Chapter 48

1.1K 20 1
                                    

Jonelle's Note:
We're now on chapter 48 and we're getting closer and closer to the end of the story.

------

Paula Jana's Pov •
Hindi maalis sa mga labi ko ang ngiti. Parang isang halik lang ang ginawa ko at konting pang-aakit at konting pagpapacute pero tingnan mo ngayon bumigay ang loko. Nandito lang ako sa loob ng kotse ko at nakapark dito sa tapat ng isang kilalang condominum. Napapangiti ako kapag naaalala kung gaano kadesperado ang pagmumukha nya. Sobra syang nakakaawa na kulang nal ang ay lumuhod sya sa harapan mo at magmakaawa.

Hindi ko man lang nakita sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan. Puro pagmamahal at pag-aasam. Nakakaawa sya.

Maya maya pa ay nakatanggap ako ng isang text message na nanggaling mula sa kanya. Napangisi pa ako bago ko ito basahin.

Papunta na kami, mahal ko. Mahal na mahal kita.

Natawa lang ako ng pandidiri. Nakakawa sya. Ang gwapo nyang tao pero napakadesperado nya. Nakakahiya sya. Kung alam lang nyang ginagamit ko lang naman sya.

---------

•• Nina Chiara's Pov ••

Nanguguluhan ako, bakit kami nandito sa may tapat ng unit ni Ethan? Napakamot ako ng ulo habang palipat lipat ako ng tingin sa pinto ng unit ni Ethan at sa mukha ni Reecee. Hindi sya makatingin sakin bagkus ay nakatingin lang sya ng walang emosyon sa pinto.

Hindi ko sya maintindihan. Kakaiba ang kinikilis nya, nagiging misteryoso na sya. Nung mga nakakaraan naman ay hindi naman sya ganyan ah. Ano bang nangyari sa kanya?

And for the last time ay tiningnan ko muli si Reecee na ngayon ay nakatingin parin sa may pinto. Ano bang nais nyang iparating?

Marahil dahil na rin sa pag-aalala ay hindi na ako kumatok at basta ko na lang inikot ang knob ng pinto at kung maibabalik ko lang ang minuto o segundo ay sana ay hindi ko na lang binuksan pa ang pinto. Hindi ko inaasahang makikita na may kahalikang babae sa sofa nya habang napaliligiran sila ng mga raffers ng mga pinagkainan nila.

Napatakip ako ng bibig at pasimple kong kinurot ang siko ko. Sinadya ko itong diinan para maramdaman ko ang sakit at para malaman din kung natutulog ba ako o ano? Pero nagkakamali ako, dahil hindi ako nananaginip o kung ano dahil kung anong nakikita ko ngayon ay sya yung totoong nangyayari.

Lalo kong hinigpitan ang pagkakatakip ng bibig ko dahil natatakot akong marinig nilang humahagulgol ako. Alama kong masakit na 'tong nakikita ng mga mata ko pero bakit parang ayaw man lang gumalaw ang mga paa ko? Sadya bang nagugustuhan ko ng saktan ang sarili ko?

Alam kong masakit na sa mata 'tong nakikita pero hindi ko parin maalis ang mga mata ko dito. Marahil umaasa akong basta na lang kakalas mula sa halik si Ethan ay itutulak ang babaeng kahalikan nya at sabihin saking inakit lamang sya ng babae pero mukhang sa nakikita ko ngayon ay lolokohin ko lang ang sarili ko kung iisipin ko 'yon.

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang kamay ni Reecee sa balikat ko. He looks worried, tiningnan ko lang sya ng mapakla at pagkatapos ay tahimik na lang umalis . Sinadya kong maging tahimik dahil ayokong maka-interrupt pa ako ng session nilang dalawa dun. Ayoko namang sabihan pa akong mang-aagaw.

Sabagay, sino naman ako diba? Ako lang naman si Nina Chiara Cooper, ako lang naman ang isang desperadang fan na gustong sabihin sa buong mundo na sila ng idol nya. Napakadesperada ko na halos sa binubulabog ko ang social media ipaalam lang sa mundo na kami ni Ethan at akin lang sya.

Mapakla akong natawa nung sumakay na ako sa sasakyan ko. Hindi ko na rin napigilan na isa isa ng magsibagsakan ang mga luha ko. Sa loob ng sasakyan ay puro hikbi lang ang maririnig. Hindi ko na rin nais-start ang sasakyan dahil pakiram ko ay nawalan na ako ng lakas dahil lang sa nakita ko.

Napatungo ako sa manibeha habang patuloy parin sa pagbagsak itong mga luha ko. Marahil, isa lang akong rebound kaya naging kami. Siguro, sinasabi nya lang nuon na ayaw nya sakin dahil si Charisse parin ang nasa puso nya. Si Charisse ang nanatili sa puso nya at hindi ako. Wala akong puwang sa puso nya.

Napahagulgol ako on the thought. Grabe! Halos ito magtatatlong taon ko ng sinayang ang buhay ko para sa isang taong alam ko naman nung una na hindi naman sakin na pinilit kong sabihing akin kaya heto ako sinampal ng tadhana na hindi nya ako mahal at hindi sya para sakin.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at kinausap ang wallpaper ko.

"Ethan, hanggang dito na lang ba tayo?"

-----

Sinadya kong palipasin ang mga araw. Pinalipas ko ang mga araw na parang isang robot na walang emosyon. Pagkatapos ng shooting ay diretsong bahay lang ako at pagkatapos ay ilo-lock ko ang kwarto ko at diretsong tulog.

Marami ng nag-aalala sakin pero pinagwalang bahala ko na lang 'yon. Gusto ko muna kasing makahinga. Gusto ko munang maging malaya dahil sa oras na sabihin ang mga mapapait at masasakit na mga salita sa kanya ay baka hindi ko na ito makaya at mag request ako kay Ate Charen na tumira muna ako ng Singapore for a year.

Sinabi ko na rin na after ng palabas na shinu-shooting namin ay magla-lie low muna ako sa showbiz. Alam kong hindi nila ito tanggap pero tinanggap nila ng buo ng naging desisyon ko.

Hindi na rin ako umattend sa graduation ceremony ni Ethan dahil sa eksenang nakita ko nung araw na 'yon. Nasira lahat. Nag-alala ako sa wala. Nasira ang pagtitiwala ko sa kanya at Nasira at nawasak din ang puso ko dahil sa kanya.

Binilugan ko na ang araw ng naging kami ni Ethan. Hindi ko na rin napigilang mapaluha habang binibilugan ko ito. Mapangiti rin ako ng mapait.

I'm setting you free. Goodbye and thank you for everything.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon