Chapter 28

1K 23 0
                                    

Akala ko yun na ang buong sentence pero nagkamali ako.

"Pero wag kang umasa na magiging mabait ako sayo. I'm only doing this para sa carrer nating dalawa. Mas pabor pa 'to sayo" he paused at plain nya akong tiningnan. "Atsa dun sa sinabi ko nun na payag na akong maging boyfriend mo, let's me it real ... kapag may camera"

Natigilan ako. Bakit pakiramdam ko, hindi lang ako nasampal kundi nasuntok at nasapak na rin. Saklap. Umasa pa naman akong magiging masaya ang araw na 'to pero nagkamali lang ako.

Napatungo ako at napakagat ng lower lip ko pero pigilan ang mga luha ko.

"What are you doing?" hindi ko na lang pinansin yung tanong nya at marahas ko na lang na pinunasan ang mga luha kong patuloy parin sa pagbagsak. Marahil, nagtataka ang mga tao kung anong ginagawa namin ni Ethan dito. Alam kong alam ng marami na kami pero in real life, wala naman talaga kami.

"I said, what are you doing?" tanong nya at pagkatapos ay inangat nya ang mukha at nung naiangat na nya ay mukhang nagulat pa sya dahil nakita nya akong umiiyak.

"Why are you crying?" may tono ng pag-aalala sa boses nya.

Pero imbis na tugunin ung tanong nya ay nag-iwas na lang ako ng tingin at pinagpatuloy ko ang pagpunas sa mga luha ko.

"Bakit kaba umiiwas ha?" this time basta na lang nya akong hinarap sa kanya. Natigilan ako at nagkatinginan kami. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko sya tinutulak ngayon.

"Ang ganda ng mga mata mo" out of the blue na saad nya. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kinikilig ako at pakiramdam ko ung pisngi ko ay namumula na.

"E-ethan" bigkas ko sa pangalan nya ng hinaplos nya ang pisngi ko dahilan para sandali akong napapikit at nung muli ko itong minulat ay halos kulang na lang ay magdikit ang mga labi namin sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

Sabihin nyo nga sakin, nananaginip ba ako? Tuluyan na ba akong nakatulog? Kung ganun wag nyo na akong gisingin dahil gusto ko munang i-enjoy ang ganitong side ni Ethan na minsan ko lang makita.

"Kung panaginip ba 'to? Maaari bang wag mo na akong gisingin pa" wala sa sariling lumabas sa bibig ko. Nung narealize ko ung sinabi ko ay napatakip ako ng bibig samantalang sya naman ay nakita kong tumawa.

"Masusunod,mahal ko" There I have it. Nananaginip nga ako. What a wonderful dream na ayoko ng magising pa. Isang panaginip na binabalik ang pag-ibig na naramdaman ko kay Ethan nung una.

Nicholas Ethan's Pov

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit sinabihan ko sya  ng mahal ko.

Pero isa lang ang alam ko na hindi ko maipaliwang sa sarili ko na hinapit ko ang bewang nya at hinila ko pa sya palapit sakin hanggang sa tuluyan ng magdikit ang mga labi namin. Napapikit ako para lalo kong maramdaman ang sensasyon habang sa tuluyan ng sabay na ang paggalaw ng mga labi namin ang mabagal na kantang love song na pinapatugtog dito sa prom.

Naramdaman kong nilagay nya sa batok ko ang mga kamay nya para mas lalong lumalim ang halik, I silently smiled.

Pero bakit ganun ang pakiramdam ko, pakiramdam ko hindi ako naiilang sa kanya o ung nahihiya akong kahalikan ko sya ngayon dito sa prom na pinagigitnaan ng mga couples na sumasayaw. Pakiramdam ko, ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo sa kadahilang hindi ko alam.

At nung halos kapusin na kami ng hininga ay kumalas na kami. Niyakap nya naman ako ng mahigpit sabay sabing ..

"Salamat po sa panaginip Lord God, at kahit po sa panaginip , kami ni Ethan at kahit sa panaginip naging boyfriend ko sya"

Nina Chiara's Pov

Pagkatapos kong magsalita ng konting pasasalamat kay Lord ay unti unti kong minulat ang aking mga mata at nabigla ako dahil nakatayo ako at may kayakap ako. Teka, sino ba 'tong kayakap ko?

Kumalas na ako sa yakap at unti unting inangat ko ang aking paningin, only to find out that the guy in front of me is Ethan .

Titili na sana ako ng tinakpan nya ang bibig ko. "Sshh! Shut up" pagkatapos nyang sabihin 'yon ay tinanggal nya ang kamay nya sa bibig ko.

"Oy, Ethan, bakit ka ba nandito?" pabalang kong tanong. Nakakainis! Bakit ba nandito ang isang 'to! Nakakainis, kami na talaga ni Ethan sa panaginip ko tapos magigising ako na itong Ethan na 'to ang bubulaga sakin. Nakakainis ! Okay lang sana kung parehas silang sweet ng Ethan sa panaginip ko e.

"At talagang tinatanong mo yan pagkatapos nating maghalikan dito sa gitna" natigilan ako at nagpalingon lingon . Teka, tama sya nandito kami sa may gitna. Nakakahiya !

"Nakakainis ka!" pagmamaktol ko. Buti na lang medyo mahina ung pagkakasabi ko kaya hindi kami napansin ng mga couple na patuloy lang sa pagsayaw.

"Oh no! You should be thankful dahil iilan lang ang nakakatikim ng labi ko" sa sobrang pagkapahiya ko ay basta ko na lang syang iniwan. Dumiretso ako sa cr at agad kong nilock ung cubicle na pinasukan ko.At wala sa sariling napahipo ako sa labi ko.

Maaari kayang totoo ung sinabi nya?

----
Kinabukasan ay balik trabaho ako. Isang araw lang naman ang sinabi ko kay Direk kaya papasok ako ngayon kahit medyo masakit ang ulo ko dahil hindi ko masyadong nakatulog dahil sa kaiisip na hinalikan ako ni Ethan at hinalikan ko sya.

Bigla akong may naalala at agad akong napatakip ng bibig. Omo! Hindi kaya nakakahiya kay Ethan dahil ang pagkakaalam ko ay hindi ako marunong humalik dahil ayon sa pagkakaalam ko sa sarili ko , si Ethan din ang first kiss ko.

Ibig sabihin lang nito, maaaring hindi ako marunong humalik. Omo!

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon