THE CHAPTER 4;
(Flashback)
8 years ago...'Niloloko ka ni Chrestian, Gianna...'
'Gianna, ano ba?! Nagpapakabulag ka na naman! Kitang harapan ka ng niloloko ng gsgong 'yon, hindi mo pa rin siya hihiwalayan?!'
'Gianna naman! Maawa ka naman sa sarili mo. Palagi ka na lang niya niloloko! Ano ka ngayon? Ito at umiiyak na naman dahil sa lalaking 'yon!'
'Gianna, please! Ako na ang naaawa sa 'yo! Hiwalayan mo na 'yong manlolokong 'yon! Palagi ka nalang niyang pinapaiyak...'
"AYAN ka na naman..." Ani Julie nang makita akong nakatulala na naman malapit sa bintana ng room namin.
Lunch time namin ngayon kaya ang iba sa mga kaklase namin nasa canteen sa mga oras na ito, nagtatanghalian panigurado. Ang iba naman, ewan ko kung nasaan. Basta iilan palang ang nandito.
Napabuntong hininga na lamang ako nang biglang sumulpot rin sa harapan ko si Nicole.
"Iniisip mo na naman siya at ang nakaraan ninyo 'no?!" Ang mala-intsik nitong mga mata ay mas lumiit pa habang sinusuri ako.
"Hindi ah!" Busangot kong sagot.
Gsgi, ba't ko naman iisipin 'yong ex kong manloloko?! Sino ba siya huh? Pake ko sa kanya?!
"Aysus! Oo nga pala, nakita ko siya kanina sa---"
"Saan? Saan mo siya nakita? Sinong kasama niya?" Pag-sabat ko.
"Ayon! Hindi raw iniisip pero kung makatanong..." Ani Julie at naupo silang dalawa ni Nicole sa harapan ko. Talagang nanghila pa sila ng upuan na hindi sa kanila.
Hindi naman ako nakaimik.
Guilty be like. Bwst!
Masama na bang magtanong ngayon? Parang nagtatanong lang naman!
"Kung ako sa 'yo, ghurl, maghanap kana ng bago! Hindi 'yong ganito na nagmumukha ka ng bitter at hindi pa rin nakaka-move on sa manloloko mong ex na 'yon! Napaghahalataan ka na..." Seryosong sabi ni Nicole sa 'kin.
"Eurt! Tsaka 'di mo deserve ng lalaking tulad niya na cheater! Dagdag mo pa 'yong mga kaibigan niyang tino-tolerate ang panloloko niya sa 'yo. Sobrang 'di mo deserve ang ma-ganon, sa true lang." Segunda naman ni Julie sa sinabi ni Nicole.
Muli ay napabuntong hininga ako. "Susubukan ko ulit buksan ang puso ko sa iba..."
"Ayon!"
"Nice ka!"
Hmmp! Susubukan pa nga lang eh! Excited much yarn?
YOU ARE READING
Unconditional Love [COMPLETED]
RomanceFrom highschool lovers to a married couple... Does love really exist? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience.