THE CHAPTER 15;
(Still Flashback)
8 years ago...Mukhang kailangan ko ng ihanda ang sarili ko mamaya kapag nag-online ako, paniguradong aasarin na naman ako ng mga 'to.
"Ahm, Gianna, una na kami..." Ani Julie habang may nanunudyong tingin.
Anak ng--- iiwan nila ako?!
"Huh? Akala ko ba sabay---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magpaalam na silang dalawa ni Nicole at iniwan akong kasama si Stephen.
Napatingin naman ako kay Stephen na napahawak sa batok niya.
"Mukhang wala kang kasabay umuwi ngayon..." Aniya.
I scoffed. "Talagang wala, iniwan ba naman ako ng dalawang 'yon! Parang 'di kaibigan..." Kunwaring nagtatampo kong sabi.
Natawa naman siya. "Hatid na lang kita..."
"Ihahatid mo 'ko? Huwag na! Mapapagod ka lang!"
He smiled. "Okay lang, ang mahalaga, maiuwi kita sa inyo ng ligtas..."
"Ehh..." Wala akong masabi, mga anteh!
"Halika na..." Aniya at nagsimula ng maglakad kaya sumabay na lang din ako.
"Teka 'yong bag mo, ako ng magdadala, mukhang mabigat 'yan..." Aniya at gamit ang isang kamay ay binuhat niya ang pinakadulo ng bag ko upang matantiya kung gaano kabigat ito. "Ang bigat nga, oh..."
"Naku, huwag na. Okay lang, kaya ko naman. Tsaka... sanay na rin naman ako maglakad taga-uwi nang naglalakad na ganito kabigat ang pasan-pasan sa likod..." Paliwanag ko saka bahagyang ngumiti.
"Puwes, simula sa araw na 'to, ako ng magdadala sa bag mo taga-uwi..."
"Huh?" A-anong ibig niyang sabihin? Araw-araw na niya akong ihahatid?
He chuckled. "Wala, ang sabi ko, ang cute mo..." Aniya saka pinisil ang pisngi ko.
YOU ARE READING
Unconditional Love [COMPLETED]
RomanceFrom highschool lovers to a married couple... Does love really exist? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience.