Chapter 24

1K 25 0
                                    

Papauwi na kami ni Allison ng matigilan kami sa paglalakad ng may isang sasakyang tumigil sa may harapan namin.

Bumaba ang isang magandang babae na magandang manamit at masama itong nakatingin samin ni Allison.

"So, ikaw pala si Chiara. Ung babaeng pilit umaagaw sa boyfriend ko?" tiningnan ko lang sya. Ano bang ginagawa ng babaeng 'to dito sa may tapat school namin? Napakaraming estudyante dito ngayon pero bakit wala man lang pumapansin sa artistang 'to?

"Jana, look, wala namang intensyon si Chia--" hindi pa natatapos si Allison sa sinasabi nya ng basta na lang sumabat itong si Jana.

"Walang intensyon ? Sana mapatunayan mo yan, babae ka. Wag na wag kang didikit sa boyfriend ko. Anong akala mo sakin? Pinalagpas ko lang ung nangyari nung nakaraan pero ngayon hindi na ako makapagtimpi.Kung balak mong kumuha ng dalawang lalaki, bitawan mo ung isa dahil si Ethan ay taken na at ako, ang girlfriend nya" natigilan ako sa sinabi nya. Wala naman akong ginagawang masama ah, kasalanan ko ba kung sa twing magkakasama o magkakausap kami ni Ethan ay lumalabas ito sa balita ? Aaminin ko, ngayon ko lang nalaman to pero sinabi sakin ni Allison ang lahat.

Kaya naman pala, sinasabi ni Ethan na sinisira ko ung carrer nya ay dahil nasisira na ang loveteam nila ng babaeng 'to. At akala ko nun, desperada na ako pero nagkamali ako may mas desperada pa pala sakin.

"Tandaan mo, Chiara, muli kong binubuo ang loveteam namin ni Ethan kaya pwede lang wag ka ng umeksena pa.Matagal kong pinangarap na mapunta sa posisyon ko ngayon kaya walang hampas lupang makakapigil saking makamit ang matagal ko ng nais--" hindi ko na napigilan ang sarili ko at basta ko na lang syang sinampal. Akala ko, masakit ng magsalita si Ethan, mas masakit pa pala itong magsalita. Imagine, tinawag nya akong hampas lupa. Tsk. Desperate girl this days.

Lahat ay napasinghap dahil sa ginawa ko. Maging ang mga estudyanteng naglalakad ay natigilan at sandaling pinanuod kami . May ilan namang naglabas ng kanilang phone t vinedoe kami.

"How dare you..." sasampalin na sana nya ako ng mapigilan ko ng kamay nya at ung kamay nya ang gamitin ko pangsampal sa pisngi nya.

"Okay lang naman na sabihan mo akong mang-aagaw o kung ano mang maisip mong mga salitang hindi totoo pero isa lang ang masasabi ko. Wag na wag mo akong idadamay sa issue mo sa buhay" pagkatapos kong sabihin 'yon ay tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad, sumunod naman sakin si Allison kahit medyo tulala pa ito. Samantalang ang mga nanunuod ay ung iba ay tulala at ung iba naman ay nakanganga na dahil sa pagkabigla.

Bigla akong may maisip sa sabihin kaya sandali akong tumigil.

"At FYI lang, sila ang dumidikit sakin at hindi ako" pagkatapos kong sabihin 'yon ay tuluyan na kaming umalis ni Allison.

---

Kinabukasan ay kumalat sa internet at sa balita ung nangyari kahapon. May mga estudyanteng nag-upload sa youtube nung video at nagtrending at nagviral ito dahilan para ipalabas sa tv.

Tinanong ako ni Ate Charen, kung anong dahilan ng pinag-awayan namin pero hindi ako makapagsalita. Nakakahiya kasi ang dahilan kung bakit kami nagkaganun.

Maging sa school ay mangilan ngilan ang naging ilag sakin, marahil natatakot sila dahil sa ginawa ko kay Jana.

Samantalang itong si Jana, nagpa-press conference sya at sinabi ang buong kasinungalingan ng lahat.

Kesyo daw, pumunta daw sya ng school ko para makipagkaibigan pero basta na lang daw akong umatake at sinampal ko daw sya at hindi pa daw ako nakuntento at basta ko na lang daw inagaw ang kamay nya at basta na lang ito sinampal sa kanya.

Gosh ! Can you believe that girl? Grabe ang kasinungalingan nya! Dinaig pa ang nasa North Korea ! Gosh ! Hindi nya ba alam na kasalanan ang ginawa nya ? She's been feeding people lies.

At dahil na rin sa sinabi ni Jana sa press ay mas kinampihan sya ng tao , kesyo inapi ko daw sya at hindi ako tamang impluwensya.

Lumipas ang mga araw ay nagpatuloy lang ang ganun at sa mga lumipas na araw ay parang nasanay na lang ako sa lahat. Tapos magugulat ka lang na may mga Nichiara fans na pilit akong pinaglalaban dahilan para matuwa at magpasalamat ako sa kanila kahit na may kasalanan parin ako dun.

---
"Kuya EJ?" bigkas ko sa pangalan ni Kuya EJ nung mabuksan ko ung pinto. Sabado ngayon at wala kaming pasok. Thankfully!

"Chiara, nandyan ba ate mo?" halata sa mukha ni Kuya EJ na kinikilig sya.

"Oo, kuya, nasa kitchen nagluluto" ngumiti na lang si Kuya at pagkatapos ay pumasok na sya ng bahay kasama ang isang babaeng mukhang kaedad lang nya.

"Ah, Kuya EJ, sino sya?" sabi ko habang tinuturo ung babaeng kasama nya.

Natawa muna si Kuya bago sinabi saking Manager ko daw. At first, sinong maniniwala sa sinabing 'yon ni kuya pero it turned out out to be true. The girl beside Kuya EJ is the one who will manage me as an artist.

Sinabi sakin ni Kuya EJ na kaklase nya dati si Lara at sya na daw ang magiging manager ko. Sinabi nila sakin ang buong procedure at ipinaliwanag nila.

"Ikaw na ang magiging kalove team ni Ethan" sabi ni Manager Lara habang kumakain kami ng tanghalian dito sa bahay. Nabigla ako, hindi ko inaasahan 'to.

"Po?" patanong ko dito pero tumawa muna ito bago sumagot.

"Alam mo, it's been ages nung nagsimula ang loveteam nila Jana at Ethan but it didn't work out well" malungkot na sabi ni Manager Lara. OMG, don't tell me.

"Si Lara ang dating manager ni Jana!" natahimik ako sa sinabi ni Kuya EJ habang ito namang si Ate Charen ay tahimik na nakikinig lang sa usapan namin.

"OMYGOSH!" bulalas ko . Hindi ko inaasahan to. Teka, bat parang nawaglit sa utak ko 'yun?

"Pero, alam na po ba ni Jana?" tanong ko.

"Oo, actually sya pa nga ang nagpumilit na mag-iba n ang sya ng manager dahil hindi ko daw sya hinahandale properly. Ang ginagawa ko lang naman ay alagaan ang talent ko pero hindi nya nakita 'yon" napatungo na lang ako sa narinig ko. Grabe naman pala.

Sandali kaming nabalot ng katahimikan ng si Ate Charen na mismo ang bumasag nito.

"Teka, nga pala diba walang shooting si Ethan ngayon? Bakit wala sya dito?"

"Don't worry, papunta na 'yon"

Natigilan ako sa pagkain. Ano? Pupunta si Ethan dito? Anong gagawin ko ? Magtatago ba ako ?

Hindi na ako masyadong mapakali dito ng may biglang may narinig kaming car engine na tumigil at mayamaya pa ay may nag door bell. Nakita ko namang nakangiti sina Ate Charen at Kuya EJ at pagkatapos ay iniutos sakin ni Ate Charen na ako na daw ang magbukas ng pinto.

Tatayo ba ako ? Bubuksan ko ba ung pinto?

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon