Chapter 37

923 20 0
                                    

* Nicholas Ethan's Pov *

"Bro, sabihin nyo nga sakin ganito na lang ba talaga ang show business? It will eat you alive hanggang sa hindi mo na napapansin na nasisira na nito ang relasyon mo sa mga taong mahalaga sayo" tanong ko.

Halo halo na talaga. Nag-ayaw kami ni Chiara, dagdag pa ung nasabi ko . Hindi ko naman sinasadya yun dahil nabigla lang ako para kasing sa tono ng pananalita nya tinatapakan nya ang pagkalalaki ko

Akala ko matutuwa ako dahil nailabas ko na kahit papaano ang frustation pero nagkamali ako dahil umiyak sya at basta na lang akong iniwan na parang estatwa sa kinatatayuan ko.

"That's showbiz,man. Pero kung gugustuhin mo, mapipigilan mo naman ang showbiz na sirain nito ang relasyon mo. " tugon ni Zian habang nagbabasa ng libro.  Tinanggal na rin nya ang head phones nya na nakalagay sa tenga nya at sinabit na lang ito sa may leeg nya.

Napaisip tuloy ako.

"You know what, I have the solution to that problem of yours" suwesyon naman ni Jess habang hawak hawak ang remote at nagbo-browse sya ng channel.

"Paano?" sasagot na sana ako ng sumabat na si Cloude na nakatutok ang atensyon sa iphone nya.

Sandali ko naman itong nilingon at pagkatapos ay muli kong binalik ang atensyon kay Jess na ngayon ay prente ng nakahiga dahil nakapili na sya ng channel na panunuorin nya.

"Edi, i-let go mo ang carrer mo para sa kanya" bigla akong natigilan. Hindi ko alam kung guniguni ko lang ba yon ay may nagbato talaga sakin ng isang granada dahil sa lakas ng impact ramdam na ramdam ko parin ang sakit ng nakaraan.

She is the main reason kung bakit ayoko na muling magmahal.

*****

° Her Pov °

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya matapos kong ibaba ang shoulder bag ko dito sa lamesa.

Hindi naalis sa kanyang mukha ang ngiti o ngising 'yon bagkus ay tumayo sya habang nananatiling suot suot 'yon at nilapitan ako.
"Nahihirapan ka sa buhay mo ngayon,diba?" nakangisi nyang tanong sakin.  Natahimik ako, ano ba 'tong laro ang nais nyang mangyari?

Umiling iling lang ako at straight ko lang syang tiningnan. "Hindi ako nahihirapan, okay lang ako."

Matapang kong sagot habang nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya. Nang marating ko ang sofa ay umupo ako dun.

Hindi ko halos maisip na dahil lang sa pangyayaring 'yon, nawala sakin ang lahat. Ang pera ang karangyaan. Nawala sakin ang lahat, kung naging maingat lang sana ako nun edi sana may pera pa ako ngayon at sana lahat ng luho ko nasusunod ko.

Nilapitan nya ako at umupo sa bakanteng pwesto kalapit ko. Medyo bakas sa kanyanv mukha ang pandidiri dahil pinagpagan nya muna ang sofa bago nya ito inipuan at sumimangot naman sya ng mapansin nyang diretsong lupa itong inaapakan nya. Hindi ko n lang yun pinansin.

"Alam kong nahihirapan kang mag-adjust sa buhay mo ngayon pero kung papayagan mo ako, I'm offering you a deal kung saan maibabalik ang dating estado mo sa buhay. All you need to do is to act."  Natahimik ako.

Act? Alam ko sa sarili kong hindi ako artista pero kaya kong umarte. Marami na akong nauto dahil sa pag-arte kong ito.

"Aarte ka lang at hindi mo mamamalayan na naibabalik na nito ang dati mong buhay"

Hindi ko alam pero sa sinabi nyang 'yon parang biglang nagbalik sa aking alaala ang karangyaang tinamasa ko nun. Linggo linggo bagong smartphone,mga latest na gamit sa bahay,nakahiga lang ako sa kama pero lagi akong may pera. Araw araw akong kumakain sa 5 star restaurants, tambayan ko ang malls. Pag tinatamad akong umuwi ng bahay nagst-stay ako sa 5 star hotels.

Napabuntong hininga ako ng marealize kong wala na sakin ang lahat ng 'yon.

"Magkano?" hindi ko na sya nilingon pero alam kong may gumuhit na ngisi sa kanyang mukha habang nakatingin sya sakin.

"Madali ka pa lang kausap. Tyak, magiging magkaibigan tayo"

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon