THE CHAPTER 25;
(Still Flashback)
8 years ago..."Okay, fine. Hindi kita mahal at kahit kailan hindi naman talaga kita minahal." Malamig kong sabi at doon lamang siya tiningnan pero walang ka-emo-emosyon sa mukha.
Natigilan siya saglit pero kaagad ding nakabawi.
"No, you're joking. Hindi 'yan totoo, 'di ba? Nagbibiro ka lang, love, right?" Aniya saka mapaklang natawa ngunit may namumuong luha sa mga mata.
"I'm sorry, Phen..." I said after I cleared my throat. "Pero ayoko na..."
"Tsngina... Bakit? Bakit, Gianna?" Naluluha na niyang saad.
"I realized na... si Chrestian pa rin talaga..." Matapang kong pagtapat sa kanya bago pinunasan ang luhang pumatak mula sa mata ko. "It will be unfair if we would continue this relationship, knowing that I'm still in love with my ex. Masasaktan lang kita pag pinagpatuloy pa natin 'to, Phen..."
"Tsngina, siya pa rin pala talaga..." Aniya at tumulo na mula sa mga mata niya ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
"Gianna... Bakit? Anong mayroon sa kanya? Bakit siya pa rin? Bakit?"
"Anong meron siya na wala ako?"
"Bakit siya pa rin?"
"Hindi ba sapat 'yong pagmamahal na pinaparamdam ko sa 'yo?"
"Kung gano'n, hindi mo man lang ba ako minahal?"
Ang dami niyang katanungan sa 'kin na hindi ko sinagot.
"I'm sorry, Stephen. I'm sorry but we need to break up already..." And with that, i left him dumbfounded in that place.
Nang makauwi sa 'min, kaagad akong nagtungo sa kwarto ko at doon umiyak ng umiyak.
"I'm sorry..."
'Yon ang paulit-ulit kong sinasabi habang patuloy pa rin sa pag-iyak sa loob ng kwarto ko.
God knows how I feel so sorry to Stephen. Hindi ko intensyong makasakit at mas lalong hindi ko intensyong masaktan si Stephen.
Masyado ko lang 'ata minadali ang lahat.
At mali ako sa part na 'yon.
Maybe, this is the time that I should focus on my self first and fix my self...
YOU ARE READING
Unconditional Love [COMPLETED]
RomanceFrom highschool lovers to a married couple... Does love really exist? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience.