Chapter 6

42 2 0
                                    

THE CHAPTER 6;

(Still Flashback)
8 years ago...

Taena!

Did he just smiled at me before he left?

Buong klase ay wala akong naintindihan at ang nasa isip lamang ay ang pag-ngiti lamang sa 'kin ng lalaking iyon.

In fairness, ang ganda niyang ngumiti!

Talagang luluhuran! Char!

"Uyy, Gianna! Okay ka lang?" Tanong sa 'kin ni Julie nang napansin niyang parang lutang at wala ako sa sarili.

"Huh? Oo naman..." Saad ko.

"Eh ba't ka namumula? Anyare? May sakit kaba?" Aniya at biglang nilagay ang kamay sa leeg ko upang i-check kung may sakit nga ba ako. "Wala naman ah... pero bakit...?"

"Ikaw ba naman ngitian kanina ng isang tulad ni Stephen? Sinong hindi mamumula at mawawala sa sarili?" Eksena ni Nicole at may nanunuksong tingin. "Nakita ko 'yon kanina! Huwag ako!"

Kaagad ko siyang pinandilatan ng mga mata ko. "Hindi niya ako nginitian, okay?! Baka namamalik-mata ka lang kanina at hindi ako ang ngitian niya, tss!" Saad ko. Pero may parte sa 'kin ang umaasang nginitian niya nga ako kanina.

Wait, what?! Shuta, kailan pa ako natutong mag-assume ng ganito?!

Unconditional Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now