Epilogue

103 2 0
                                    

THE EPILOGUE;

STEPHEN'S POV

9 months later...

Kinakabahan man ay hindi mawala sa kaloob-looban ko ang matinding excitement habang hinihintay dito sa labas ng delivery room ang Misis ko na ngayo'y isinisilang na ang panganay namin.

I already called our parents and family, ibinalita sa kanila na manganganak na ang asawa ko ngayon. Any moment from now, baka nandito na rin ang mga 'yon para samahan akong maghintay.

Ilang minuto pa ako naghintay hanggang sa biglang bumukas ang pinto ng delivery room kung nasaan ang asawa't anak ko. Iniluwa niyon ang OB-Gyne ng asawa ko habang ang asawa ko naman ay nakahiga sa hospital bed at walang malay at ngayo'y nilalabas nila mula sa loob delivery room.

"How's my wife? Ang anak namin? Where? Nasaan ang anak namin?" Kaagad kong tanong sa OB-Gyne na siya ring nagpa-anak sa asawa ko.

"Sa ngayon po, Sir, nasa nursery na po ang anak ninyo at dadalhin naman po namin ang Misis mo sa isang private room katulad ng sabi niyo para doon makapagpahinga hanggang sa magising siya..." Sagot nito sa 'kin.

I nodded before I sighed. "Okay, thank you, Doc..." I thanked her.

"Your welcome, Mr. Villanova..."

___

"Nandito na po si baby..."

Saktong wala pang sampung minuto mula nang magising ang asawa ko ay pumasok ang isang nurse na may dala-dalang isang sanggol na alam kong ang anak namin.

Kaagad nagsilapitan sa 'min ang pamilya namin nang maibigay na nga sa asawa ko ang anak namin upang silipin kung anong itsura nito at kanino ito nagmana.

Well, for me, nagmana kay Gianna ang panganay namin. Ang kulay lang 'ata ng mata ko ang nakuha niya pero gano'n pa man, may pagkakahawig pa rin siya sa 'kin, mas kamukha nga lang niya ang Mommy niya.

By the way, our baby is a girl. A healthy baby girl.

And we will named her, Gwenneth Mae Cortese-Villanova.

Pinaglayo man kami ng ilang taon, pero ngayon ito kami. Magkasama na ulit. Magkasamang bubuo ng sarili naming pamilya at magsasama na habang buhay.

From highschool lovers to married couple. I'm Stephen Villanova and my wife, Gianna Mae Cortese...

We're officially signing off.

THE END!

Unconditional Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now