Chapter 16

1.2K 35 0
                                    

Binigyan ko sya ng isang malakas na sampal sa mukha dahilan para matigilan sya.

"Kung ganyan naman pala ang tingin mo sakin, bakit in the first place nagawa mo pa akong hilain papunta dito at pagalitan ako?" naikuyom ko na ang kamao ko. Naiinis ako. Isa pang bitch ang tingin sakin ng isang 'to. Isa talagang pagkakamali na nagkagusto ako sa kanya dati.

Kung ang memories ay kagaya lang ng pictures na pwedeng burahin nagawa ko na pero hindi, welcome to reality hindi ko magagawa 'yun kahit gustong gusto ko.

Nanatili lang syang nakatingin sakin hanggang sa pagkatapos ng ilang segundo ay nacompose na nya ang sarili nya.

"Alam mo kung bakit ? Dahil tayo lang naman ang headlines sa radyo, tv, social media . Lahat na lahat na . Hindi mo ba alam 'yon ? and at that moment you're ruining my career." natigilan ako sa sinabi nya. Bakit hindi ko nalaman ?

"Hindi mo alam?" naiinis na tanong nya sakin. Napailing na lang ako dahilan para mapatampal nya ang noo nya. At pagkatapos ay sinamaan nya ako ng tingin.

"I thought gusto mo ang nangyayari--" hindi na natapos ang sinasabi nya ng bigla na lang nagring ang phone nya na nasa bulsa nya. Sinamaan nya lang ako ng tingin at pagkatapos ay kinuha na ang phone nya at sinagot na ang tawag.

Ano pa bang ginagawa ko rito ? Diba dapat umalis na ako dahil may kausap na sya sa phone , chance na 'to.Naglabas ako ng isang buntong hininga. Kaya ko 'to. Yosh ! Magagawa ko 'to , hindi na lang ako magpapahalatang aalis ako.Tumalikod na ako at akmang aalis na ng nagsalita sya na alam kong para sakin ang sinabi nya.

"Wag kang aalis" ma-awtoridad nyang utos. Napa-irap na lang ako at nagcross arms.

"Bakit?" naiirita akong humarap sa kanya . E, kase naman aalis na ako e.

"You're coming with me" itinago nya sa bulsa ang phone nya at pagkatapos ay hinila na naman ako hanggang sa makarating na kami kung nasaan ang kotse nya.

Tinaasan ko na lang sya ng kilay pero marahas nya lang nya akong ipinasok sa loob ng kotse nya kahit ayoko.

"Ano ba ! Ayoko nga sabi, e!" pagproprotesta ko pero bingi sya. Hindi nya ako niririnig. Wala syang pakialam sakin.

Buong byahe ay ganun. Walang kibuan . Bakit ko naman sya papansinin, ni hindi nga nya sinabi sakin kung saan kami pupunta o ano tapos itong ... nakakainis sya. Pangako, pag natapos itong pagtulong ko kay Reecee magpapakalayu layo na ako para hindi ko na makita pa si Ethan . Nakakasuya ang pagmumukha nya .

Nakasimangot lang ako at nakatingin lang dito sa may bintana ng biglang tumunog ng phone ko. Kinuha ko naman 'yon sa may bulsa ko at nakita kong may nagtext .

Binuksan ko ung message. Galing sa isang unregistered number pero nagpakilala naman 'yun sender.

Hello, Chiara , Ito nga pala si Darren. Sorry kung nag-away kayo ni Ethan dahil sakin.

Napangiti naman ako sandali. Mabuti pa itong si Darren kahit papaano may concern sa iba. Hindi katulad nitong si Ethan nakakainis. Sinabi ko na kaninang ayoko pero wala , hindi man lang ako pinansin ng loko. Mas inisip nya ang kagustuhan nya .

Nagreply naman ako sa message nya.

Nako . Okay lang 'yun . :)

At pagkatapos ay sinend ko 'yon . Hindi ko na rin natanggal sa mukha ko ang inis. Kaya siguro ay napansin na ito ng lalaking kasama ko na napakasama ng ugali .

"O, anong nginingiti ngiti mo dyan" masungit nyang tanong kaya unti unting nawala ang ngiti ko. Nakakainis sya . Ang galing manira ng araw.Ay, oo nga pala sirang sira na ang araw 'ko dahil sa kanya.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon