Chapter 5

62 2 0
                                    

THE CHAPTER 5;

(Still Flashback)
8 years ago...

"Good afternoon, Sir Cortez." Sabay-sabay naming bati sa kadadating lamang na teacher namin sa EAPP subject.

"Good afternoon. Take a sit." Aniya kaya nagsi-upo na rin kami habang hinihintay na magsimula ang pagka-klase niya sa 'min.

"Please, let's just wait for a while. May inutusan akong sumunod sa 'kin ditong mga estudyante para ikabit ang projector."

As always. Palagi naman. Hindi na kami magtataka. Ganito naman palagi. Medyo may katandaan na rin kasi si Sir kaya medyo hindi na ito eksperto pagdating sa technology. Kaya kahit sa pagkakabit ng HDMI cable sa tv na narito sa room namin or paggamit ng projector ay nagpapatulong siya sa ibang estudyante na under niya na marunong pagdating sa kung paano gamitin ang mga iba't-ibang technology devices. Kadalasan sa mga inuutusan niya ay ang mga ICT students na talaga namang magagaling at pasensyoso siyang tinutulungan.

Ilang saglit pa ay may tatlong lalaking estudyante rin ang pumasok sa room namin dala-dala ang projector at ang iba pang gagamitin sa pagpo-project.

Habang sinisimulan nilang i-set up sa harapan namin ang projector ay narinig ko ang mahinang pagtili ng iba kong kaklaseng babae lalo na ang tili nina Julie at Nicole.

Mga anak ng...

"H-hi, Stephen!" Nauutal na bati ng isa naming kaklaseng babae na si Sheila sa lalaking nagse-set up mismo ng projector sa harapan.

"Hello!" Simpleng bati nito sa kaklase ko pero si Sheila halos himatayin na 'ata sa simpleng pagbati niya pabalik. Namumula ito at parang maiihi na ewan. Hindi na ma-discribe ang mukha niya.

Napangiwi naman ako. Ehh?

Nang tumingin ako sa harapan ay saktong nagtama ang paningin naming dalawa ng estudyanteng iyon na nagngangalang Stephen.

Ang...

Gwapo...

Taena!

Unconditional Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now