Chapter 11

30 2 0
                                    

THE CHAPTER 11;

(Still Flashback)
8 years ago...

"VALENTINE'S DAY"

"Grabe! Ang galing ng banda nina Gelo kanina!" Pag-chika ni Julie habang naglalakad kami palabas ng room namin. Pauwi na kasi kami ngayon.

"Oo nga! Sinabi mo pa! Lalo na si Stephen! Ganda ng boses, anteh!" Segunda ni Nicole sa sinabi ni Julie habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. "Hindi ba, Gianna?" Tanong nito sa 'kin.

Nang tingnan ko ito ay may nanunuksong tingin ito habang nakatingin sa 'kin at hinihintay ang magiging reaksyon ko.

"Huh?"

"Lutang ampucha!"

"Hoii, Nicole! Akala mo hindi ko napapansin ang pasimple mong panunukso kay Gianna sa Stephen na 'yon huh? Ano bang meron?" Ani Julie.

"Wala lang. Madalas ko kasing napapansin na palaging tumitingin sa kanya si Stephen tuwing pumupunta iyon sa room natin kasama ni Sir Cortez. Tapos kanina panay pa tingin niya sa gawi natin habang nanonood tayo sa kanila ng banda niya. Which is obviously, kay Gianna naman talaga siya nakatingin..." Mahabang paliwanag ni Nicole.

Shuta, ang observant talaga!

Akala ko nag-a-assume lang talaga ako pero maski si Nicole napapansin na rin pala 'yong mga pasimpleng pagtingin sa 'kin ng lalaking iyon!

"Wow. Napansin mo talaga 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Julie. "Ako nga rin eh! Lalo na kanina hindi lang niya kinindatan si Gianna, nginitian rin niya!" Anito.

Nag-uusap sila without knowing na naririnig ko 'yong mga pinagsasabi nila. Ang galing.

Pero ano naman ngayon kung kinindatan at ngumiti nga sa 'kin kanina ang Stephen na 'yon? Pake ko?

Unconditional Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now