THE CHAPTER 23;
(Still Flashback)
8 years ago..."Nakita ko si... Chrestian..."
"With his someone new..."
"Oh tapos?" Taas kilay na sabi ni Julie. "Ano naman ngayon? Eh, may Stephen kana! Much better sa lalaking 'yon. Unless kung..."
"Siya pa rin..." Sabay naming sabi.
Napabuntong hininga ako at siya naman ay natigilan sa sinabi naming pareho ng magkasabay.
"Anak ka ng!" Mura niya ng makabawi.
"Ewan ko sa 'yo, Gianna! Ano bang meron sa Chrestian na 'yon at hanggang ngayon siya pa rin?! Huh? Paano si Stephen? Kung gano'n hindi mo siya mahal? Minahal?" Ani Julie.
"No, minahal ko naman si Stephen, eh... It's just... hindi lang no'n mapapantayan 'yong pagmamahal ko kay Chrestian lalo na ngayon na narealize kong mahal ko pa rin siya, na siya pa rin pala..." Saad ko kay Julie.
"Hindi mo nalang sana sinagot 'yong tao kung ganyang hindi kapa pala tapos na magmahal sa lalaking 'yon na ilang beses kang pinagmukhang bulag at tanga noon, Gianna..." Aniya saka bumuntong hininga. "Ewan ko nalang kung anong mararamdaman ni Stephen pag nalaman niya ang napag-usapan natin ngayon."
At doon natapos ang pag-uusap naming dalawa ni Julie hanggang sa dumating na rin ang iba naming kaklase at nagsi-pasukan, kasama na si Nicole.
Buong araw ng klase namin ay walang pumasok ni isa sa utak ko. Naging lutang ako buong araw.
Nang oras na para umuwi, nakatanggap ako ng chat mula kay Stephen.
-
Love❤️
; Hi, love. I'm sorry, I can't fetch you up right now. Nasa bahay na kami ngayon ng kaklase ko, doing our practical research here.
; I'm sorry po, babawi po ako sa susunod
; Ingat ka sa pag-uwi, hmm?
; I love you, love❤️
; Chat me later if nakauwi kana..
-
I just replied 'Okay, I understand' to him before I off my phone.
Mabuti nalang at busy siya ngayon. So I can have my time to think and choose a decision already...
If I should stop what's between Stephen and I... or continue this even though, I will just hurt him more, as days passed by...
YOU ARE READING
Unconditional Love [COMPLETED]
RomanceFrom highschool lovers to a married couple... Does love really exist? - - - ©All rights reserved @RicsCentavo ; This story is not yet polished but I'm trying my best to give a good reading-worthy experience.