Chapter 11

1.5K 40 0
                                    

Kinabukasan ay ikinuwento ko na kay Ate Charen ang lahat lahat. Sinabi ko na ring nakita ko na si Kuya Jan or Manager Earl iisa lang naman sila kaya tatawagin ko na lang na Kuya EJ.

Hindi ko na rin sinabi kay Ate Charen ung tungkol dun sa kayabangan ng lalaking 'yon which is Ethan. Ugh! Just thinking about him today makes me angry.

"O, hinay hinay lang sa panggigigil. Baka magulat na lang ako ng official na pala ang Nichiara." Nang-aasar pang sambit ni Allison. Hindi ko na lang sya pinansin at nilipat ko na lang ang atensyon ko dito sa librong binabasa ko.

"Honestly, sobra kang halata. I know gustong gusto mo pa si Ethan. Siguro, gusto mo syang yakapin, right?" nang-aasar pang saad ni Allison pero hindi ko na lang sya pinansin at mas lalo ko na lang pinocus ang atensyon ko sa pagbabasa ng libro. Masyadong magiging komplikado ang pagbabasa ko ng libro kung ipagpapatuloy ko lang ang pakikinig kay Allison tungkol sa lalaking 'yon and worst baka ma-bad vives pa ako.

"Alam mo..." at bigla na lang nyang inagay ang libro ko. Nakita ko namang ngumisi sya. At pilit nyang nilalayo sakin ung libro ko. Tinataas nya pa ang kamay nya para hindi ko maabot.

"Ibalik mo na sakin. Give me back my book" ma-awtoridad kong sabi pero hindi ako pinansin ng babaeng 'to dahil mas lalo nya pa akong inasar. Pinagtatawanan nya pa ako.

Tumayo pa sya para mas lalo akong mahirapan sa pag-abot ng libro ko. "Akin na sabi eh" sabi ko pero pinagtawanan ako nito.

Nakakainis naman. Ano bang nangyayari sa babaeng 'to. Masyadong nagiging masayahin ata , nung nakakaraang buwan lang napaka-sungit tapos ngayon malala pa sa baliw sa sobrang saya, anong nakain nito?

"Admit. Gusto mo parin s—" hindi ko na masyadong narinig ung sinasabi ni Allison ng biglang nag-vibrate ang iphone ko mula sa may bulsa ko. Kinuha ko naman 'yon at nakita kong tumatawag si Ree. Nung papauwi kasi kami kahapon nagpumilit nyang kuhanin ung number ko para daw ma-contact nya ako tungkol dun sa pagtulong ko.

Sinagot ko naman yung tawag ni Reecee dahilan para tumigil sa pagsasalita si Allison at dumikit sakin para maki-usisi kung sino ung tumawag.

"Sino ba y-" I sign na wag maingay kaya naman tumahimik si Allison.

"Ree ..."

 

[ Great, About dun sa paglipat dito sa school namin— ]

 

Pinutol ko ung sinasabi nya. Dahilan para kumunot naman ang noo ni Allison.

"Hindi kami lilipat" madiin kong sabi.

[Why? Something wrong?] may pag-aalala sa tono ng pananalita nya.

"No. It's just that, kung gusto nating maging tunay itong plano mo bakit hindi natin gawin ung natural."

 

[Like?] Oh! He seems interested !

"Like, pupunta ako sa school nyo. At saka isa pa, bawal kami dyan remember artist only? Para kasing Forester High ang school nyo, masyadong elite at exclusive" narinig ko naman syang tumawa sa kabilang linya.

"Pupunta ka ng Forester High?" side comment naman ni Allison. Sumimangot na lang ako sa sinabi nya at dalawang beses na umiling iling.

Nakita ko naman syang tumango at bumalik sa pakikinig sa usapan namin ni Reecee.

[ Tama ka dyan, iilan lang nakakapasok dun. Masyadong strict dun. Anyway, para hindi hassle sayo puntahan na lang kita dyan pag uwian nyo na para mapag-usapan natin and if you want you can bring that photobomber friend of yours. Haha, she seem nice ]  napalingon naman ako dito kay Allison na inosenteng nakikinig sa usapan namin ni Reecee sa phone.

"Sure. Sige, isasama ko sya" at pagkatapos non ay inend ko na ang call. Nananatili parin ang mukha ni Allison sa pagiging clueless.

"Anong pinag-usapan nyo?" tumawa muna ako dahilan para kumunot ang noo nya.

"Anong nakakatawa?" para naman syang batang inaaway.

"No. Anyway mamayang uwian be ready. May special na tayong susundo satin" nakangiti ko pang sabi.

"Sino?" curious na tanong ni Allison pero hindi na ako nagbother na sabihin sa kanya kung sino 'yon. Hayaan na lang sya, makikilala naman nya mamaya kaya what's the use kung sasabihin ko pa sa kanya diba?

Buong araw ay tanong lang ng tanong sakin si Allison kung sino ung susundo. Ginawa ko ang lahat para hindi sabihin kung sino pero muntikan na ako mabuti na lang at agad akong napigilan ang sarili ko.

"Chiara, sino ba kasi ? Promise hindi na kita kukulitin. Promise. Sino ba kasi?" tanong nya. Hindi ko na lang sya pinansin at dire-diretso na lang ako sa paglalakad. Uwian na at pupunta na kami ngayon dito sa may parking lot. Dito na daw kami magkita sabi ni Reecee, tinext nya kasi ako kanina.

"Bakit nandito tayo sa parking lot?" makulit na tanong nito. Hindi ko na lang sya uli pinansin hanggang sa nakarating kami sa may tapat ng sasakyan ni Reecee.

"Chiara—"

 

"Sheesh!" sigaw ko dahilan para tumigil si Allison. Nagring naman ang iphone ko at sinagot ko 'yon.

"Ree, nandito na kami" hindi na sya sumagot pa bagkus ay binaba nya ang tawag.

Mayamaya pa ay may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko nakita ko si Reecee na suot suot sa kanyang mukha ang ngiti. Nilapitan ko naman sya at niyakap, niyakap nya din ako. Ang bilis noh, close na agad kami.

Nakita ko namang naguguluhan si Allison kaya kumalas ako sa yakap ko kay Reecee. Nilapitan ko si Allison at unti unting nawala ung pagkagulo sa mukha nya at unti unting napalitan ng mapag-asar na tingin.

"Hindi ganun. Mali ang iniisip mo Allison. Guy Bestfriend ko lang si Reecee" nakangiti kong sabi kay Allison na ngayon ay mukha paring naguguluhan .

Nilapitan naman kami ni Reecee na suot suot parin ung mga ngiting 'yon sa mukha nya.  "Hi"  at inilahad naman ni Reecee ung kamay nya pero itong si Allison ay halatang nagdadalawang isip pero kalaunan ay nakipag shake hands na din. Napangiti ako.

"Allison"

 

"Reecee" pagpapakilala nila sa isa't isa.

"Bestfriend material,diba?" singit ko. Nakita ko namang naging parehas ang tingin sakin ng dalawang 'to. Grabe, bago lang yan nagkakilala pero bakit parang sobrang close na agad sila. Parehas ba naman nakatingin sakin ng para bang aasarin nila ako.

"Sinong nagsabing pumapayag na akong guy bestfriend mo?" natatawa namang sabi ni Reecee. Nakita ko namang natawa si Allison. 

Sumakay na kami ng kotse ni Reecee at sinabi nyang pag-uusapan daw namin ang plano. Tapos itong si Allison naman ay nagsuggest na sa coffee shop na lang daw namin pag-usapan kasi masarap daw maggawa ng kape si Ate Charen. Well, totoo naman 'yon.

"Reecee, selfie tayo mamaya ha" narinig ko namang sabi ni Allison. Close na agad sila?

"Sige ba. Ngayong guy bestfriend mo ako eh" at sabay pa silang tumawa. At talagang nagawa pa nila akong asarin.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon