Chapter 36

49 2 0
                                    

THE CHAPTER 36;

Kinaumagahan, nagising ako dahil sa mga mumunting halik na nararamdaman ko sa may bandang leeg ko.

"Hmm... Stephen, inaantok pa 'ko..." Inaantok kong sabi saka tumagilid ng higa.

I know, kahit hindi ko idilat ang mga mata ko, alam kong siya itong humahalik sa 'kin. Kilalang-kilala ko na siya, eh.

At saka, dito siya natulog kagabi.

This time, ang balikat ko na ang hinahalikan niya.

"Gising na, love. Nagluto na ako ng breakfast natin..." Bulong niya sa tainga ko saka bahagya itong kinagat ng mahina pero nagpadaing sa 'kin kaya, kahit inaantok pa talaga ay bumangon na 'ko saka kinusot-kusot muna ang mga mata bago ito idinilat.

Nang idilat ang mga mata ay ang maaliwalas na mukha kaagad ni Stephen ang bumungad sa 'kin.

My man...

"Good morning..." He greeted me and give me a kissed on my cheeks.

"Good morning too." Medyo paos ko pang sabi lalo't kagigising ko pa lang.

May parte sa 'kin ang hindi sanay na nandito siya ngayong umaga sa mismong condo ko. But looks like, kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko lalo't...

Nagkabalikan na kami.

___

Lumipas ang isang buwan, masyado 'atang naging mabilis ang panahon at namalayan ko na lamang na halos isang buwan na pala simula noong nagkabalikan kami ni Stephen.

Sa awa ng Diyos, hindi pa naman kami nagkakaroon ng malalang away. Tampuhan, oo, pero kaagad din naman naming sinusuyo ang isa't isa. Hangga't maaari, ayaw niya, lalo na ako na matulog kaming may sama ng loob sa isa't isa dahil lamang sa pagtatampuhan o hindi pagkakaunawaan.

Ngayon, nandito kami sa isang Mall na pagmamay-ari raw ng isa sa mga kaibigan niya. Sabado ngayon, eh, kaya ito, bigla nalang nagyaya ang isang 'to na mag-mall daw kami. Libre niya at saka date na rin daw namin ito.

"Ano ba naman yan, Phen? Ang dami mo ng dala-dalang shopping bags, oh! Ni hindi pa nga tayo nag-iisang oras dito sa Mall..." Totoo, wala pang isang oras ng pumunta kami dito pero ito siya, ang dami na naming napasukang stall o botique dito sa loob ng Mall.

"It's okay, love. Para naman sa 'yo 'tong mga pinamili ko, hmm? Besides, treat ko naman, eh..." Aniya habang magkahawak kamay kaming naglalakad ngayon sa may hallway. Pinagtitinginan pa nga kami ng ibang tao dito pero wala akong pake, wala rin sa kanila ang atensyon ko kundi nasa boyfriend ko.

Napairap ako sa sinabi niya. "Kahit na, Phen! Hindi ko naman 'yan agad magagamit 'yang mga pinamili mo eh..." Karamihan kasi sa pinamili niya sa 'kin ay mga kinakailangan ko bilang isang babae, katulad na lamang ng mga make up, dress, sandals, and other things na mayroon naman na ako at mayroon pa ako.

"Edi gamitin mo agad pag-uwi natin." Pamimilosopo niya.

Kaagad ko siyang hinampas sa balikat na ikinadaing niya.

"Ewan ko sa 'yo, Stephen!" Asik ko saka naunang naglakad at iniwan siyang nahuhuli sa paglalakad at hinahabol ako.

Unconditional Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now