•• Darren Thomas Fabio's Pov ••
Agad akong tumakbo at pumunta sa parking lot, sumakay sa kotse ko at agad kong pinaharurot ang pagmamaneho ko. Nakakainis ! Naiinis ako sa sarili ko. Kahit hindi ko alam kung bakit nagkaganun nananatili parin ang inis na nararamdaman ko.Kung sana nung una pa lang, sana nung hindi pa nagiging sila ni Ethan, sana nagmadali na ako para hindi na nararansanan ni Chiara ang mga 'to.
Marahas kong pinagpipindot ang busina ng sasakyan ko ng magtraffic. Pambihira naman oh! Tadhana, bakit ka ba ganyan? Sinasadya mo bang asarin ako?
Buong trente minutos ay wala akong ginawa kundi tumingin sa relo ko at bumusina. Naiinis ako, nasa ospital na si Chiara pero itong si Ethan wala sa ospital. Hindi nya man lang ba naiisip ang girlfriend nya? Kung iisipin nya, mas pinili sya ni Chiara kaysa sakin kaya sana hindi sya ganyang umasta pagdating kay Chiara.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na rin ako ng condominum nya at agad agad kong tinungo ang floor ng unit nya. Ilang beses na kaming pumuntang magbaba-barkada dito kaya hindi na ako nagtatanong pa sa information. Pagkatapat ko sa tapat ng unit ni Ethan ay kakatok na sana ako ng mapansin kong nakaawang pinto, hindi nya man lang naisipang isara?
Tinago ko na lang sa isipan ko yung katanungan na 'yon at pumasok na lang sa loob. Ang plano ko ay hanapin si Ethan dito sa unit nya at sunduin sya, kailangan sya ni Chiara ngayon. Nagsimula na akong maglakad , una sa banyo,sa kusina, wala naman sya dito sa kusina, sa veranda at ang pinakahuli ay pinuntahan ko sya sa kwarto nya at hindi ko inaasahan ang nasaksihan ko.
He is making out with Charisse.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nailabas ko na ang galit ko at agad ko na lang nilapitan si Ethan habang nananatili parin syang nakapatong kay Charisse at pinagsusuntok ko sya.
Napatili naman si Charisse sa ginawa ko kaya agad nyang nilayuan si Ethan at nagtaklob ng kumot. Hindi ko na lang sya pinansin at inagpatuloy ko na lang ang pagsuntok sa lalaking 'to hanggang sa bumagsak na sya sa sahig at pumutok na ang kanyang labi.
"Ganyan ba? Ganyan ba Ethan? Ganyan ba ang gagawin mo ngayong nasa ospital si Chiara?" tiningnan nya lang ako ng masama habang nananatili paring nakaupo sa sahig kapa kapa ang pumutok nyang labi.
"Wow! Nanggaling pa talaga sa lalaking pilit inaagaw ang girlfriend ko sakin. Aminin mo na kasi may lihim kayong relasyon ni Chiara kaya ganyan ka sa kanya?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad ko syang kinuwelyuhan at tiningnan ko sya ng masama.
"'Chong, kung ako lang ang masusunod matagal ko na syang inagaw mula sayo pero pinigilan ko ang sarili ko dahil mahal ko sya at alam kong sayo sya magiging maligaya pero kung sa araw araw na lang ay sasaktan mo sya, kakalimutan kong naging kaibigan kita. Gagawa ako ng paraan para agawin sya sayo" at pagkatapos ay sinuntok ko sya.
Napangiwi naman sya pero kaanunan ay umusbong na sa mukha nya ang ngiti. Napangiti na rin ako.
"'Chong, salamat ginising mo ako. Medyo naging malalim kasi ang pagkakatulog ko" at tumawa tawa pa saya. Napangiti na lang ako sa sinabi nya at inaya na syang pumunta na kami sa ospital.
"Chong, putok ang labi ko pupunta tayo ng ganito?" tinawanan ko na lang sya at inakbayan. At bago kami umalis ng unit ni Ethan ay pinalis ko na rin si Charisse, halos hindi sya makatingin sakin, marahil ay natatakot. Sabagay, sya ang may kagagawan kung bakit nagbago si Ethan.
BINABASA MO ANG
My Make-Believe Boyfriend ✔️
Teen FictionHandsome Actors Series Book 1 Pretending to yourself that someone likes you means you're only hurting yourself She wished nothing but her crush will start to notice her existence but it failed. Almost everyday she hoped that one day he will notice...