Chapter 20

1.2K 27 0
                                    

"Ano kasi,Ate Charen---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng magsalita si Ate Charen.

"Chiara,hindi naman sa ayaw ko si Darren para sayo ang kaso nga lang ... masyado ka ng nadidikit sa showbiz baka hindi ka na makapagfocus sa pag-aaral" nakatingin lang si Ate Chare na sakin na parang nag-aalala . Naiintindihan ko si Ate Charen, sya na rin kasi ang nagpalaki sakin simula nung nawalan na kami ng mga magulang. Pinilit ni Ate Charen na kayanin ang lahat para saming dalawa.

"Ate,mali ang sinabi sa balita. Walang kami ni Darren sadyang kaibigan lang talaga kami" totoo ang sinabi kong 'yon.

Pagkatapos non ay pinabayaan na ako ni Ate Charen na umakyat na sa kwarto ko. Pabagsak na lang akong humiga ng kama. Sino ba namang mag-aakala na mangyayari sa buhay ko ang ganito? Dati umaasa lang ako na darating ang isang araw na mapansin din ako ng crush kong si Ethan pero ngayon naging komplikado na ang lahat.

Naisipan ko na ring tawagan si Allison tungkol sa topic na 'to. At nung natawagan ko sya at i-kinomference ko na rin para makausap namin si Reecee.

"Totoo ba ung sa balita?" agad na tanong ni Allison. Napakamot na lang ako ng ulo at sinabi ko ang totoo.

"Hindi naman totoo yon ..."

"Pero bakit magkasama kayo ni Darren? Don't tell me, boyfriend mo na sya?" giit ni Allison habang may naririnig akong nguminguya sa kabilang linya. Mukhang kumakain ang babaeng 'to a.

"Hindi ko nga sya boyfriend,ok"

"Nasaan si Ethan? Bakit hindi mo sya kasama ?" natahimik na lang akong bigla nung narinig ko ang tanong ni Reecee. Napakaseryoso ng boses nya.

"Ano kasi, Reecee. "

"Chiara,tell me sumusuko ka na ba talaga?" this time kami na ni Allison ang natigilan. Bakit parang may hinananakit sa boses nya ? Wag mong sabihing sinaktan na naman sya ni Jana?

"Reecee--"

"I'm sorry Chiara. Sorry kung sinali ko pa kayo sa problema kong ito, siguro mas maganda ng lumayo na lang ako. Masyado lang akong nasasaktan kung ipagpapatuloy ko na pa ang pagmamahal sa taong pilit naman akong tinutulak" hindi na ako nakapagsalita pa sa narinig ko. Sinisisi ki ang sarili ko dahil dito . Kung sana naging magaling akong actress para magpanggap na girlfriend ni Ethan , hindi sana mangyayari 'to. Naniniwala akong pinahiya na naman sya ni Jana at kung hindi naman ay sinaktan na naman sya nito.

"Reecee ... " narinig kong may bahid ng pag-aalala sa boses ni Allison.

"Girls, sorry . Iiwanan ko na muna kayo,siguro 2 or 3 years muna akong mawawala. Dun muna ako sa parents ko sa New York. Kailangan ko na syang kalimutan"

Hindi ko mapigilang hindi malungkot dahil sa sinabi ni Reecee. Alam kong masakit para sa kanya 'to at maging samin ni Allison ay masakit rin dahil napamahal na samin si Reecee kahit sandali lang 'yon ay naging kaibigan namin sya.

At pagkatapos non ay na-disconnect na ang tawag dahilan para mag-end ung call. Hindi ko mapigilang hindi maluha dahil sa sinabi ni Reecee. Naaawa ako para sa kanya, para lang sa isang babae aalis sya ng bansa para lang makalimot at iwanan ang sakit.

Hindi ko na rin napansin na isa isa na palang tumutulo ang mga luha ko. Ang buong akala ko kanina, ang pag-uusapan namin ay ung tunkol sa balita pero biglang nagbago ang lahat. Nalipat na lang itong basta kay Reecee na hindi inaasahan .

--
Lumipas ang mga araw at parang kulang ang mga araw namin ni Allison , marahil dahil na rin sa pag-alis ni Reecee. Hindi na rin nya kasi sinabi samin kelan o anong oras ang alis nya,nalaman na lang namin ito ni Allison nun binalita na lang sa tv.

Naisipan kasi namin ni Allison na mag-sleep over na lang dito sa bahay para kahit papaaano ay mabawasan ang sakit ng dahil sa nalaman naming aalis si Reecee. Hanggang sa binalita sa balita na kanina lang daw umaga ay umalis na daw ng bansa si Reecee. Nalungkot naman ako samantalang ito namang si Allison ay nakatitig lamang sa tv screen habang isa isa ng bumabagsak ang kanyang mga luha.

Hindi ko naman masisisi si Allison dahil close na close sila ni Reecee dahil simula nung gawin ko ung plano ay lagi ng magkasama yang dalawang yan. Minsan, sinasabi sakin ni Allison na sumasama daw sya sa shooting ni Reecee. Napag-aakalaan nga daw si Allison na girlfriend ni Reecee pero sinasabi ni Reecee na bestfriend sila.

Hindi ko kasi sila nasasamahan dahil sa masyado akong abala sa pagtulong pero in the end , hindi rin naman ako nakatulong.

"Mukhang ito ang katapusan ng pagtulong ko kay Reecee.." wala sa sariling saad ko. Masyado akong nalulungkot na kahit gabi na ay hindi parin ako dalawin ng antok.

"Allison" tinawag ko si Allison na halos trenta minutos ng nakatulala sa tv screen habang patuloy parin sa pagtulo ang kanyang mga luha.

Hindi parin ako pinapansin ni Allison. Alam kong napamahal na rin sya kay Reecee pero huli na ang lahat dahil pumunta na sya ng New York.

Hindi na rin ako nabigla nung puntahan ako dito ni Ethan. Mababakas mo ang galit sa kanyang mukha pero hindi ko na lang pinansin yon dahil ramdam ko parin ang lungkot dahil sa pag-alis ni Reecee.

"You really love to ruin my carrer huh,woman" nangngangalit na saad ni Ethan. Sinadya nya talagang pumunta dito sa school ko para lang sabihin yon.

Pero kagaya kanina ay bored ko lang syang tingnan . Ayokong magsayang ng maraming emosyon sa araw na 'to dahil kaaalis lang ni Reecee at kahit ito ang pangalawang araw masakit parin para sakin.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

Nakita kong nagpipigil na talaga sya. Pero hindi ko na lang pinansin yon at agad na akong tumalikod kahit napapalibutan na naman kami ng mga fans nyang mga babae dito sa school namin.

Maglalakad na sana ako papaalis ng basta na lang nya akong higitin at sapilitang binuhat na para bang kami'y bagong kasal. Pilit naman akong nagpupumiglas pero sinamaan nya lang ako ng tingin. Hindi ko na lang pinansin yung tingin nyang yon at pagkatalos ay nagpumiglas na naman ako pero natigilan ako sa sumunod nyang sinabi.

"Sige, magpumiglas ka pa kung ayaw mong bitawan na lang kitang basta para unang mahulog ang ulo mo at mabagok ka"

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon