Chapter 9

1.6K 37 0
                                    

Pinukulan ko sya ng mapaghinalang tingin. Natanggal naman ang ngiting 'yon sa mukha nya dahilan para mapakamot sya sa batok nya at nahihiya syang yumuko.

"Hindi ako kagaya ng iniisip mo, ang sa akin lang gusto ko lang mapansin din ako ni Jana dahil sa sobrang lapit nya kay Ethan hindi na nya napapansin ang existence ko" malungkot na sabi nya.

Napaisip naman ako. Tama ba talaga 'tong naging desisyon kong pumayag? Naaawa ako kay Reecee pero baka ang iniisip nya ay kaya ako pumayag ay dahil sa kailangan ko ng pera or something . Pero honestly, hindi naman kasi akong mapagsamantalang tao.

"You know what Reecee, I quit the job"  diretso kong sabi at pinagdiinan ko pa talaga ang salitang 'I quit' . Hindi ko kasi gusto ung bagay na tumutulong ako dahil may reward akong makukuha, ayoko non dahil hindi na pag tulong ang tawag dun dahil pag-upa na ang tawag dun.

Nag-angat naman sya ng tingin sakin. Ung tingin na sobrang dissapointed. Alam kong masakit para sa kanya ang sinabi ko pero kailangan ko lang gawin ang tama. At ginagawa ko 'to dahil ito ang tama.

"If you want, dadagdagan ko ang offer. Just please—" hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya ng sumabat na ako.

"You know what, I now see the reason kung bakit ayaw sayo ni Jana. Please, as a friendly tip , ayusin mo ang sarili mo. Para kang babae , ang hina hina mo sa mga ganitong bagay. Ree .." I paused at pinat ko ang balikat nya. Haha, feeling close lang ako . "Act like a man. Act like there's always some random damsel in distress anywhere. And also, If you're thinking na kaya ako nagquit dun sa hire-hire mo na yan ay masyadong mababa ang maiibibigay mo sakin , well you're wrong. I quit that so-called job because I have a better plan. Instead of hiring me to do this job, let us make this deal na ito na lang ang way ko bilang magtulong at pagsulong ng love life mo" nakangiti ko pang sabi.

Nakita ko namang naglighten ang mukha nya . I also see hope in his eyes. Ngumiti na rin sya ng bahagya.

"You are really different Chiara, kung wala lang akong mahal na iba. I bet I'll be head over heels on you" nakangiti nyang sabi. Napangiti na rin ako. Nakakatuwa, may isa pa palang taong nakaka-apreciate sakin. Bukod kasi kay Ate Charen, ung mga fans ko at ngayon nadagdagan na. Nakakatuwa. Pero syempre, bago sila na-apreciate muna ako ni God. Hihi.

"Salamat" sasagot pa sana ako sa sinabi ni Ree ng bigla na lang nya akong niyakap ng mahigpit. I also hugged him back. Napangiti ako. This is the first time na magkakaroon ako ng friend na lalaki .

Pagkatapos nun ay sumakay na kami ng kotse nya. Ang sabi ni Ree ay pupunta na daw kami dun sa condo ni Manager Earl – ung manager ni Ethan. Masyado syang excited dahil daw pumayag na ako at makakatipid pa sya. Tinext ko na rin si Ate Charen na baka gabihin ako. Nagreply naman si Ate Charen na okay lang daw at hihintayin na lang nya ako.

Pagkatapos kong magreply na 'Sige' ay tinago ko na ang iphone ko sa bulsa ko. At sandaling tumingin sa daan at pagkatapos ay nilipat ko ang tingin kay Ree na ngayon ay nagmamaneho.

"Seryoso, hindi ko makita kung anong reason kung bakit lagi kang binabasted ni Jana. Hindi ka naman panget dahil you're totally handsome" nakatingin ako nung sinabi ko 'yon. Sandali nya naman akong tiningan nung sinabi ko 'yon at napangiti sya.

"Chiara naman, kung panget ba ako kukunin ba nila akong artista at singer pa?" pagmamayabang nya habang nakatingin sa daan pero hindi parin nya tinatanggal ung ngiting 'yon sa mukha nya.

"Malay mo, diba? Maawa sila sayo" at nagtawanan kami. Nakakatuwa, for such a short time . Naging friends na agad kami nito.

Pagkatapos naming magtawanan ay nauwi na naman sa mahabang katahimikan. Nagkatingin lang ako dito sa may side mirror ng may idea-ng biglang nagpop up sa utak ko.

"Ree ..." I paused. Gusto kong makita kung anong magiging reaction nya.

Nakita ko namang parang tatawa sya. "Ano naman 'yon? Pet name or nickname?" and there he goes, tumatawa na sya.

"Actually, kung gusto mong maging aso ko pwedeng pwede" at natawa naman ako pero sya hindi. Kaya mas lalo akong natawa.

"Okay, kidding aside .." pinunasan ko ang mga luha ko dahil sa katatawa. "I was thinking Ree, can you be my guy bestfriend?" sincere kong tanong sa kanya.

Nilingon naman nya ako sandali at pagkatapos ay binalik muli ang atensyon sa daan. Napasimangot naman ako. Nakakainis naman 'to.

Dahil na rin sa ayaw sagutin ni Ree ung tanong ko ay nabalot kami ng katahimikan hanggang sa nakarating na kami sa condo unit ni Manager Earl. Hindi ko lang pinapansin 'tong kasama ko. Nakakainis kasi, nagtatanong lang naman kung pwede ko ba syang maging guy bestfriend. Kung makatanggi wagas. Silent treatment talaga, nakakainis.

"Nandito na tayo" sabi nya. Hindi ko na lang sya tiningnan at lalo lang akong sumimangot. Nakakainis sya. Wala na akong pakialam kung sabihan pa ako nitong isip bata. Wala akong pakialam, mas lala sya sakin.

"And then" pagsusungit ko. Inirapan ko na lang sya nung tiningnan ko sya at pagkatapos ay lumingon na lang ako sa ibang direksyon. Lumayo na rin ako sa kanya.

Pero hindi pa ako masyadong nakakalayo ay narinig ko syang tumawa. Hindi ko na lang sya pinansin. Malay mo diba, nababaliw na diba . Ayoko naman g mahawaan. Masyado akong maganda para maging baliw.

"Is this about that guy bestfriendship thing?" alam kong ako ang kinakausap nya pero the nerve! Hindi ko sya papansin . Nakakainis sya. Nakuha nya pa talagang pagtawanan ang pag-aalok ko ng bestfriendship na 'yan.  Iilan lang ang nabibiyayaan ng ganyan tapos sya pagtatawanan nya lang.

"C'mon, are you going to act like a child?" hindi ko na napansin na nasa likuran ko na pala sya at pinat nya ang balikat ko. Hindi ko na naman sya pinansin at ginawa ko lahat ng makakaya ko para hindi sya matingnan.

"Lumayo ka sakin!" madiin kong sabi. Nagsimula na rin akong magpumiglas. Nabitawan naman nya ako at kitang kita mo ang pagkabigla sa kanyang mga mata. Akala nya siguro nagbibiro ako.

"Relax. I was just joking –"

 

"LOOK INTO MY EYES. DO YOU THINK THAT I'M JOKING?" I shouted at the top of my lungs. Nakakainis naman ang isang 'to.

Lumayo naman sya ng konte sakin dahil sa pagkabigla pero pagkatapos din ng ilang segundo ay akmang lalapit muli sya sakin .

"Go. Go near me again and you'll get what you want?" pananakot ko sa kanya. Hinanda ko na rin ang kamay ko dahil alam kong anytime ay lalapit 'to sakin. Ihahanda ko lang ang kamay ko dahil anytime now, masasampal ko na 'to.

"What is all the fuss about?" sabay kaming napalingon ni Ree dun sa taong nagbukas ng pinto ng condo nya. Oh! Lagot na. Si Manager Earl.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon