Chapter 12

1.4K 33 0
                                    

Nang nasa coffee shop na kami ni Ate Charen ay ikinuwento na ni Reecee ang mga plano nya tungkol dun sa pagtulong ko sa kanya. Aaminin ko ah, parang ayaw ko ng ituloy ung pagtuloy ko. Alam nyo naman siguro diba ung nangyari nung isang araw diba? Nakakainis lang pag-aaalala ko ung araw na 'yon.

Makapagsalita sya. Akala nya desperada ako sa kanya. Well.. siguro noon oo pero ngayong masyadong expose na saking mga mata ang tunay na ugali nya. Mukhang wag na lang.

"Ano? Okay ba sa inyo ang ganun?" hindi ko na napansin na sa 'kin na pala nakatingin ang dalawang 'to. Nagpakita na lang ako ng isang mapaklang ngiti sa kanilang dalawa. Siguro naman ay naiintindihan nila, simula kasi nung araw na 'yon na pinuntahan namin si Manager Earl parang mas lalo akong nainis ay naging ayaw ko kay Ethan.

Tuwing naririnig ko nga sa radio, tv, internet, social media at sa kung anu-ano pa ay naiinis agad ako at agad kong pinapatay ung device na ginagamit ko.

Sandali ko namang binaba ang coffee cup na hawak hawak ko ng biglang dumating si Ate Charen na may dala dalang tray laman ng inorder ng dalawang nitong stawberry at caramel cake.

"Pasensya na kung pinaghintay ko kayo" nakangiti pang sabi ni Ate Charen. Nakita ko namang nagningning ang mga mata ni Allison dahil dumating na rin ang cake at makakakain na rin sya samantalang si Reecee naman ang kumausap kay Ate Charen at nagpasalamat sa cake.

Bago tumalikod si Ate Charen ay sinabihan nya si Reecee kung pwede daw bang magpapicture kasama sya. At pagkatapos ay itinuro din ni Ate Charen ung mga customers na nakatingin dito sa may table namin dahil kasama namin si Reecee. Napangiti naman si Reecee ay sinabing pwede rin daw magpapicture sila.

Tatalikod na sana si Ate Charen ng mapansin nyang malungkot ako. "Chiara, may problema ba?" hindi ko na lang 'yon sinagot bagkus ay si Allison ang sumagot sa tanong ni Ate.

"Naku Ate. Sinabi mo pa. Alam mo naman si Chiara" at tumatawa pang saad ni Allison samantalang eto namang si Reecee ay nakatingin lang sakin. Hindi ko alam kung bakit sya nakatingin sakin pero pinagwalang bahala ko na lang 'yon.

Lumingon na lang ako sa ibang direksyon at muling kinuha ang coffee cup ko at humigop ng konting kape dun. Hindi ko na namalayan na humila na pala si Ate Charen ng upuan at sumalo na sa table namin.

"Tungkol ba ito dun kay-" hindi na natapos ni Ate Charen ang kanyang sinasabi ng si Reecee na ang nagtuloy ng sinasabi nya.

"Ethan .." pagkatapos sabihin 'to ni Reecee ay tiningnan nya si Ate Charen at tumango sya dito. Naging malungkot naman ang mukha ni Ate Charen.

"Kung hindi mo pa kaya, I'm sure Reecee will understand" naramdaman ko ring hinawakan ni Ate Charen ang kamay ko dahilan para lingunin ko sila at nakita ko ang reassuring smile sa kanilang mga labi. Pati si Reecee suot suot nya rin ang ganung ngiti.

"Okay lang ba sayo yun Ree?" tanong ko sa kanya. Pero imbis na sumagot sya ay nakita kong napangiti sya dahilan para matuwa ako.

Pumayag si Reecee na wag daw munang gawin ngayon ung plano nya. Makakapaghintay naman daw sya, kahit sa next week na lang daw gawin ung plano nya. Ako daw ang bahala.

Nang malaman ko un ay naging masaya ako. Pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng konting panahon para mag-isip at para din kalimutan ang nakaraan para magawa ko ng tama itong plano ko.

LUMIPAS ang isang linggo at sinundo naman kami ni Reecee dito sa school. Pero hindi kagaya nung una, pinagtilian sya ngayon dahil naghintay sya sa may tapat ng school. Sabi kasi ni Reecee masyado daw hassle kung ipa-park pa ang sasakyan nya sa parking lot kung pwede namang malapit lang sa gate ng campus.

Nang makita ng mga kababaihan si Reecee ay walang humpay ang tilian ng ilan. Ang iba naman ay sa sobrang arte ay naghimatay at ang iba naman ay pinagpupukol sakin ang masasamang tinginan nila. Kesyo, malandi daw ako dahil nung nakakaraan ay gusto ko daw si Ethan tapos ngayon ay si Reecee naman daw.

Hindi ko na lang pinansin ang mga sinasabi nila at tahimik na lang kaming sumakay ni Allison sa magarang sasakyan ni Reecee. Bago nya patakbuhin ang sasakyan ay nag-selfie muna kami. With the caption 'hangin' out with my bestfriends' . At pagkatapos nun ay nagdrive na si Reecee papunta sa school nila.

Nung makarating kami ng school nila parang bumabalik sakin ang nakaraan. Biruin mo, pagkatapos ng klase namin ay pumunta ako dito para lang makita si Ethan pero ngayon ... nakakatuwa lang daw hindi lang ako nag-iisa ang nandito kundi kasama ko na rin ang dalawang 'to.

Ipinark ni Reecee ang sasakyan nya sa may parking lot. Ang sabi nya pumunta na daw kami ni Allison dun sa may entrance ng campus para daw makita namin si Ethan at para maisagawa na rin ang plano.

"Parang wala namang Ethan ang nandito eh" naiinip na saad ni Allison habang nguminguya ng potato chips na kaninang lunch break ay bumili sya ng tatlo para daw may makain sya mamaya. Anong akala nya dito sa gagawin namin, manunuod ng sine? Aish!

Nilingon ko naman si Allison at aagawin ko na sana ung isang potato chip ng pigilan nya ako. "Wag mo nga akong agawan. Ang dapat nating gawing ngayon ay hinatayin natin si Ethan"

"Hintayin? Ikaw nga 'tong kumakain"

"Masama?' parang bata nyang sabi. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya dahil baka mag-away pa kami dito. Nanatili pa kami dito hanggang sa napansin kong wala talagang Ethan na lumalabas.

"Allison, wala naman si Ethan dito eh" naiinip na talaga ako dito. Tapos si Reecee wala pa rin. Saan naman kaya pumunta ang lalaking 'yon?

"Parang .. alis na tayo" tumango naman ako sa sinabi Allison na umalis na lang kami. Para kasing wala naman talaga kaming iniintay, nagsasayang lang kami ng oras. Tatalikod na sana ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Chiara?" napakunot naman ang noo ko at nilingon ko ung tumawag sa pangalan ko. Apat na lalaki at kagaya ni Ethan ay mga sikat ding mga artista.

"Paano nyo-" hindi pa natatapos ang sinasabi ko ng biglang nagsalita na ung isa.

"The worlds knows about you. Ethan's secret girlfriend" sabi pa nung isa. Hindi ko mawarian kung nang-aasar ba ito o ano?

"Loko ka Jess" sita naman nitong isa. At nagsimula ng mag-upakan itong dalawa. Sabagay, hindi ko rin naman maiintindihan itong dalawa kambal eh. Kambal sila pero hindi magkamukha.

Hindi na lang namin pinansin ung dalawa ay kinausap naman kami ni Darren.

"Hmm.. Chiara, right?" tumango na lang ako.

"Hinahanap nyo si Ethan?" tanong nito. Tumango lang kami ni Allison. Bago nya sagutin ung tanong nya ay sandali muna syang lumingon kay Zian na ngayon ay tahimik na nakasuot ng headset at habang may binabasa dahilan para lingunin din namin si Zian.

"Anyway .." muli kaming napalingon kay Darren na nagkakamot na ng ulo.

"Sa totoo lang, hindi namin alam kung nasaan ang lalaking 'yon. Pero wag kang mag-alala sasabihin ko na lang pumunta kayo dito." Napangiti naman ako sa sinabi ni Darren hindi ko alam kung bakit pero promise napangiti ako.

"Salamat" nagpasalamat na rin si Allison at aalis na sana kami ng muling nagsalita si Darren.

"Chiara .." napalingon naman ako sa kanya. Nakita ko ang pagkaseryoso sa kanyang mukha. Nanatili lang syang nakatingin sakin at alam mo yung pakiramdam na parang may nagawa kang mali sa isang tao dahil sobra syang seryosong nakatingin sayo.

"A-ano yun?" pakiramdam ko nanginginig na ang tuhod ko. Kinakabahan ako na ewan. Napalingon naman ako kay Allison na parang nacompose na nya ang sarili nya mula sa pagkakabigla kanina dahil ngayon ay kumakain na sya ng potato chips.

"Ingat ka" napakamot pa sya sa batok nya. Napangiti na lang ako ng pilit at nagpaalam na sa kanila. Anong nangyari naman dun sa isang 'yon ? Akala ko may sasabihing seryoso tapos 'Ingat ka' lang ang sasabihin. Asan ang seryoso dun?

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon