Nang makauwi sa condo, hindi siya umimik. Hindi rin niya ako pinansin. Tahimik lang siya at kung kausapin ako minsan ay ang tipid-tipid niya kung magsalita.
Nagseselos ba siya?
Inangyan. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, edi sana hindi ko nalang kinausap pa ang ex kong 'yon. Kainis!
___
Lumipas ang tatlong araw ay tuluyan na nga siyang nanlamig. Hindi ko na kaya ang ganito!
Tinatanong ko siya kung anong problema pero sabi niya wala naman daw, dala lang siguro ng pagod galing sa trabaho. Pero kahit na! Tama bang maging malamig nalang siya bigla sa 'kin at halos hindi na 'ko pansinin?
Ayoko na ng ganito! Hindi ko na kaya 'tong cold at silent treatment niya sa 'kin!
___
"Love, busy ka?" Tanong ko sa kanya saka naupo sa dulo ng kama habang siya ay nakaupo sa kama at nasa laptop niya ang kanyang atensyon.
"As you see, yes I am..." Medyo nasarkastikuhan ako sa naging sagot niya kaya hindi ko maiwasang lihim na mapairap.
"I see, you're busy..." Sabi ko saka dahan-dahang tumayo at naglakad palapit sa kanya. "But..." Nang tuluyang makapalit sa kanya ay kaagad kong inagaw sa kanya ang laptop niya at inilagay ito sa may study table, sa gilid ng kama namin.
"Gianna, what are you---" I cut him off.
"Shh! Please, let's talk first, hmm?" Malambing kong saad saka dahan-dahang sumampa sa kama at pumatong mismo sa kanya bago ipinulupot sa leeg niya ang dalawa kong braso.
"Gianna..."
"Now tell me, what's the problem of you being cold, silent and ignoring me, huh? Why?" Tanong ko sa kanya.
He encircled his arms around my waist before he frustratedly sighed and said, "I'm jealous, love. Nagseselos ako sa lalaking 'yon. Nagseselos ako sa ex mong 'yon..." Pag-amin niya bago isinubsob ang mukha niya sa leeg ko.
I knew it! Sabi na eh...
Kung nagseselos pala siya, edi sana sinabi niya sa 'kin. Hindi 'yong aabot ng tatlong araw na hindi niya ako halos pansinin na.
"I'm sorry if I made you jealous then..." Malambing kong sabi sa kanya.
"I'm sorry too, love. Ilang araw kitang tiniis na hindi makausap ng maayos..." Aniya saka mas humigpit ang pagkakayakap sa 'kin.
"It's okay..."
Ghod! I really love this man! I can't lose him anymore...
YOU ARE READING
Unconditional Love [COMPLETED]
RomanceFrom highschool lovers to a married couple... Does love really exist? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience.