Chapter 22

1.2K 24 0
                                    

Life is complicated and at the same time unfair.

Pagkatapos sabihin ni Ethan ung payag na daw syang maging boyfriend ko kuno ay basta na lang syang sumakay ng kotse nya at iniwan akong nakanganga. Ano bang problema ng isang 'yon ?

---

Ikinuwento ko kay Allison ang nangyari at maging sya ay nabigla sa sinabi ni Ethan.

"Anong nangyari sa kanya? Sa pagkakakwento mo sakin sa anong klaseng tao sya ay hindi sya ung klase ng tao na basta na lang papayag sa ganung bagay. Diba, he wants his privacy pero--" hindi nya na natapos ang sinasabi nya ng kumain na lang sya ng potato chips. Okay na rin pala si Allison na kahit paminsan minsan ay mahuhuli mo itong malungkot pero ang sabi naman nya ay pipilitin nyang maging okay dahil kahit papaano naman ay may komunikasyon na kami ngayon ni Reecee.

"Yun nga,e. Isn't it weird? Kasi tingnan mo ha,kung pinipilit nga sya ni Manager Earl or just Kuya EJ na maging girlfriend ako kuno" sabi ko with hand gestures. "Edi diba sana hindi sya pumayag or just ipaglaban nya ung sa tingin nya ay karapatan nya at magprotesta sa kuya nya?" saad ko.

Kumuha muna sya ng isang potato chip at kinain muna ito bago sumagot.

"Alam mo ha, naguguluhan din ako. Nung hindi mo pa sya ginawang make-believe boyfriend nun hindi naman nagkakaganito ang lahat diba? Tapos ngayon ... hay, ang komplikado ng buhay mo" at pagkatapos ay muli syang kumain. Napatahimik na lang ako. Naguguluhan ako sa kinikilos ng lalaking 'yon. Honestly, ang laki ng pagkakaiba ng kilos nya sa sinasabi ng bibig nya.

Umuwi ako ng bahay ng araw na 'yun na hindi parin nawawala ang pagkakagulo ko. Napansin kong hindi pa pala nakakauwi ng bahay si Ate Charen marahil dahil na rin siguro sa medyo  napaaga kami ng pag-uwi. Wala kasi ung teacher namin kaya pinauwi  na lang kami.

Naupo na lang ako sa may sofa para pumatay ng oras at para na rin makausap ko si Ate Charen. Hindi parin ako nakakapagpalit ng damit dahil alam kong pauwi  na rin si Ate Charen. At habang nakaupo ako dito sa may sofa ay naisipan ko na ring nanuod ng tv.

At nung pagkabukas ko nito ay hindi ko alam kung nananaginip ba ako o sadyang binabangungot na. Ang sabi ng reporter sa tv na ito na ang pangatlong araw nilang nirereport ang balitang ito , ung balitang ako daw ang girlfriend ni Darren.

Halos hindi ako makapagsalita habang nakatutok ang mga mata ko sa screen ng tv. Hindi ko inaasahan sa sarili ko na mga mata ko pa mismo ang magkakita ng ganito.

"Anong masasabi nyo sa relasyon ni Darren at ni  Chiara" tanong nung reporter sa isang babaeng artista. Nung una ay hindi ko sya masyadong makilala dahil nakasuot sya ng sun glasses pero nung tinanggal nya ito ay napatanong ako sa sarili ko na 'Anong kinalaman ni Jana sa issue-ng ito?'

"Well, ano pa bang masasabi ko? Bagay sila at sana sila na talaga dahil ang ayoko sa lahat ay  may umaagaw sa boyfriend ko."  sabi ni Jana habang inaayos ang buhok nyang ngayon ay medyo kulot na bumagay sa kanya.

"Sino pong boyfriend?" tanong nung reporter. This time, mukha namang nakaramdam na ng inis  itong si Jana dahil nakita sa camera na nag eye roll na sya at pagkatapos ay sinabing ...

"Si Ethan syempre. At kung iniisip nyo man na hindi totoo ang sinasabi ko? Maniwala kayo. Ethan is just a little shy about our relationship. Actually, 1 month na nga kami,e --"

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit basta ko na lang kunuha ung remote na malapit lang sakin at basta ko na lang pinatay ung tv. Ano ba 'tong nangyayari sakin? Naguguluhan ako. Bakit sinabi ni Ethan na payag na daw syang maging boyfriend ko kung may girlfriend na pala sya at si Jana 'yon. Hindi ko maintindihan.

"Naguguluhan ka?" napalingon naman ako dun sa pinagmulan ng boses.

"Ate Charen .."

 Ngumiti muna sya bago ako nilapitan at umupo sa bakanteng pwesto sa may sofa na kalapit ko lang. Tatanungin ko na sana si Ate Charen ng magsalita na sya dahilan para tahimik na lang akong pinakinggan sya.

"Alam kong naguguluhan ka. Well, ako rin nung una pero EJ sorted everything out.Alam kong nalaman mo ng pinilit ni EJ na maging boyfriend mo si Ethan, Chiara,do want to know the reason why?"

I just nod to my Ate Charen's question.

"Dahil ang gusto ni EJ ay kayo ang magkatuluyan ni Ethan. It may sound na gusto ni EJ na sya ang masunod sa buhay ng nakababata nyang kapatid pero believe, he isn't. He's only doing these dahil gusto nyang maiwasan muli ni Ethan ung nakaraan. Ginamit at sinaktan lang sya nun ng isang babaeng minahal nya ng lubos na kahit carrer nya ay handa nyang bitawan. " Ate Charen paused at may kinuhang picture sa bulsa nya. It's an old picture of Kuya EJ and Ethan. "EJ won't agree on this pero mabuti na lang bago pa magawa yon ni Ethan ay lumabas na ang katotohan. It's been 2 years na naganap 'yon kaya ginawa ni EJ ang lahat para maibalik on tract ang carrer ni Ethan."

Tahimik lang ako nakinig kay Ate Charen nung sinabi nya 'yon at pagkatapos ay ibinigay nya sakin ung lumang picture tinanggap ko naman 'to at pinagmasdan ang dalawang lalaki sa picture.

"You know what? Nung araw na akala namin ni EJ na magpapakasal na kami ay  nangako kami sa isa't isa na kayo ang magkakatuluyan ni Ethan. Sabi ni EJ na mas mabuti na lang na mapunta ang kapatid nya sa taong kilala nya kaysa naman sa iba. We even make a deal on our self na ipapa-arrange marriage namin kayong dalawa when you guys turned into 20 years of age."

Napa-isip ako bigla dun sa sinabi ni Ate Charen. Whoa !

"Whoa, 2nd year college?" tumawa muna si Ate Charen bago sinagot ang tanong ko.

"Yes. Alam mo ba sinabi na rin ito ni EJ kay Ethan nun kaya nagprotesta si Ethan nun." nakita ko pang tumatawa si Ate Charen.

Wait, anong sabi ni Ate Charen? Sinabi ni Kuya EJ ito kay Ethan,whoa, Ito siguro ang reason kung bakit hindi ako pinapansin ni Ethan nun dahil sinabi ni Kuya EJ  pero ni minsan naman ay hindi sinabi ni Ate Charen sakin 'to ngayon lang.

"Ate, Bakit ngayon mo lang sakin sinabi 'to?"

"Hindi ko rin alam. Siguro, kailangan? Pero tandaan mo ..." tumayo na si Ate Charen at nagsimula ng maglakad papaalis ng muli syang tumigil at nilingon ako. "Dahil nagkabalikan kami ni EJ, itutulak namin kayo ni Ethan para sa isa't isa."

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon