Chapter 35

941 20 0
                                    

Alam kong naging unfair ako dahil pagkatapos kong tanungin ang tanong na 'yon ay basta na lang akong umalis ng bahay nila Ate Charen at basta na lang akong pumara ng taxi at nung may napara na ako ay sumakay na agad ako.

Buong byahe ay iyak lang ako ng iyak. Suot suot ko parin ang toga ko na suot suot ko kanina pero ngayon halos mukha na itong basahan dahil sa ilang mga luhang bumagsak dito.

Kahit ilang beses kong pahirin ang mga luha ko ay parang wala parin itong nagawa dahil hindi parin ito tumitigil.

Napatakip pa ako ng bibig ng nagbalik na naman sa alaala ko ung sinabi nyang 'yon kanina. Kung hindi nya ginusto ang mga 'yon , edi sana hindi na sya umattend pero umattend parin sya.

"Ang manhid manhid ko. Sana narealize ko na noon pa lang na may posibilidad na hindi matupad ung pangako nyang 'yon" napatakip ako ng bibig dahil kung hindi ko ito gagawin ay magiging malakas ang pag-iyak ko na ayokong mangyari dahil maririnig ako ni Mamang Drayber.

Pero ano ba 'tong sinasabi ko? Alam kong naririnig at nakikita nya ako ngayon, nandito lang ako sa passanger seat.

Pinunasan kong muli ang mg luha ko at binaling na lang ang paningin sa binatana.

"Ija, pasensya ka na kung makikialam ako sayo ah. Pero ang sabi ng anak ko, kung may sama ng loob kang nararamdaman sabihin mo ito sa taong di mo kilala dahil sa pamamagitan nun ay nailalabas mo ang lahat ng hinanakit mo at makakaasa ka pang hindi ito maipagkakalat ng taong 'yon dahil hindi mo sya kilala"

Natigilan ko sa sinabi ni Mamang Drayber at pagkatapos ay tiningnan ko sya dun sa rear view mirror.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ako nagkwento kay Mamang Drayber ng hinanakit ko.

****

"OMG!! Ang laki ang cash gift sakin nila Mommy at Daddy kaya tara't magshopping" masayang saad ni Allison habang tumatalon talon pa.

Nandito kami sa bahay nya para daw magplano kami ng gagawin sa araw na 'to. Pero habang nagkukwento sya ay hindi ko lang sya pinapansin. Masama parin kasi anv loob ko para kay Ethan .

Nagpray na ako kagabi tungkol dito, thank God kahit papaano ay natanggal ni Lord ang kalahati nito. Tinanggal ni Lord ung sakit.

"Oy, may problema ka ba?" tanong ni Allison pero hindi ko lang sya pinansin. Narinig ko syang naglabas ng buntong hininga at nilapitan nya ako at umupo rin sya dito sa may kama nya .

"Hey, what's wrong?" nag-aalala nyang tanong.

Umiling iling lang akong bilang sagot. Nakita ko syang nalungkot at niyakap ako ng mahigpit. Napatungo naman ako at niyakap ko rin sya ng mahigpit.

"Kung tungkol ba ito dun sa hindi kita pinansin kahapon, I'm sorry, dumating kasi sina Tita kasama ang mga pinsan ko galing ibang bansa at ung iba galing probinsya naman. Pasensya ka na talaga, kaya alam mo ba pag-uwi ko nagpumilit ako kay Mommy at Daddy na bigyan ako ng cash gift para makapagbonding naman tayo." alam kong nakapout sya kahit hindi ako nakatingin sa kanya dahilan para tuluyan na akong mapaluha. Hindi dahil sa sinabi nya kundi dahil sa nangyari kahapon.

"Okay lang, It's not about you. It's about Ethan. We made a deal na a-attend kami ng graduation ceremony ng isa't isa pero he broke his promise at mas pinili nya ang carrer nya kaysa sakin"

Kumalas muna sa yakap si Allison at inabutan ako ng tissue na kinuha nya sa cabinet nya.

"Maybe, hindi nya sinasadya yon. Tandaan mo, alam mo sa sarili mong mahirap maging artista. Alam kong napagdaan mo yan at pinagdadaanan mo yan ngayon kaya please intindihin mo na lang sya."

Napangiti ako dun sa sinabi nya at muli ko syang niyakap.

"Thank you."

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon