THE CHAPTER 10;
(Still Flashback)
8 years ago..."VALENTINE'S DAY"
So, drummer pala siya? Sanaol marunong.
At mukhang kilala rin siya ng karamihang estudyante na nandito para manood sa live performance nila.
Well, gano'n talaga siguro kapag ma-itsura? Kilala at hinahangaan ng iba.
Nagsimula na nga itong kumanta, at habang kumakanta siya, hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng boses niya lalo't ngayon ko lamang narinig ang boses niya at nakita siyang kumakanta.
Bagay sa kanya ang maging singer.
At habang kumakanta rin siya ay panay ang nakaw nito ng tingin sa gawi kung nasaan kami ng mga kaibigan ko.
"I'm so in love with you... And I hope you know~" Pagkanta nito at tumingin na naman sa gawi kung nasaan ako.
Ako lang ba? Pero parang sa 'kin talaga siya nakatingin eh! Palagi na lang nagtatama 'yong paningin naming dalawa.
Hanggang sa natapos ang pagkanta niya, kaagad na nagsi-palakpakan ang mga manonood. Maliban sa 'kin na nakatingin lamang sa kanya.
Nang ibalik niya sa vocalist nila ang microphone na hawak-hawak niya ay lumingon muli ito sa gawi ko at kumindat pagkatapos ay ngumiti ng bahagya bago umalis sa stage dahil tapos na silang mag-perform.
I gulped. That man! He's giving a mix signals! Aish!
A red flag for me!
YOU ARE READING
Unconditional Love [COMPLETED]
RomanceFrom highschool lovers to a married couple... Does love really exist? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience.