THE CHAPTER 8;
(Still Flashback)
8 years ago..."VALENTINE'S DAY"
Sumapit ang araw ng mga puso, ay nagkaroon ng event sa buong campus. Mula elementary, highschool and senior highschool ay mayroon kanya-kanyang event na naganap.
"Gianna! Gianna! Gianna!" Paulit-ulit na tawag sa 'kin ni Julie na ngayon ay papalapit na sa 'king gawi.
"Oh? Saan kaba galing at hingal na hingal ka?" Tanong ko sa kanya habang pinapasok sa loob ng bag ko ang suot kong uniporme kanina. Ngayon ay naka-white polo shirt na ako at black trousers.
"Halika! Punta tayo sa gym! Dali!" Atat nitong saad at tila nagmamadali.
"Teka lang si Nicole---"
"Nandoon na siya, hinihintay tayo. Halika na!" Nagmamadali nitong sabi at pilit akong hinihila kahit nagpapabigat ako.
Napabuntong hininga na lamang ako bago nagpati-anod sa kanya papuntang gym.
Ano bang meron sa gym? Pake ko rin ba?
YOU ARE READING
Unconditional Love [COMPLETED]
Roman d'amourFrom highschool lovers to a married couple... Does love really exist? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience.