Chapter 7

1.6K 43 1
                                    

NINA CHIARA

 

Nagkatinginan kami ni ate Charen. Kaya agad nyang inabot ung remote at nilakasan ang volume ng tv.

"Sabihin mo nga, bat ba laging nagte-trending sina Ethan at Chiara or ung Nichiara?" tanong nung reporter dun sa babae. Napangiti muna ung babae bago sumagot.

"Bakit? Syempre dahil sa sila ang patunay ng salitang meant to be!! At saka, ayaw lang talagang umamin ni Ethan na girlfriend nya si Chira, hindi na sya nahiya. Mahal na mahal kaya sya ni Chiara" medyo kinikilig pang sabi nung babaeng ininterview.

At pagkatapos ay may tinanong na naman ang reporter.

"One word. Destiny" nakangiting sabi nung babae at pagakatapos ay nakipag-apir pa sya dun sa babaeng kasama.

Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit ako nangingiti. Iniiwasan ko na nga si Ethan dahil sya ang may kagagawan ng lahat ng 'to. Pero – ugh !

Halos lahat ng ininterview nung reporter ay puro mga ganun ang sagot. Hindi ko na tuloy natanggal dito sa labi ko ang ngiti.

"Ano yan?" napalingon naman ako kay Ate Charen. Umiling iling lang ako at pagkatapos ay sinabing 'wala'

"Hindi pwedeng wala lang yan. Dahil ako mismo , naranasan ko na yan pero sadyang hindi kami nagwork out eh" malungkot na sabi ni Ate Charen.

Meron kasing ex boyfriend si Ate Charen , mahal na mahal nila ang isa't isa pero naghiwalay sila dahil lang sa hindi pagkakaintindihan. 18 years old pa lang ako pero si Ate Charen 20 years na. Naaalala ko nga, nagpa-plano na silang magpakasal nun pero dahil na rin sa career ni Kuya Jan hindi na natuloy. Sayang!

"Ate naman. Wag ka ng malungkot. Baka pumanget ka nyan" nakita ko naman syang ngumiti ng slight.

"Anong papanget—"

 

"Pangako ate, hahanapin ko si Kuya Jan. Tutal may 2 weeks akong free , magre-research ako sa internet, malay natin diba may facebook sya" napangiti naman si Ate Charen dun sa sinabi ko at pagkatapos ay niyakap nya ako ng mahigpit.

"Salamat" napangiti na lang ako.

The next day. Nagsimula na akong magsearch para sa nawawalang si Kuya Jan para magkabalikan na sila ni Ate Chare. Kasi alam ko kahit nakangiti si Ate Charen deep inside malungkot yan.

"Okay, Search. Jan—-" hindi ko pa naitatype ng buo ang pangalan ni Kuya Jam ng may biglang nagpop up na message sakin. Hindi ko 'to kilala dahil halos lahat naman ng friends ko ay hindi ko kilala dahil yung iba ay mutual friend lang sa facebook at yung iba naman ay sadyang tinatamad ko na lang i-ignore kaya accept na lang. Haha, masabi lang maraming friends sa facebook eh.

 

Ikaw po ba ang real na Nina Chiara Cooper, ung hindi poser ha?

 

Napakunot ako ng noo dito sa nabasa ko. Poser ? Parang isang buwan lang akong nawalan ng social media dahil deactivate ko lahat at ngayon lang ina-activate lahat tapos ano 'to? May poser ako?

Hindi ako naniniwala dito sa sinabi nitong nag message sakin kaya sinerch ko sa facebook ang pangalan ko at napasinghap at napatakip ako ng bibig sa lumabas na results.

"Bakit may lima akong poser?"  hindi ko parin matanggal tagal ang kamay ko sa bibig. Parang ayaw mag-sink in sa utak ko. Hindi ako makapaniwala. Parang sa isang buwan lang .

Pipindotin ko na sana ung unang result ng biglang nag message uli sakin 'tong babaeng nagmessage sakin kanina.

Tsk! Ilan pa ba kayong mga poser kayong nanloloko saming mga Nichiara fans? Kung gagamitin nyo lang ang pangalan ni Chiara para sa kaanuhan nyo, please lang ... itigil nyo na.

 

Literal akong napa-wow dito sa sinabi nito. Grabe naman. Ganito ba ang fans ? Ay, oo nga pala ganyan ako dati nung hindi ko pa nalalaman ang TUNAY na ugali ni Ethan.

Ano kaya .. replayan ko kaya 'to.

Paano kung ano ang tunay na Chiara? :D  -

 

 

Hindi ako maniniwala. Pang-anim ka na. Pero sige, maniniwala akong ikaw ang tunay na Nina Chiara kung sagutin mo ang tanong na 'to. Sabi nya.  Anong tanong ? May alam ba sya sa pagkatao ko na hindi ko alam?

Anong tanong ?

 

 

Ano ang blood type ni Nina Chiara at blood type ni Ethan kapag pinagsama anong kalalabasan?

 

 

Napaisip ako dito sa tanong nya. Pero hindi ko malilimutan ang blood type ko dahil muntikan na akong magka-dengue nun kaya kailangan akong kuhanan ng dugo tapos itong si Ate Charen pinakuha na rin kung anong blood type ko para daw pag nagka-dengue ako alam na nya kung anong blood type ko. And to her surprise, parehas kami ng blood type.

Blood type A ang kay Chiara at kay Ethan naman ay B kapag pinagsama blood type AB

 

Napakunot naman ako ng noo pagkatapos kong itype ito. So, talagang blood type ko talaga ang naaalala nila. Pero ang pagkakaalam ko sa isang post ko lang naman nilagay ung blood type ko at blood type ni Ethan dun ah. At trip ko na lang kung paglalagay ng blood type AB.

 

OH.MY.GOSH!!! Ikaw nga ang tunay. Okay , paano ba 'to? Hihihi.

 

 

Napangiti naman ako sa message nya. Siguro ay bata pa 'to.

Ate Chiara, pwede po bang chat tayo webcam? Gusto ko lang po talaga kayong makita. 1 month din po kasi kayong nawala.

 

 

Nagreply naman akong sige.

At wala pang isang segundo pagkatapos kong isend ung message ko ay agad nya akong vinedeo calling dito sa fb.

Ina-accept ko naman at tama nga ako bata pa 'to. 15 years old pa lang kung titingnan mo sya.

"Ate Chiara, ikaw talaga yan."  At nagtitili sya. Wala na lang akong ginawa kundi ngumiti. Sino ba kasing mag-aakala na magiging ganito. Hindi naman ako kagaya ng mga gumagawa ng video sa youtube pero grabe ang impact dito sa batang kaharap ko sa webcam ngayon.

"Ate. Ate. Pasensyahan mo na ako ha. Sobra lang talaga akong excited. Alam mo 'yon 1 month kayang nawala. Namiss tuloy namin ang lahat ng happening sa life mo"  at nagkwentuhan lang kami. Nakakatuwa naman ang batang 'to.  Sobra syang madaldal at marami syang kwenta kaso literal na after  10 seconds ibang kwento na naman.

Napapangiti na lang ako. Nakakatuwa lang kasi, hindi ko naman inaasahan na nagyayari ang ganito. Kasi akala ko lang noon ung mga followers at mga nagla-likes sa posts ko ay ung mga taong wala lang magawa at napipilitan lang pero nagkamali ako dahil hindi naman pala.

"Ate Chiara, meet up naman tayo."

 

"Ha?" nabigla ako sa sinabi nya.

"Sorry. I mean kaming mga fans mo. Mga Nichiara fans mo" nakangiti nya pang saad.  Hindi ko alam kung anong isasagot sa sinasabi nya. Nakakaano naman kasi kung sasabihin kong hindi pwede dahil matagal pala silang naghintay sakin.

"Sige. Saan ba?"  nakangiti kong saad. Bahala na. 

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon