Chapter 24

34 2 0
                                    

THE CHAPTER 24;

(Still Flashback)
8 years ago...

Days passed...

Ngayon, nakapagdesisyon na 'ko.

I know it will hurt him, but I think, it's better this way...

'I'm sorry, Stephen...'

"Itigil na natin 'tong kahibangang ito, Phen..." Diritsong saad ko kay Stephen, boyfriend ko. Matapos ang ilang minutong tahimik lang kaming nakaupo dito sa upuan sa Plaza at nasa malayo ang tingin nang yayain ko siyang magkita dito na malapit lang din sa 'min.

Ramdam kong natigilan siya sa aking tabi dahil sa sinabi ko. "Gianna... B-bakit?"

"Simple lang, ayaw ko na..." Walang emosyon kong sabi.

The moment na sinabi ko iyon, kaagad siyang nagpunta sa harapan ko at lumuhod. Nakikiusap na tingnan ko siya at salubungin ang mga titig niya sa 'kin.

"No, hindi ako papayag. Hindi ako papayag, mahal. Tell me, may nagawa ba akong mali---"

"Wala kang nagawang mali, Phen..." Sagot ko sa kanya at hindi pa rin siya tinitignan sa mata.

Dahil sa oras na gawin ko 'yon, ay baka umatras ako at hindi magawa ang planong makipaghiwalay sa kanya.

'Wala kang nagawang mali, Stephen. Nasa akin ang mali. Nasa akin ang problema.' Saad ko sa 'king isipan.

Ayoko ng patagalin pa ito, dahil alam kong kapag mas pinatagal ko pa, mas masasaktan ko lamang siya.

"Kung gano'n, bakit? Bakit, mahal? Bakit? Alam ko, hindi mo 'to hihilingin at sasabihin basta-basta sa 'kin ng walang dahilan..." Aniya habang hawak-hawak ang dalawang kamay ko at nagsusumamo ang boses.

"Gusto mo ng rason? Ng dahilan?"

"Oo, mahal. Gusto kong malaman---"

"Okay, fine. Hindi kita mahal at kahit kailan hindi naman talaga kita minahal." Malamig kong sabi at doon lamang siya tiningnan pero walang ka-emo-emosyon sa mukha.

Unconditional Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now