Chapter 40

1K 20 0
                                    

•• Nicholas Ethan's Pov ••

Nabato ako habang nakapark ang kotse ko. Nakatingin lang ako sa kanya pero hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko, ang pagkakaalam ko ay matagal na syang nawala dito sa puso ko pero bakit nagwawala pa ito na parang isang drum?

Pinagmasdan ko syang nakaupo sa isang bench na hindi naman masyadong malayo. Nakita ko syang pinapahid ang mga luha nya na patuloy lang sa pagbagsak. Nakaramdam ako ng kaba kaya lalabas na sana ako ng sasakyan ng ma-realize kong maraming tayo at maraming makakakilala sakin kaya kinuha ko ung sumbrero na nito sa kotse ko at sinuot ito.

Lumabas ako ng sasakyan at nilapitan ko sya. Iyak lang sya ng iyak. Hindi nya ako napapansin kaya naisipan kong umupo sa bakanteng pwesto dito sa bench. May kinuha akong panyo mula sa bulsa ko at inbot sa kanya. Tinggap nya naman ito at natigilan ako ng mahawakan nya ang kamay ko.

Biglang nagbabalik sakin ang nakaraan. Umiling iling lang ako at hindi na lang pinansin yung paghawak nya sa kamay ko at nagsimula ko na syang tanungin.

"Ano bang nangyari?" Patuloy lang sya sa pag-iyak hanggang sa yakapin na nya ako habang patuloy parin sya sa pag-iyak .

"Sinaktan nya lang ako Ethan, he just used me. Sinabi nyang mahal nya ako pero hindi naman talaga. He just broke my heart" Ramdam ko ang panginginig nya dahil humihikbi sya. Niyakap ko naman sya at hinalikan ko ang buhok nya.

This feels like deja vu.

"Ethan" narinig kong sigaw ng isang batang babaeng mabilis na tumatakbo papunta sa direksyon ko at nung kaharap na nya ako ay basta na lang nya akong niyakap ng mahigpit. Nabigla ako pero hindi ko inalis ang pagkakayakap nya sakin bagkus ay pinabayaan ko lang syang umiyak.

"Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Inaaway nila ako. Ang sabi nila, hindi naman tayo ang magkakatuluyan, hindi daw tayo ang nakalaan para sa isa't isa. Hindi daw totoo ung kasal kasalan natin" Alam kong 7 years old pa lang ako pero naniniwala ako pati ang puso ko na si Charisse lang ang nakatadhana sakin .

"Wag ka ng umiyak" Kinomfort ko lang sya hanggang sa nawala na yung sama ng loob nya at nagsimula na syang tumawa.

Pero pagkatapos din ng ilang segundo ay muli na naman syang nalungkot.

"O, malungkot ka na naman? Wag mo na lang syang pansinin, may nakatadhana para sayo" nakangiti kong saad pero nanatili parin syang malungkot hanggang sa umiyak na naman sya.

"O, umiiyak ka na naman, may ginawa ba akong mali?" umiling iling sya.

"Wala kang ginawang mali, pero ako marami halos masira ko na ang carreer mo , halos iwan mo na 'to pero nandito ka parin pinapasaya ako. Maraming salamat ha" Hindi ako nagsalita sa sinabi nya bagkus ay napangiti ako.

How can I not do such good and thoughtful things kung makikita mong umiiyak ang childhood bestfriend slash childhood sweetheat slash first love slash first girlfriend slash the girl who broke my heart and crushed it into pieces.

Mahirap syang patawarin pero since I met Chiara, she made me realize that forgiving someone means you let go the anger inside you and let God control your good thoughts.

I'm so blessed to have Chiara as my girlfriend, but It doesn't change the fact that Darren and her have a secret relation they're keeping it away from us.

°°°°

Nina Chiara's Pov

Still hurts upon realizing that the person you love didn't wait for your honest confession instead he stormed out of the room and run away.

Siguro, ganito rin ang naramdaman ni Ethan nun.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon