NINA CHIARA
Nakarating na kami dito sa studio. Okay, aaminin ko na. Excited na ako. Simula dun sa nakakatabang pusong mga tweets naging excited ako. Tapos nadagdagan pa ito nung sinabi sakin nung isang staff na makakasama ko daw si Ethan my loves. Gosh ! Halos magtatalon ako kanina kaso pinigilan ako ni Allison baka daw iisipin nila na baliw ako. Mahirap 'yon, nakakaturn off at baka mapabalita pa ako. Nakaawa naman si Ethan madadamay pa diba.
"Oh, huminga ka aba" sabi ni Allison. Nakaupo na kasi ako dito sa may sofa kaso daw after 5 minutes magsisimula na pero hanggang ngayon excited at kinakabahan ako.
"Parang hindi ko ata kaya" kinakabahan kong tugon. Naglilibot naman ang panigin ko. Hinahanap ng mga mata ko sya. Pero wala pa saya, napatingin naman ako sa audience ang dami nila. Lalo tuloy akong kinakabahan . Tapos may mga tao pa sa audience pang tinataas ung mga tarpoline nila. Ang nakalagay. Nichiara Forever . Grabe ! Ganito na ba masyado kong pinangatawan na kami talaga ni Ethan na umabot na sa puntong marami ng naniwala na nagtrending pa nga Philippines at Worldwide.
"Sige. Wag ka ng huminga" masungit namang tugon ni Allison na parang kinakabahan din.
"Allison naman eh. Ikaw kasi ..."
"Chiara, don't blame me. Labas ako dito. Nandito lang ako para i-video ang memorable moments ng buhay mo" at pagkatapos nyang sabihin 'yon at nagpunta na sya sa audience dahil sa nung staff at 20 seconds at mai-start na.
Okay, Chiara hingang malalim. Kaya mo 'to. Let's do this. Tandaan mo, pagkatapos ng interview na 'to , malalaman ng buong pilipinas at may posibilidad pang buong mundo malaman na isa kang malaking sinungaling at isang assumera.
Naglabas na lang ako ng isang malalim na buntong hininga at bumulong sa sarili ko. Kaya ko 'to.
"3 ... 2 .. que.." at nagstart na ang broadcast. Syempre, ngumiti na lang ako kahit peke. Sige lang, Chiara ipakita mo sa tao na masayang masaya ka .
"Good day Nina Chiara Cooper, welcome to our show" nakangiting sabi nung host at pagkatapos ay nakipagkamay sakin.
"Chira na lang po." Nakangiti ko pang tugon.
"Chira? Ang cute naman, Italian name" sabi nung host.
"Sa mga hindi nakakakilala kay Chiara, sya lang naman ang may 500k followers sa Instagram, Facebook, Snapchat at Twitter at sya rin ang secret girlfriend ng isang Nicholas Ethan Evans." Nagtilian naman ang Nichiara fans at ung ibang audience naman ay nagsipalakpakan.
"And without futher a do. Nicholas Ethan Evans, everybody" at nagpalakpakan naman ang mga tao ng lumabas sya samantalang ako ay sandaling napatulala. Grabe ! Ito na ba ang sinasabi nilang dreams do come true ?
Ang matagal ko ng sinusundan, tinitingnan ng malayuan, pinapangarap na maging kami na lang talaga at ang mahal kong make-believe boyfriend ay nandito kalapit ko sa upuan.
"Mukhang kahit sila na ay nast-starstruck parin si Chiara ah" sabi nung host at pagkatapos ay nagtilian naman ang audience dahilan para magbalik ako sa wisyo ko.
"Sorry" napatungo kong sabi. Nakakahiya.
"Okay lang yon. So, Ethan tell us about Chiara. Matagal na ba talaga kayo? Sabi kasi ni Chiara sa social media accounts nya na 2 years na kayo, is that true?" nakangiting sabi nung host.
Napalingon naman ako kay Ethan. Ano na lang sasabihin nito? Sasabihin nya ba ang totoo ? Wag please. Maaawa ka.
Sandali lang akong tiningnan ni Ethan with that grin on his face. Wait, anong ibig sabihin 'nun ?
"Kami ? Gusto nyo talagang malaman ang totoo?" nakangisi nya paring sabi habang hawak hawak na nya ang microphone.
Gosh ! Please . Maawa ka please.
Tingnan na naman nya ako with that grin on his face. "The truth is hindi ko talaga kilala ito" at pagkatapos ay turo nya sakin.
Nagbigla naman ang audience at host. Pero si Ethan nakangisi parin at tumawa na. Ito na. Nagsisimula na. Ang sakit.
Aapakan na nila ako ng buhay.
"What do you mean Ethan?" tanong pa nung host. Ganito ba talaga ang media? Walang puso ? Nasasaktan ako dito pero patuloy parin ang pagtatanong .
"Hindi ko sya kilala. Nabigla nga ako ng sinabi ng babaeng 'to na girlfriend ko sya eh. Eh, single nga ako ngayon eh" at nakangiti nya pang tugon.
Tumungo na lang ako. Nasasaktan na ako. Ganito ba talaga ang ugali nya? Masama ba talaga sya?
Nagtilian naman ang mga babae sa audience. "Ethan, anong gusto mong sabihin kay Chiara?" sabi nung host.
Hindi na ako nag-abala pang iangat ang ulo ko. Dahil sa oras na iangat ko 'to panigurado lalo lang akong masasaktan. Kaya mas mabuti na lang na umiyak na lang ako dito habang nakatungo.
"Chiara? Ang baho naman ng pangalan mo. Hahaha. Ito lang ang masasabi ko , wag kang ilusyunada. Hindi ka maganda at wag mong sabihin sa buong mundo na tayo dahil ni minsa ay hindi kita papatulan .." hindi ko na pinatapos ang sinabi nya at agad na akong tumakbo papaalis. Nakita ko namang hinabol ako ni Allison.
CARA ALLISON
Hinabol ko kaagad si Chiara nung basta na lang sya umalis. Ang sasakit ng mga sinabi sa kanya ni Ethan. Nakokonsensya tuloy ako, ako ang may kasalanan nito. Ako kasi ang may kasalanan kung bakit napagsalitaan sya ng mga ganyan. Kasalanan ko.
"Chiara" yakap yakap ko lang sya ngayon. Patuloy parin sya sa pag-iyak. Pinagtitinginan na kami dito pero wala akong pakialam, kaibigan ko 'tong sinaktan ng lalaking 'yon. Walang puso . Hindi na naaawa kay Chiara.
Nakakainis sya.
"Allison, masama ba ang ginawa ko?" umiiyak nyang sabi. Hinagod ko lang ang likod nya.
"Nagpretend ka lang naman sa sarili mo. Ang pagkakamali mo lang, sinabi mo pa sa buong mundo ayan tuloy ginising ka ng realidad" sinabi ko ang totoo. Narinig ko naman syang humagulgol.
"Sa-salamat Allison" napangiti naman ako. "Sige, iiyak mo lang yan" at hinahagod ko uli ang likod nya.
Dapat kasi – nakakainis .
NICHOLAS ETHAN
Nagpasalamat na sakin ung host at nagpaunlak ako ng interview. Masasabi kong sa lahat ng naging interview ko , ito na ata ang pinakapaborito ko. Naging masaya ako sa interview na 'to.
Ung pakiramdam na nalinis ko ang pangalan ko. Ang saya saya. Hindi ba nila naisip na kaya wala akong nililigawan kahit nandyan pa si Jana ay dahil sa ayaw kong may karelasyon. Masyadong clingy ang mga babae and I hate it.
"Ano 'yung ginawa mo kanina?" bungad sakin ni Earl pagkapasok ko sa condo ko. Pati ba naman dito tatanungin ako ?
BINABASA MO ANG
My Make-Believe Boyfriend ✔️
Novela JuvenilHandsome Actors Series Book 1 Pretending to yourself that someone likes you means you're only hurting yourself She wished nothing but her crush will start to notice her existence but it failed. Almost everyday she hoped that one day he will notice...