THE CHAPTER 12;
(Still Flashback)
8 years ago..."VALENTINE'S DAY"
"Uyy, mga bess! Si Stephen 'yan 'di ba? 'Di ba?" Ani Julie bigla habang papalapit na kami sa gate palabas ng school.
"Hala, oo nga 'no!" Ani rin ni Nicole. "Pero anong ginagawa niya diyan malapit sa guard house?"
"Wait look, may dala-dala siyang bouquet and..."
"Box of chocolates!" Sabay na sabi ng dalawa kong kasama. "SANA ALL SA BIBIGYAN NIYA!"
Mas lalo akong nawalan ng imik at hindi nakapagsalita. Bukod sa walang masabi ay wala rin akong maisip na maganda para magsalita.
Pero bakit nga ba nandito pa siya? Talagang may dala-dala pa siyang flower bouquet and box of chocolates..
Hmm, siguro may hinihintay pa siya. Tama. May hinihintay siya.
Ang nasa isip ko ay lalagpasan at hindi na lang namin siya papansinin pa pero...
Siya na mismo ang humarang sa harapan namin.
Natigilan kaming tatlo.
"Ahm... Hi!" Tila nahihiya pa nitong sabi. "Stephen nga pala..." Pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya sa harapan ko.
Naramdaman ko ang biglang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Shems!
"Ah... Gianna. My name is Gianna..." Pagpapakilala ko rin sabay tanggap ng kamay niya na dahilan para parehong tumili ang dalawa kong kaibigan.
Pero wala sa kanila ang atensyon ko kung hindi sa kamay ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Ang lambot pero... nilalamig ang kamay niya.
Kinakabahan ba siya? Eh hindi naman ako mangangagat ah!
"Nice to formally meet you, Gianna..." Aniya at bahagyang ngumiti. "Nga pala, para sa 'yo..." Sabay abot sa 'kin ng hawak niyang bouquet at tatlong kahon ng chocolate. May nakalagay pang maliit na teddy bear sa gitna ng bouquet. And cute!
"Sa 'kin talaga 'to?" Hindi ako makapaniwalang may magbibigay ng ganito sa 'kin ngayong araw ng nga puso. Wala naman kasi akong inaasahang may magbibigay sa 'kin ng ganito ngayon.
"Oo, para sa 'yo talaga 'yan." Nahihiya nitong sagot. "Happy Valentines Day, Gianna..." Wika niya. "Sige, una na 'ko. Ingat kayo sa pag-uwi ng kaibigan mo. Lalo ka na..." Aniya at ngumiti bago bahagyang ginulo ang buhok ko pagkatapos ay umalis na.
YOU ARE READING
Unconditional Love [COMPLETED]
RomanceFrom highschool lovers to a married couple... Does love really exist? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience.