"Anong ginagawa mo dito?" natigil ako sa pagkain ng niluto ni Ate Charen na carobanara ng bigla na lang dumating ang taong kanina lamang ay inaasahan kong darating sa graduation ceremony pero binaliwala nya lang ang pangakong 'yon at hindi sya sumipot.
Agad akong tumayo para lumayo sa kanya at lumipat ako sa panibagong silya at dun umupo pero sinundan nya lang ako. Sinamaan ko lang sya ng tingin at muling tinanong.
"Ano ba talagang ginagawa mo dito,a? Tapos na ang graduation ceremony hindi na ka na kailangan dito. Makakaalis ka na" maasim na saad ko habang naglalakad muling papalayo sa kanya. Lumipat muli ako sa panibagong silya dito sa table sa bahay nila Ate Charen at Kuya EJ.
"Just hear me out first,please?" sandali ko syang nilingon at nakita ko sa kanyang mga mata ang pagmamakaawa pero hindi ko lang 'yon pinansin at muli akong naglakad papalayo sa kanya. Iniwanan ko na rin ang hindi ko naubos na carbonara malapit sa lababo.
Nawalan na ako ng gana.
"Ano pa bang rason ko para pakinggan pa ang paliwanag mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ko sya nilingon at pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad hanggang sa nakarating ako sa may sala kung saan nanunuod sina Ate Charen at Kuya EJ ng movie.
"For you to know my side. Para malaman mo kung anong rason kung bakit hindi ako nakarating."
Natigilan ako sa narinig kong sinabi nya. Natawa rin ako ng mapakla.
"Ano? Para malaman kung anong rason mo?" I paused and faced him. "C'mon tell me, what's the reason? Ano ang rason mo kung bakit hindi ka dumating at sinadya mong sirain ang pangako mo?"
Natigilan sya at halos hindi makapagsalita.Napapikit na lang ako ng madiin at napatawa ng mapakla.
"So this is your very reason,huh?" medyo mataas na ang boses ko. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at isa isa ng bumagsak itong mga luha ko.
"What's happening here?" naguguluhang tanong ni Ate Charen, marahil narinig nila ang usapan namin ni Ethan.
Sandali ko lang nilingon sina Ate Charen at Kuya EJ. At pagkatapos ay muli kong nilingon ang aking paningin kay Ethan na hanggang ngayon nakatungo at hindi parin nagsasalita.
"C'mon Ethan, tell me. Tell us. Tell Ate Charen and Kuya EJ your reason kung bakit sinira mo ang pangako mo?" nanginginig na ako dito habang umiiyak at pakiramdam ko ay anytime ay bibigay na ang mga tuhod ko.
"So, you wanna know what's my reason behind breaking my promise" ngayon naman ako ang natigilan at napatulala sa kanya. Nag-iba ang tono ng pananalita nya, hindi na ito ung kaninang Ethan na nanunuyo bagkus ito na ung Ethan na katulad ng dati.
Hindi ko na rin napansin na maging sina Ate Charen at Kuya EJ ay natigilan din.
"E-ethan.." tanging pangalan na lang nya ang nabigkas ko.
"Pinipilit mong malaman ,diba? Umattend ako sa may interview, guesting at kung anu ano pa. Ano? masaya ka na ba?"
Parang bigla akong naging bato dito sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. Umattend sya sa mga yon para hindi maka-attend sa graduation ko?
Isa isa na namang bumagsak ang mga luha ko. Hindi na rin ito pinunasan at hinayaan ko na lamang itong basta na lang bumagsak.
"Sinadya mo ba 'yon p-para hindi maka-attend sa g-graduation ceremony?" Napatakip ako ng bibig dahil mas lalo akong napaluha.
BINABASA MO ANG
My Make-Believe Boyfriend ✔️
Teen FictionHandsome Actors Series Book 1 Pretending to yourself that someone likes you means you're only hurting yourself She wished nothing but her crush will start to notice her existence but it failed. Almost everyday she hoped that one day he will notice...