Chapter 42

950 19 0
                                    

•• Nicholas Ethan's Pov ••

Masama parin ang loob ko kahit dalawang araw na ang lumipas. Dalawang araw na rin akong hindi umaattend sa shooting dahil sa sama ng loob. Hindi ko pa kayang makita si Chiara ngayong nalaman kong may relasyon sila ng kaibigan ko.

"Pare, sabihin mo nga, bakit ba sinama mo pa kami ni Cloude dito ha? Kung gusto mong lumipad ikaw na lang wag mo na lang kaming isali" hindi ko na lang pinansin ang pagrereklamo ni Jess bagkus ay mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho ko. Gusto kong mahipan ng hangin itong sakit na nararamdaman ko ngayon kaya itong kotse kong walang bubung ang ginamit ko. Isinama ko na rin ang kambal at si Zian para kahit papaano ay may kasama ako.

Tahimik lang si Zian sa may likuran habang nakasuot sa kanya ang kulang black nyang beats headphones habang nakapikit sya. Samantalang si Jess naman ay hindi matigil ang rereklamo, tss para syang babae.

Ito namang si Cloude ay halatalang naiirita na sa bunganga ng kaibigan kaya sinalpakan na lang nya ito ng kung anong bagay na nadampot nya. At dahil dun ay nagsimula na silang mag-away.

Nakakatuwa, sana ganito na lang kaming kasaya pero hindi na mangyayari ang nakaraan. Mas pinili ni Darren na kunin ang girlfriend ko kaysa pagtibayin ang pagkakaibigan namin.

Napasuntok ako sa manibela dahil naaalala ko na naman ang pangyayaring 'yon. Nakakainis! Hanggang ngayon ba naman, si Darren na naman. Kaibigan ko sya, pero sya pa ang umahas sakin.

Marahas kong pinunasan itong mga luha ko at mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Wala namang sisita samin dito dahil nasa hi-way kami. Gusti kong isigaw ang lahat para mawala na ang sakit na nararamdaman ko ngayon dito sa ... puso ko.

"Pare, papatayin mo ba talaga kami?" angal na naman ni Jess. Hindi ko na naman sya pinansin at mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Hindi ko na alam kung gaano na kabilis itong pagpapatakbo ko. At ayoko na ring malaman.

"Ethan ..." narinig kong sabi ni Zian. Hindi ko lang sya pinansin at pinagpatuloy ko ang pagpapatakbo ko.

"Ethan, itigil mo na ito,nasa ospital na si Chiara" agad akong natigilan sa narinig ko. Nasa ospital si Chiara? Teka, paano ?

"Pa-paano?" nabubulol kong tanong pero hindi yon sinagot ni Zian bagkus ay inutusan nya akong mag-u turn ako at pumunta na sa ospital. Tinext na kasi kay Zian yung pangalan at address ng ospital.

Nag u turn ako at binilisan ko ang pagmamaneho.

Kasalanan ko. Kasalan ko ang lahat kung bakit nasa ospital ngayon si Chiara.

It's all my fault.

****
Jonelle's Note :

Pasensya na po, bitin.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon