Chapter 34

34 2 0
                                    

THE CHAPTER 34;

Hanggang sa umalis kami sa rooftop ay hindi na kami umimik o sinubukang kausapin ang isa't isa. Saka lamang siya nagsalita nang magpaalam na dahil may aasikasuhin pa siya sa sariling kompanya niya.

Tango lamang ang naging tugon ko sa kanya pero kahit gano'n pa man, binigyan niya pa rin ako ng isang halik sa noo bago siya umalis at iwan ako matapos niya akong maihatid sa labas ng office ng Boss ko kung nasaan naroon lang rin sa labas ang desk at pwesto ko bilang secretary ng CEO namin.

'D-mn you, Phen. You always make my heartbeat fast with your sudden actions...' Usal ko sa 'king isipan.

___

The next day, balik na naman muli kami sa pagiging close. Nawala 'yong bigla naming naramdaman na 'awkward' yesterday when he brought up that topic. Now, he even ask me to have a dinner with him and his family, sa bahay nila. Kung saan siya lumaki at sa kung saan niya ako mismo ipinakilala at ni-legal sa mga magulang niya noon.

Noong una, ayaw ko pa. Nag-aalangan ako at natatakot kasi...

What if kinamumuhian ako ng pamilya niya dahil sa ginawa ko sa kanya?

After eight years, makakabalik pa pala ako sa lugar na ito. Akala ko hindi na, eh. Though, may mga nabago na sa bahay nila lalo't napansin kong mas lumaki ito, pinalagyan 'ata nila ng extension, but still, ito pa rin 'yong exact place na na-miss ko talagang puntahan at balikan.

Tatanggapin ko naman na galit sa 'kin 'yong pamilya niya dahil sa ginawa ko sa kanya noon pero...

Iba ang bumungad at sumalubong sa 'kin.

They welcome me with a tight hug. Especially Stephen's little brother and his mother too.

"Masaya akong nakabalik ka dito sa 'min, hija..." Stephen's mother said while giving me a sweet smile.

"Tita..." Medyo naluluha kong sambit bago siya niyakap ng mahigpit.

I miss her so much! Naging pangalawang nanay ko na rin kasi siya noong kami pa ni Stephen. Even though, his son was still courting me before, ipinakilala na ako kaagad ni Stephen sa family niya at simula noon, gustong-gusto na ni Tita na palagi akong dumalaw sa kanila para bisitahin sila sa kanila. He likes me so much for his son back then. Lalo't ako ang kauna-unahang ipinakilala kuno sa kanila ni Stephen na babaeng napupusuan nito.

Kung sana, kami pa rin hanggang ngayon ng anak niya, siguro...

Siguro engage na kami ngayon? Or may sarili na ring pamilya?

Baka nga may dalawa na kaming anak ngayon kung hindi lang kami naghiwalay noon...

Pero kung kami talaga, edi kami. Tadhana ng bahala...

Unconditional Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now