Jonelle's Note
First chapter 26 ever !! na sinulat ko sa story ko. Gosh ! I'm not gonna cry.---***
Bumaba ako ng sasakyan nya ng busangot ang pagmumukha. Nakakainis naman ang taong 'to. Nauna na rin akong pumasok sa restaurant dahil ipa-parking nya pa ang sasakyan nya. Seriously, date ba 'to bat parang wala naman akong alam. Nakakainis ! Kung ito na ba ung magiging date namin ng lalaking 'to . Wag na lang.
"Chiara, good thing you're here" napalingon ako dun sa nagsalita. Ate Charen? Kuya EJ?
"Ate,Kuya, anong ginagawa nyo dito?" tanong ko habang umuupo dun sa bakanteng silyang katapat nila.
"You didn't know? " tanong ni Ate Charen. Napakunot naman ako ng noo.
Nagkatinginan muna sina Ate at Kuya at pagkatapos ay sabay nilang sinabi na "We're getting married"
Plain ko lang silang tiningnan . Like duh! Alam ko pong ikakasal na sila, sila pa nga diba mismo ang nagsabi sakin nun diba ?
"Ate, Kuya, alam ko na yan" plain na sagot ko. Aba'y masisisi mo ba ako? Pagod na po kasi ako, nagshooting pa po kami.
"Ahh, ganun ba? Pasensya ka na Chiara" Ate Charen paused and she looked worried. "Ang gusto lang kasi naming sabihin ng Kuya EJ mo ay ikakasal na kami sa Sunday"
Kung may iniinom lang siguro ako ngayon ay naibuga ko na dahil sa pagkagulat. Ano? Totoo ba 'to?
"Sa-sunday?" Halos di ko makapaniwalang saad. Napangiti silang dalawa at sasagot na sana ng dumating na si Ethan na parang naiinis na di mo mawari , naku! ano bang problema ng isang 'to ?
Umupo lang si Ethan dun sa bakanteng upuang malapit sakin at hindi man lang ako tiningnan. Grabe !
Pagkaupo naman ni Ethan ay tinuloy naman ni Ate Charen ang kanyang pagku-kwento.
"Yep, sunday para lahat tayo maka-attend ng gawain. At alam kong tayong lahat ay Christians at saka kailangan nating umattend sa gawain dahil para kay God 'yon"
Tama naman si Ate Charen dun sa sinabi nya. Pagkatapos sabihin ni Ate Charen yon ay sinabi nya na ring nandito kami para magkaroon daw ng family dinner kuno dahil ikakasal na daw sila ni Kuya EJ at kami naman ni Ethan ay ikakasal na rin naman daw pero in the near future.
Natahimik at natigilan lang ako pero itong si Ethan ay nasabid dahil sa sinabi ni Ate Charen. Pero imbis na matakot o mabigla ay mas lalo pang natuwa at kinilig si Ate Charen, kesyo excited daw si Ethan. Ate, seryoso ! Excited halatang halata naman na ayaw sakin ng lalaking 'yan
Napag-usapan na rin namin ung tungkol sa Graduation dahil malapit na rin. Hindi na rin ako lumipat ng school dahil ilang buwan na rin naman ay gagra-gradute na din kami.
"Chiara, edi si Ethan na ba ng magiging escort mo?" tanong ni Kuya EJ, pero imbis na sumagot ay tiningnan ko lang si Ethan na kalapit ko lang. Hinihintay ko ang isasagot nya.
"No. That won't happen. I'll go with friends" sagot nya. Napatungo ako. Mahirap mang sabihin pero nagseselos ako. Alam kong mali, alam kong kasalanan pero masisisi mo ba ako ? O sadyang pinaasa ko lang talaga ang sarili ko sa isang bagay na di naman talaga dapat asahan.
Hindi ko na rin napansin na may luha na palang bumabagsak mula sa mga mata ko.
"Chiara, are you okay?" tanong ni Kuya EJ. Sandali naman akong nagpunas ng mga luha at pagkatapos ay nag-angat ako ng tingin at sinabi kong okay lang ako.
Pagpinagmamasdan ko sina Ate Charen at Kuya EJ, masasabi kong sila ng patunay ng salitang Fate at Destiny. Kaya dati nangako ako sa sarili ko na darating ang isang araw na ... magiging ganyan din ang love story ko.
--
Dumating ang araw ng linggo at nagpasalamat ako sa Diyos dahil sa panibagong araw na binigay nya sakin.Natutuwa ako dahil panibagong araw na naman para sambahin at purihin at Diyos na lumalang at nagmamahal satin.
Sinabi sakin ni Ate Charen na matagal na daw nila pinalano ni Kuya EJ ang lahat at nung sinabi nila sakin ikakasal na daw sila ay halos lahat daw ay na-ayos na pero kulang parin kaya tumagal pa ng ilang mga araw ang kasal na matagal na nilang hinihintay .
Nung nasa simbahan na kami at labis labis ang pasasalamat ko sa Diyos dahil natupad na rin ang pangarap ni Ate Charen na makasal sa lalaking mahal na mahal nya.
"You may now kiss the bride" humarap sila sa isa't isa at unti unting inangat ni Kuya EJ ang belo ni Ate Charen at pagkatapos ay hinalikan nya na ito sa labi.
Pagkatapos sa simbahan at reception ay umuwi na sila Ate Charen at Kuya EJ sa bahay nila. Ang sabi nila, matagal na daw ung bahay kaso dahil nga sa naghiwalay sila ay hindi daw tumira dun si Kuya EJ pero ngayon ay dun na talaga sila titira.
At sakin naman ? Dun sa bahay namin ni Ate Charen ako nananatili."I'm so happy for Ate Charen and Kuya EJ" alam kong nilapitan ako ni Allison kaya sumagot din ako sa sinabi nya .
"Me too" nilingon ko sya at nakita kong nakangiti sya. Alam kong masaya si Allison dahil pagkatapos lang ng ilang buwan ay graduate na kami ng high school at hello college na kami. Bigla tuloy akong nag-excite pero bago yon prom muna.
"May makaka-date ka na ba ... sa prom?" tanong ni Allison. Umiling iling lang ako habang nakatingin kay Ethan na ngayon ay busy sa kausap nya sa phone nya .Nandito pala kami sa set ng pinagsho-shooting-an namin. Tapos si Allison ay pinapapasok dahil sinabing kaibigan ko dahil kung hindi ko sinabi ko 'yun nako, for sure hindi yan makakapasok.
"Umaasa kang sya ang magiging date mo?" tanong nya habang nakatingin din kay Ethan with that worried look in her face. Peke na lang akong ngumiti habang di parin inaaalis ang tingin kay Ethan.
"Wala namang masamang umasa diba?"
Narinig ko syang naglabas ng isang buntong hininga.
"Alam mo namang wala kang dapat asahan, umaasa ka pa"
BINABASA MO ANG
My Make-Believe Boyfriend ✔️
Teen FictionHandsome Actors Series Book 1 Pretending to yourself that someone likes you means you're only hurting yourself She wished nothing but her crush will start to notice her existence but it failed. Almost everyday she hoped that one day he will notice...