THE CHAPTER 35;
That night was so perfect, pinuno namin ng tawanan at kuwentuhan ang bahay nila, mula sa hapag-kainan at sa sala nila, talagang hindi kami nauubusan ng mga kwento sa isa't isa lalo na ang Papa ni Stephen na panay ang pagpapatawa sa 'min sa bawat kinukwento niya. Nandito rin ang Ate niya, may sariling pamilya na ito at saktong napadalaw ngayon dito sa kanila kaya ito, isa siya sa mga kausap ko rin ngayon.
"Eh, kung gano'n, nagkabalikan naba kayo nitong anak namin, hija?" Sa isang iglap, biglang lumihis ang usapan. Ngayon ay hinihintay nila ang sagot ko habang si Stephen naman ay sinusuway ang mga magulang niya sa tinanong.
"Pa, naman, eh..." Maktol nito na parang bata kaya hindi ko maiwasang matawa sa inakto niya. Parang bata! Psh!
"Umayos ka nga, Stephen! Para kang bata diyan! Pinagtatawanan kana tuloy ng lovey-dovey mo oh!" Matapos iyong sabihin ng Ate niya ay kaagad kaming tinudyo pati ng mga magulang niya.
Pasimple na lamang akong napayuko nang maramdaman ko ang pag-init ng magkabilaang pisngi ko dahil sa panunudyo nila. Hindi naman lingid sa kaalaman kong shini-ship nila kaming muli sa isa't isa. Ang totoo niyan, natutuwa pa nga ako na ewan.
Maybe this is the sign already?
___
"Salamat sa paghatid---" Naputol ang sasabihin ko nang tinawag ako ni Stephen.
"Gianna..." He called me.
"Hmm? Ano 'yon, Phen?"
"What if..." He trailed off.
My forehead knotted. "What?"
"What if bigyan ulit natin ng chance ang isa't isa? If it's okay? Maybe this time, it will work already..." Dahan-dahan niyang sabi habang nakatingin sa 'kin at tinatantiya ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya.
I sighed. "Pasok ka muna..." Anyaya ko sa kanya na pumasok sa loob ng unit ko na kaagad naman niyang sinunod.
"Gianna..." Natigilan siya ng bigla ko nalang siyang nilapitan at mabilisang hinalikan sa labi.
"What do you think my answer, hmm?" Usal ko habang nakapulupot ang dalawang braso sa leeg niya.
He stunned before he looked at me, "You... are you..." Hindi niya matuloy-tuloy ang kanyang sasabihin at tila hindi pa rin makapaniwala.
With that, I just chuckled and decided to kissed him once again na kalauna'y tinugon niya habang mas lalo akong hinapit palapit sa kanya. Mas pinagdikit niya ang katawan naming dalawa habang pinapalalim niya ang halik.
"I love you, Gianna. Eight years had passed but it's been always you, my love. Nothing else, but you..." He said after he kissed me.
I smiled because of what did I just found out.
I'm really lucky to have this man in my life. This time, hindi ko na talaga hahayaang mawalay pa kaming muli sa isa't isa.
YOU ARE READING
Unconditional Love [COMPLETED]
RomanceFrom highschool lovers to a married couple... Does love really exist? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience.