STATUS:
Good day Philippines. Good day world. I'm so happy today, alam nyo kung bakit ? Boyfriend ko lang naman si Nicholas Ethan Evans. Kaya mga inggitera, mainggit kayo sa galit. Maganda ako at hindi kagaya nyo. And FYI lang mga inggitera dyan sa tabi tabi 2nd anniversary lang naman namin. Mainggit kayo #Blessed #Boyfriend #LoveOfMyLifeNaglabas ako ng isang buntong hininga. Sobra kong saya ngayon. Ito kasi ang 2nd anniversary namin ni Ethan. Hihi, ang kaso nga lang hindi naman talaga kami. Make-Believe ko lang sya meaning para sakin boyfriend ko sya kahit hindi naman talaga kami.
Ang saklap lang kasi ng tinatawag nilang tadhana. Matagal ko ng kaklase yang si Ethan pero ni minsan hindi man lang napansin ang kagandahan 'ko. Nakakainis. Pakiramdam ko tuloy napakapanget ko kahit hindi naman.
"Nakakainis ka naman kasi Ethan, kaklase at ka-eskwela na kita dati pa kahit hindi ka pa artista hindi mo na ako pinansin tapos ngayong sikat ka na hindi mo parin ako pinapansin. Ang saklap naman" saad ko habang nakatingin lang dito sa screen ng phone ko na sya ang nakawallpaper.
Nakasimangot lang akong nakatingin sa picture nyang nakangiti. Naiinis tuloy ako, bakit ba dati hindi man lang nya ako mangitian ng ganyan ?
Pabagsak ko na lang hiniga ang sarili ko sa kama na nasa likuran ko. At tumingala sa may kisame.
"Sabihin nyo nga sakin, hanggang kelan pa ba akong magiging ganito? Hopeless romantic na lang ba ako for life ? Hanggang make-believe na lang ba ang lahat?" tanong ko habang nakatingala parin sa may kisame.
Para na akong baliw nito na walang kinakausap. Nakakainis naman kasi, dalawang taon na akong ganito. Minsan nga, binalak kong lapitan sya kaso dahil nga sa sikat sya hinarangan ako ng mga kill joy na mga guard na 'yon. Gusto ko lang naman magpakilala , kaso madaya at maramot ang tadhana.
At simula nung araw na sumikat sya lumipat na lang sya basta sa isang exclusive school para sa mga artista. Naiinis ako. Matagal ko ng crush yung tao bata pa lang ako crush ko na si Ethan pero dahil lang nag-artista sya naging mahirap na para sakin ang lahat.
Halos araw araw pagkalabas ko ng school ay pumupunta ako sa school nila para makita sya kaso lagi naman akong huli dahil umalis o kaya nasa shooting sya.
Hindi ako nawalan ng pag-asa kahit maramot at madaya ang tadhana. Dahil naniniwala ako sa destiny, naniniwala akong kami ang para sa isa't isa. Kami lang. Wala ng iba.
Nanatili lang akong nakatingala sa may kisame ng biglang tumunog ang phone ko. Bigla naman akong sumimangot. Alam ng nage-emote ako dito , maninira ng moment . Kaya masamang loob ko na lang kinuha ung phone kong kalapit ko lang at pinindot ko ung notification.
Hoy, @NinaChiara wag kang ilusyonada. May girlfriend na si @EthanEvans at si @PauJana na 'yon. Hindi kayo nababagay ni Ethan dahil isa ka lang basura.
Bigla namang kumulo ang dugo ko dito sa nagreply sakin. Gosh! What a pain in the neck. Anong akala nya sa ginawa nya, magiging sila ng Ethan my loves ? Hindi nya ba naisip na sa ginawa nya, sya ang naging ilusyonada or better yet nasaktan dun sa pinost kong mga inggitera. Gosh! Halatang inggitera, tinago pa ang totoong kulay halatang halata na naman.
Kaya syempre, pababayaan ko na lang bang apak-apakan nya ako ng buhay ? No. A big no. Hindi pababayaan 'yon.
@WitchyBitch sa tingin mo hindi ka naging basura sa mga sinabi mo ? Look, Alam kong naiingit ka lang pero tandaan mo, ako ang girlfriend ni Ethan at hinding hindi magiging ikaw. #Witch
Natawa pa ako pagkatapos kong i-post 'yon. Bagay lang sa kanya. Nakakainis sya. At dahil sa naiinis ako ay nagpost muli ako at sinigurado kong ang post kong 'yon ay magpo-post sa lahat ng social media accounts ko. Like Facebook, Twitter, Instagram, Snapchat, Youtube at kung anu ano ko pang account sa internet.
Ayoko pa naman ng ganitong nalulungkot ako dahil sa tinagal tagal ng panahon ay hindi parin ako mapansin ni Ethan tapos may isang katulad ni @WitchyBitch na lalong sisira ng araw ko.
Nicholas Ethan Evans is my boyfriend, so bitches back off. #MineOnly #Forever #Love #Boyfriend
At madiin ko pa'tong pinindot sa phone ko ang enter. And pagkatapos kong successful na mapost sa internet 'yon ay nag-scary laugh ako. Haha, Yan lang ang nababagay sayo @WitchyBitch.
At pagkatapos non ay inoff ko na ang screen dahil maliligo na ako. Baka malate pa ako sa school, alam nyo naman #EstudyanteProblems at #PrettyProblems. Haha.
Kung hindi nyo pa napapansin, i really like social media so much.
"Chiara, bilisan mo na mala-late ka" narinig kong sigaw ni Ate Charen sa may ibaba. Ang weird ng spelling ng pangalan ni ate noh? Si Mama kasi sobrang creative kahit ayaw ni Papa aba'y pinagpilitan na maging ganun ang spelling ng pangalan ni ate. Sabagay pangalan ko nga, Chiara pero kung babasahin Kee-a-ra . Italian name pa, minsan naisip ko gusto bang makapunta ni Mama sa Italy?
"Chiara.." bigla akong nagbalik sa kasalukuyan nung muli akong tinawag ni ate.
"Nandyan na"
Oo nga pala, wala na kaming mga magulang ni Ate Charen dahil nung bata pa ako naaksidente sila. Kaya si ate Charen na ang nagtake over sa munting business nila Mama at Papa. Isang coffee shop.
PAGKATAPOS kong mag-ayos ay kumain na ako at pagkatapos ay pumasok na ako sa school. Hindi naman kami mayaman ni ate Charen pero nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw , well , hindi lang pala tatlo dahil kung kumain ako hindi lang tatlong beses sa isang araw.
"Hoy, Chiara ano na naman 'yong kaartehan mo sa facebook?" agad naman akong napalingon dito sa nagtanong sakin. Si Allison pala -bestfriend ko.
"Alin dun?" nakangiti ko pang tanong sa kanya. Totoo naman, marami akong pinopost sa fb kung ano ano, like recipe ng pagkain, bible verses, ung lyrics, ung galit ko sa mundo , ung mga haters, ung mga tsismosa kong kaklase at ung pagiging kami ng baby Ethan ko.
"Ung kay Ethan, duh!"
BINABASA MO ANG
My Make-Believe Boyfriend ✔️
Teen FictionHandsome Actors Series Book 1 Pretending to yourself that someone likes you means you're only hurting yourself She wished nothing but her crush will start to notice her existence but it failed. Almost everyday she hoped that one day he will notice...