Chapter 15

1.2K 28 0
                                    

Bigla namang nag-init ang ulo ko sa sinabi nya. Nakakainis. Ano bang problema ng lalaking 'to? Parang nung nakakaraan lang basta na lang nya akong hinalikan tapos ngayon kung umasta sya parang wala lang ang lahat. Sabagay, hindi rin naman ito maiintindihan. Artista sya , ako hindi. Marahil ay wala lang sa kanya ang halik na 'yon.

"Titingnan mo lang ba ako?" walang ganang tanong nya. Napakuyom naman ako ng kamao. Chiara, hingang malalim, kaya mo yan. Sundin mo lang ung napag-usapan.

Pagseselosin mo lang naman si Jana at kailangan nyong magdate para ipakita sa lahat na kayo talaga at para sagutin na ni Jana si Reecee at para magawa mo na rin ang trabaho mo at para matapos na rin ito ng maaga.

Umiling iling na lang ako para kalimutan ang sinabi nya at bigla ko na lang hinawakan ang kamay nya. Pananagutan ko lang sa sarili ko ung sinabi nila Reecee at Allison na ipakita daw sa iba na kami talaga. Katulad ngayon, mas lalo pang nadagdagan ang mga taong nandito kanina sa hallway.

Sinamaan nya lang ako ng tingin at marahas na inagaw ang kamay nya pabalik sa kanya. Alam kong napahiya ako dahil 'duh' ang dami kayang nakatingin samin at take note mga nanlilisik na mga mata na ang nakatingin samin. Ngumiti na lang ako para itago ang pagkapahiya 'ko.

"Bakit ka ba kasi nandito?" iritable nyang tanong sakin at tatalikod na sana sya ng bigla kong hinawakan ang pulso nya. Maging ako ay nabigla sa ginawa ko pero hindi ko na lang pinahalata 'yon.

"Let go of my hand" ma-awtoridad nyang utos sakin dahilan para bigla ko na lang bitawan ang kamay nya.

"Be my make-believe boyfriend please ..." wala sa sariling lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon dahilan para mapatakip ako ng bibig. Napansin ko ring muli syang humarap sakin. Ano ba 'tong lumalabas sa bibig ko ?

Paano na 'to? Seryoso ang mukha nya? Naku! Bahala na nga!

"Are you that desperate para magmakaawa sakin na maging 'make-believe' boyfriend mo?" sarcastic nya pang tanong. Hindi ko na lang pinansin 'yon.

Mahirap kasi 'tong gagawin ko kung ako lang ang aarte at para na rin 'to kay Reecee. Kahit ayaw ko nitong ginagawa ko ay gagawin ko matulungan lang ang kaibigan ko.

"Believe me, ayoko rin nitong naging desisyon ko pero please i desperately need your help---" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng bigla na lang syang sumabat.

"Lemme guess, nakulangan ka pa sa pagiging sikat mo nung nakakaraang buwan kaya nandito ka ngayon?" napalunok na lang ako at pilit kinalma ang aking sarili.

"Look, gusto ko lang tulungan si Reecee kaya please pumayag ka na" i know i look so desperate today pero anong magagawa 'ko? Kailangan ko 'tong gawin para matapos na.

"Whoa, what do we have here? An artist hooker? Tell me, ilang artista na ba ang gumamit sayo at pati ako at si Reecee ay gusto mo pang isali sa koleksyon mo?" nakangisi nya pang tanong sakin.

Anong tingin nya sakin? Kaladkaring babae na kapag tinawag o kinalabit ng kung sino ay basta basta na lang sumasama? Napakuyom ako ng kamao at bigla ko na lang syang sinampal gamit ang free hand ko.

Nagsimula na ring bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Napatulala sya sa ginawa ko. Marahas ko na lang pinunasan itong mga luha. "Hindi mo ako kilala ng lubusan kaya wag na wag mo akong husgahan. Kilala mo lang ako sa pangalan kaya wag mo akong apak apakan. Kung sa sarili ko lang, hindi ko gagawin ang walang kwentang bagay na 'to pero hindi e, para 'to sa kaibigan ko. Para 'to kay Reecee dahil kaibigan ko sya" pagkatapos kong sabihin 'yon ay basta ko na lang syang iniwan dun na hanggang ngayon ay tulala parin.

Marahas ko na lang pinunasan itong mga luha kong patuloy parin sa pagbagsak. Wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga camera's na sunod sunod na nagpa-flash at sa mga reporters na patuloy lang sa pagtatanong. Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad hanggang sa makalabas na ako ng school nila.

Nung nakalabas na ako ng school nila ay napahagulgol na lang ako ng iyak at napatakip ng bibig. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang kalalabasan ng pagtulong ko sa kaibigan. Hindi ko na inaasahan masasabihan pa ako ng hooker. Ang sakit nyang magsalita.

"Tumigil ka na sa pag-iyak" concern na saad sakin ni Allison pagkatapos kong ikwento sa kanya ang buong pangyayari. Hindi ko lang kasi matanggap ang lahat.

"Sinabihan nya ako na isa daw akong ho-hoo—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil mas lalo akong napahagulgol. Niyakap na lang ako ni Allison ng mahigpit. Hindi na rin kasi ako nakapasok ng first and second period dahil sa pangyayaring 'yan. Sina Allison at Reecee kasi kanina sobrang excited kaya heto, sinampal lang naman ako ng tadhana.

"Shh. Tama na. Sasabihin ko na lang kay Reecee na hindi mo na magagawa ung pagtulong mo" patuloy parin sya sa pagko-comfort sakin habang sa kabilang kamay naman nya ay nagdial sya ng number at pagkatapos ay tinapat 'yong speaker ng phone nya sa tenga nya.

Nanatili lang sya ng ganun ng for about 10 seconds hanggang sa sumagot na rin sa kabilang linya.

"Reecee, sorry but i think hindi ka na matutulungan ni Chiara tungkol dun sa ..."

Parang naging si Flash ang lalaking si Reecee at sa isang iglap ay nandito na agad sya sa pwesto namin. "What do you mean?" seryosong tanong ni Reecee. Gosh . Kinakabahan na ako.

"Ano kasi ..." nabubulol na sabi ni Allison kay Reecee habang nakatingin dito.

"Explain" ma-awtoridad na utos ni Reecee. Dahil para kahit labag sa loob ko ay naikwento ko na rin sa kanya ang lahat.

"Kaya mo yan. Timing lang ang kailangan mo" sabi nya at pagkatapos ay humila sya ng upuan ay basta na lang ininom ang coke ni Allison. Hindi na lang 'yon pinansin ni Allison at pinagpatuloy na lang nya ang pagkain ng chips na kabubukas lang nya nung pagkadating ni Reecee.

HINDI ko alam sa sarili ko kung bakit nandito pa rin ako. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pumayag ako sa sinabi ni Reecee. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon todo suporta parin ako kay Reecee despite the fact na ayaw ko na talaga.

Nakaupo lang ako dito sa isang bench malapit dito sa may entrance ng school nila Ethan. At inutusan na naman akong hintayin ko daw si Ethan para daw makapagdate kami. Kulit nila, noh!

Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakaupo dito pero nakakasigurado akong matagal tagal na. Napatingin ako dito sa may clock dito sa phone ko ay shocks 30 minutes na pala ang lumipas. Nasaan na ba ang lalaking 'yon?

"Hinihintay mo ba sya?" napalingon ako dun sa nagsalita.

"Darren?" bigkas ko sa pangalan nya. Nakita ko namang ngumiti sya at umupo sya sa bakanteng pwesto kalapit ko dito sa bench.

"Yeah. So what brings you here? Diba kahapon lang nag-away kayo pero ngayon .. don't tell me ikaw ang manghihingi ng sorry kahit si Ethan ang may kasalanan?" napangiti na lang ako sa sinabi nya. Nakita nya? Pero , sige idaan na lang sa ngiti ang lahat. Ayoko na rin kasing maalala ung mga masasakit na sinabi ni Ethan kahapon at for sure pag naalala ko pa 'yon panigurado. Iiyak lang ako at baka hindi ko na naman magawa ang plano nila.

"Parang ganun na nga" napangiti na lang ako. At pagkatapos nun ay nagkwentuhan kami. Nakakatuwa naman itong si Darren. Hindi lang pala sya gwapo kundi mabait pa. Isang katangian na wala kay Ethan. Mukha lang syang masungit pero trully napakabait nya.

"Grabe naman pala. Ginawa mo 'yon?" tawa ko at pagkatapos ay hinampas ko sya ng playful sa may braso nya. Tumatawa rin sya. Nanatili lang kami sa ganung posisyon ng parehas kaming may narinig ng boses mula sa isang pamilyar na tao at nung sabay kaming napalingon dito ay nakita naming masama ang tingin nito samin.

"Bro, nandyan ka na pala" sabi ni Darren habang nakangiti, napangiti na rin ako pero unti unting nawala ang ngiting 'yon ng bigla na lang akong marahas na hinahin ni Ethan papunta sa may parking lot.

"Wala ka na talagang kahihiyan. Pati kaibigan ko gusto mong patulan." Hindi ko na napigilan ang kamay ko at basta ko na lang syang sinampal. Nanggagaliiti na ako. Sana hindi ko na lang sya nakita. Nakakainis.

Masaya na ako kanina pero ngayon wala na.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon