Chapter 22

38 2 0
                                    

THE CHAPTER 22;

(Still Flashback)
8 years ago...

I took a deep breath.

"Ang lalim no'n ah?" Julie said.

Nasa room na kami ngayon, kami pa lang dalawa. Himala, ang agang dumating ng isang 'to, eh, palagi nga 'tong nale-late.

"May problema ba?" Tanong niya.

"Wala naman." Tipid kong sagot, hindi siya tinitingnan at nasa malayo ang tingin mula sa bintanang malapit sa pwesto ko kung saan ako nakaupo.

"Kahit 'di mo sabihin alam kong may problema ka. Ayaw mo lang sabihin..." Aniya. "Ano ba 'yang bumabagabag sa isipan mo at palaging ang lalim ng iniisip mo nitong mga nagdaang araw? Hindi tuloy namin maiwasang mag-alala sa 'yo na baka bigla ka nalang tumalon sa building natin, nasa fourth floor pa naman tayo. Tsk!"

Napairap ako sinabi niya. Gsga!

Nasa tamang pag-iisip pa rin ako at kahit kailan hindi ko gagawin ang magpapakam4tay.

"Ewan ko sa 'yo, Julie Anne." Usal ko.

"Ito na nga, seryoso, anong problema? Okay ka lang ba talaga?" Seryoso na niyang sabi.

Napabuntong hininga muli ako saka tumingin sa kanya na naghihintay sa sasabihin ko.

"Nakita ko si... Chrestian..."

"With his someone new..."

Unconditional Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now