THE CHAPTER 29;
Iniwan ko muna siya saglit sa sala para magbihis. After that, I cooked for the both of us. Nang matapos ay inaya ko na siyang kumain kami sa kusina.
We're just eating silently when he finally broke the silence between us.
"Gianna?" He called me.
"Yes?" Tanong ko at akmang susubo na ng mapatigil ako dahil sa tanong niya.
"Nagkabalikan ba kayo ng Chrestian na 'yon after we broke up?" He suddenly asked. He's referring to my b@stard ex.
"Stephen..."
He chuckled but there's something in his eyes while looking at me. "It's okay, you don't have to answer my nonsense question, anyways..." Aniya.
"Hindi kami nagkabalikan. Mas lalong hindi ko binalak na makipagbalikan sa kanya noon after nating naghiwalay..." Sagot ko sa tanong niya.
And there, hindi na kami muling nagsalita pa at tahimik na lamang na kumakain hanggang sa matapos kaming dalawa.
___
"I'll go ahead, Gianna. Thanks for the dinner..." He said and simply smile. Ngunit nagmistula iyong pilit na ngiti para sa 'kin.
I faked smile. "Sige, ingat ka, huh? Dahan-dahan lang sa pagmamaneho..." Pahina ng pahina ang boses ko habang sinasabi iyon.
"You too. Ingat ka dito. Mag-isa ka pa lang din naman dito sa condo mo..." Aniya saka lumapit sa 'kin.
Hindi kaagad ako nakakilos at napapikit na lamang ng maramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko na palagi niyang ginagawa sa 'kin noong kami pa.
"Alis na 'ko..." Usal niya ng lumayo na sa 'kin at tinalikuran na ako upang magtungo sa pintuan palabas ng condo ko.
Pero bago pa man niya mabuksan ang pintuan ay kaagad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya mula sa likuran...
"Gianna..."
"I missed you, Phen..."
YOU ARE READING
Unconditional Love [COMPLETED]
RomanceFrom highschool lovers to a married couple... Does love really exist? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience.