THE CHAPTER 40;
Isang araw, nagising na lamang akong bumabaliktad ang sikmura. Suka lang ako ng suka habang nasa likod ko si Stephen, ang fiancé ko na ngayon, habang patuloy na hinahagod ang likod ko hanggang sa wala na akong maisuka pa.
Lumipas pa ang ilang araw ay gano'n muli ang nangyari, paulit-ulit akong nagsusuka sa umaga pagkatapos ay parang lantay gulay na manghihina. Nag-aalala na nga sa 'kin si Stephen at gusto ng ipakunsulta sa doctor itong kakaibang nangyayari sa 'kin at ang nararamdaman ko.
This past few days, parang nagiging sinsitibo 'ata ako. May mga naaamoy lang akong hindi ko gusto ay nasusuka na kaagad ako. Minsan naman, ang moody ko.
Ampv--- hindi kaya?
May namumuong palaisipan sa isip ko na maaari at possible pero bilang pagkompirma kung tama nga ba ang hinala ko o hindi, kailangan ko pa ring magtungo at magpakunsulta sa doctor para magkaalaman na rin.
___
"Congratulations, Ms. Cortese! You're three weeks pregnant!" The ob-gynecologist said to me.
I warmly smiled. "Thank you po, Doc. That's a good news sa 'min ng partner ko..." Usal ko. Though, hindi pa sure. But I know Stephen, paniguradong matutuwa siya sa ibabalita ko.
Aside sa hindi na rin naman na kami bata pa, nasa tamang edad na rin kami para bumuo ng sariling pamilya namin.
Masaya akong umuwi sa condo habang paminsan-minsa'y napapahimas sa tiyan kong hindi pa naman umbok pero alam kong unti-unti na siyang nabubuo sa loob ko.
'Can't wait to see you soon, little one...'
___
"Nandito na 'ko..." Rinig ko ang boses ng fiancé ko na ngayo'y patungo dito sa kusina kung nasaan ako saktong naghahanda na para sa hapunan naming dalawa.
"Hi..." Aniya nang makarating sa kusina at kaagad na lumapit sa 'kin upang bigyan ako ng halik sa pisngi.
"Hello..." Tugon ko. "Let's eat?" Pag-aya ko na sa kanya dahil nagugutom na rin ako, kami ni baby. Hihi...
"Let's eat." With that, we started to eat at nang matapos ay nagpresenta siyang siya na lang ang maghugas ng mga pinggan na hindi ko nalang din tinutulan pa dahil baka pagtalunan pa namin.
Sabi nga ni Doc sa 'kin kanina, iwasan ko raw na ma-stress dahil makakasama iyon kay baby.
___
Ilang beses akong napabuntong hininga habang nakaupo sa dulo ng kama, nag-iisip kung paano ko sasabihin kay Stephen na nagdadalawang tao ako.
"Ang lalim 'ata ng iniisip ng mahal ko..." Kaagad akong napa-angat ng tingin nang magsalita si Stephen. Nasa tabi ko na pala ito, nakaupo rin.
Gano'n na yata kalalim ang iniisip ko at hindi ko man lang namalayang tapos na pala siyang mag-halfbath at lumabas na mula sa loob ng banyo.
"Stephen..." Sambit ko.
D@rn it! I don't how to say it!
"Hmm? May sasabihin ka, love?"
"Oo sana..." Nag-aalangan kong sabi.
He cupped my face. "What is it? Tell me, makikinig ako..." Aniya.
I took a deep breath first before I say, "I'm three weeks pregnant..." Pag-amin ko.
Hinihintay ko kung anong magiging reaksyon niya. Akala ko magugulat siya pero hindi, ngumiti lang siya at hinalikan ako ng paulit-ulit sa noo ko.
"Hindi kaman lang ba magugulat?" Taka kong tanong sa kanya.
"Bago mo pa man malaman, alam ko na..." Saad niya. Alam na niya bago ko pa malaman?! "I'm just waiting for you to say it to me after you know it by yourself..."
I can't believe this! Nauna pa niyang malaman na buntis ako kaysa sa 'kin! Ang daya!
I scoffed. "Hintay mo mukha mo! Alam mo bang kanina pa 'ko nagiisip dito kung paano ko sasabihin sa 'yo na buntis ako kaya ang lalim-lalim ng iniisip ko tapos malalaman kong nauna mo pa palang malaman na buntis ako kaysa sa 'kin na mismong nagdadalawang tao?!" I scolded him. "Edi sana, nagpanggap kapa ring nagulat sa sinabi ko." Naiiyak kong sabi.
Kaagad naman siyang nataranta nang makitang patulo na ang mga luha ko sa mata.
"D-mn, stop crying, love. Makakasama sa baby natin 'yan..." Pag-aalo niya sa 'kin. "Fine, I'm sorry, okay? Ayaw ko lang napangunahan ka. Gusto ko ikaw mismo ang makadiskubre na buntis ka at ito na nga, nalaman mo na rin..."
"Magkaka-baby na rin tayo sa wakas, love..."
YOU ARE READING
Unconditional Love [COMPLETED]
RomanceFrom highschool lovers to a married couple... Does love really exist? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience.