° Nina Chiara's Pov °
"Matagal pa ba yan? Nagugutom na ako!" hindi ko na napansin na nilapitan na pala ako nila Allison. Umiling iling ako at tinanggal sa utak ko ung kanina.
Siguro, busy lang talaga sya. Itetext ko na lang sya mamaya at magso-sorry na lang ako sa inasal ko.
"Anong gusto nyong kainin?" tanong ko sa kanila. Natuwa naman sila at nagsimula na kaming kumain pero nung papalabas na kami ay na-realize kong galing ibang bansa pala si Reecee kaya kailangan nyang manlibre.
"O, bat ka tumigil?" tanong ni Darren. Hindi ko na lang pinansin yung tanong nya at napangiti ako ng abot tenga dahilan para kumunot ang noo nila.
"Anong nangyare sayo?" tanong ni Allison na hindi ko pinansin.
"Ang alam ko sa sarili ko na hindi naman ako ang galing sa ibang bansa kaya hindi ako ang manlilibre" pagpaparinig ko.
Nagtinginan naman kami kay Reecee. Napasimangot sya pero later on ay pumayag na sya ang manlibre samin.
"Yehey!" sabay naming sabi ni Allison habang tumatalon.
"Thanks,man" tinapik naman ni Darren ang balikat ni Reecee at pagkatapos nun ay pumunta na kami sa pinagkasunduang restaurant.
Nung dumating na ung pagkain na inorder namin ay nagpray muna kami ng pasasalamat sa Lord para sa pagkain. At pagkatapos nun ay nagsimula na kaming kumain.
"Itetext ko na lang sya, hindi ko na kasi sya nakausap kanina" sabi ko. Tumango tango na lang si Reecee habang si Allison naman ay kain lang ng kain.
Napapangiti naman si Darren sakin dahilan para tumigil ako sa pagku-kwento.
"O, bakit ka tumigil?" tanong ni Reecee habang iniinom ung juice.
"Oo nga, ituloy mo ang kwento" sabat naman ni Allison.
Hindi ko naman sila pinansin at nilingon ko si Darren na hanggang ngayon ay tumatawa parin. Medyo nakaramdam ako ang asar dahil sino bang matutuwa kung pagtatawanan ka diba?
"Anong nakakatawa?" pagsusungit ko pero lalo lang syang natawa dahilan para mas lalo akong mainis sa kanya. Sinamaan ko sya ng tingin at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
"Look, I'm sorry pero there is something in your lower lip kasi" sabi nya at pagkatapos ay may kung ano syang tinanggal dito. Nakaramdam naman ako ng pagkailang dahilan para mamula ang pisngi ko.
"May mumo ka pa" lalo akong namula nung pinakita nya pa sakin ung mumo. Nilingon naman ako nina Allison at Reecee at pinagtawanan nila ako.
"Aba! Wag nyo na akong pagtawanan. Nakakahiya kaya"
Lalo lang nila akong pinagtawanan at pagkatapos ay nagsalita si Allison na alam ko naman totoo at marahil ito na rin ang dahilan kung bakit natahimik kami.
"Alam mo kung ako sayo, kay Darren na lang ako kaysa naman kay Ethan hindi ka na mabigyan ng oras dahil lang sa trabaho nya pero itong si Darren fully booked din ang schedule pero nandito sya kasama natin"
Pagkatapos nun ay bumalik kami sa venue kung saan kami nagsho-shooting pero hindi parin makawala sa utak ko ung sinabi ni Allison. Oo, totoo ang sinasabi nya pero hindi ko naman dapat patulan agad ang sinasabi nya at iwan si Ethan, mahal ko si Ethan at alam ko sa sariling mahal nya rin ako.
It's just that, busy lang talaga sya. Nag-aaral sya, artista sya, maraming projects,maraming endorsments,maraming interviews,maraming guestings kaya dapat intindihin ko sya.
Yun naman talaga ang dapat gawin ng isang mabuting girlfriend,diba?
••••
"Ethan, sandali" natatakot ako kaya tumakbo ako at niyakap sya ng mahigpit. Ayokong mangyari ang napaginipan ko kagabi.
"Ethan, let's just break up. Hindi mo naman ako nabibigyan ng time at saka hindi naman ako mahalaga para sayo,diba?" matapang kong saad sa kanya.
"Mabuti naman at nagising ka na rin sa kahibangan mo! Matagal ko ng gustong makipaghiwalay sayo. It's just that masyado kang clingly" natigilan ako sa sinabi nya at pinagsasampal ko sya.
Hindi sya lumaban sa sinabi ko pero pinagtawana nya lang ako.
"Hindi naman talaga kita minahal. Sadyang pinaasa mo lang talaga ang sarili mo"
"Wag mo akong iwan please,Ethan" hindi ko na napigilan at isa isa ng bumagsak itong mga luha ko. Humarap naman sya sakin at pagkatapos ay sya naman ang yumakap sakin.
"Shh, don't cry. Hindi kita iiwan, mahal na mahal kita. Please do remember that" tumango naman ako sa sinabi nya. Kumalas na sya sa pagkakayakap sakin at unti unti na nyang nilalapit ung mukha nya sakin. Unti unti na akong napapikit ng may narinig kaming ilang pagpalakpak ng kamay.
Nagmulat kami ng mga mata at nilingon kung sino 'yon at parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Miss me?" mapanghamong tanong nito. Hindi ako nakapagsalita. Nanatili akong natahimik habang sya na mismo ang bumasag ng katahimikan.
"Wow ha, ang galing galing naman. Para akong nakapanuod ng isang eksena sa pelikula. Masyadong real na real ang emotions. Nanghihinayang tuloy ako sa pop corn na natapon ko" at tinaas nya ang pop corn na dala dala nya na nakalagay pa sa lalagay nito at walang pakundagan nya na lang itong tinapon at pagkatapos ay nag-smirk sya.
"Hindi nyo inaasahan ang pagdating ko noh? Akala nyo siguro, tatahimik na ako at mamamatay na lang sa isang tabi? No. I don't give up that easily" at basta na lang syang lumapit sakin at pinagsasabunutan ako.
Lumaban naman ako ng sabunutan pero sadyang lumalaban at malakas sya.
"Janna, ano ba 'tong kalokohan na 'to?" finally, Ethan manage to ask.
Mukha namang nakuntento na ang babaeng ito sa pagsabunot sakin kaya basta na lang akong binitawan at tinulak pero di lang basta tulak kundi napaupo ako sa sahig.
"Kalokohan? Kalokohan ba ang tawag mo dito,baby? Kasi sakin, ang ibig sabihin nito ay taking what's mine" at basta na lang nyang hinalikan si Ethan.
Bakas sa mukha ni Ethan ang pandidiri kaya marahas nyang tinulak si Janna at napaupo ito sa sahig. Nung una ay akala ko ay iiyal sya pero narinig ko pa syang tumawa ng mahina.
"Ethan, ako na lang ang meron ikaw nun pero pinagwalang bahala mo lang. Niloloko mo ang sarili ko dahil pinatulan mo ang babaeng 'yan na ginagamit at niloloko ka lang"
BINABASA MO ANG
My Make-Believe Boyfriend ✔️
Teen FictionHandsome Actors Series Book 1 Pretending to yourself that someone likes you means you're only hurting yourself She wished nothing but her crush will start to notice her existence but it failed. Almost everyday she hoped that one day he will notice...