Chapter 46

1K 19 0
                                    

** Nina Chiara's Pov **

Hindi ko pinansin ang pagtawag nila sakin bagkus ay nagmamadali akong bumangon pero agad akong nilapitan ni Allison,Ate Charen,Manager Lara at Kuya EJ.

"Chiara,wag kang bumangon." Saway sakin ni Ate Charen dahilan para muli akong humiga. Naglabas muna sila ng kani-kanilang buntong hininga at pagkatapos ay muling bumalik sa kinauupuan nila kanina.

Halata sa mga mukha nila ang pag-aalala na nagresulta na mas lalo akong maguluhan. Bakit kailangan pang mag-usap ni Darren at Ethan ng sarilihan? Bakit sobrang seryoso ng mga mukha nila nung tinawag ni Darren si Ethan?

Nagpalipat lipat ako ng tingin sa bawat isa sa kanila. Pero ni isa sa kanila ay hindi ako matingnan ng diretso, kung hindi naman tutungo ay bigla na lang silang lilingon sa ibang direksyon.

"Ate ..." bigkas ko. Agad namang napalingon sakin si Ate Charen at nilapitan ako.

"Chiara,please mahina ka pa. Just rest okay" mahinahong saad ni Ate Charen. Aaminin ko, hindi ko tanggap ung sinabi nya pero nung tiningnan ko sila isa isa ay natalo na rin ako. Naglabas na lang ako ng buntong hininga at pinikit ko na lang ang mga mata ko. Siguro, tama si Ate Charen, marahil ay kailangan ko munang magpahinga.

** Earl Jan's Pov **

Nakatayo lang ako dito habang nakatingin sa nag-aalalang mukha ni Charen. Nakatingin lang sya sa natutulog na mukha ni Chiara pero kahit hindi sya nagsasalita, alam kong nag-aalala sya para sa kapatid nya.

Napatakip ng bibig si Charen kaya agad ko syang niyakap. Sinubsob nya sa dibdib ko ang mukha nya at may naramdaman akong maligamgam na likidong bumabasa sa shirt ko. Sandali akong kumalas sa yakap para pumanasan ang mga luha nya.

"Shh. Baby, don't cry" pag-aalo ko sa kanya. Tumigil naman sya sa pag-iyak at inangat nya ang mukha nya.

"EJ, talk to Ethan. Hindi natin alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Ayokong maghiwalay sila" at pagkatapos ay muli na naman syang napaluha. Pinunasan ko muna ito at pagkatapos ay hinalikan ko sya sa noo at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

----

"Kung wala kayong relasyon, bakit nakita ko kayong magkahalikan ni Charisse?" nakakuyom kamaong tanong ni Darren. Halata sa mukha nya ang gigil at galit. Dalawang inches lang ang layo nila sa isa't isa pero kung makatingin sila sa isa't isa ay parang anumang minuto ngayon ay may bombang sasabog.

Pinili ko na lang na manatili dito. Nanatili na lang akong nakatayo dito habang pinapanuod ko silang dalawa. Naisip ko kasing maaaring makagulo lang ako sa kanilang dalawa kung sasabog din ang emosyon ko sa galit. Kaya kahit gusto ko mang suntukin ang kapatid ko ay mas pinili ko na lang manatili dito.

"Ano 'to Darren? Biopolar? Ano bang pinaglalaban mo pare?" maangas na tugon ni Ethan na parang sa tono ng pananalita nya ay inaasar nya pa si Darren.

Nagtangis na ang bagang ni Darren sa galit at inis na raramdaman nya pero mas pinili nya itong pigilan. "Nabulag o sadyang nakalimutan mo na ang lahat? Si Charisse ang sumira sayo pero ano 'to? Makikita ko na lang na magkahalikan kayo?"

"Alam mo, Darren, tumahik ka ah. Anong akala mo hindi ko alam ? May relasyon kayo ni Chiara. Pare, inaagaw mo sakin ang girlfriend ko" pasigaw ng saad ni Ethan.

"Kung hindi lang kita kaibigan sana matagal ko ng ginawa. Sana noon pa, inagaw ko na si Chiara mula sayo para hindi na nagyari pa sa kanya ang ga—" hindi na natapos ni Darren ang kanyang sinasabi ng bigla na lang lumipad sa mukha nya ang kamao ni Ethan. Sa sobrang bilis at malakas na impact ay napaupo sya sa sahig.

Sandali namang pinunasan ni Darren ang dugo sa kanyang labi at muli itong tumayo para gumanti ng suntok sa kaibigan. Nagsuntukan lang sila dun hanggang sa bumagsak na sa sahig si Ethan. Hinihingal na nakatayo lang si Darren habang nakatingin sa kaibigan. Pinunasan nya muli ang dugo sa kanyang mukha.

"Ethan, mahal ko si Chiara pero mas pahahalagahan ko ang pagkakaibigan natin. Hindi ko na sya aagawin sayo pero sa oras na masaktan mo muli sya, hindi na ako magdadalawang isip na agawin sya sayo. Papakasalan ko agad sya para hindi mo na sya maagaw sakin" at pagkatapos nun ay umalis na si Darren.

Gusto ko mang puntahan si Ethan pero mali sya. Kaya mas pinili ko na lang na iwan sya habang nakahinga na sya sa sahig at bumalik na lang sa room. Nakasalubong ko pa si Reecee na halatang nagmamadali kaya sinabay ko na sya sa pagpunta naman sa room ni Chiara.

** Darren Thomas's Pov **

Basta ko na lang syang iniwan dun habang nakahiga na sa sahig. Habang naglalakad papalayo hindi ko mapigilang mapaluha. Pinupunasan ko ito habang naglalakad papunta sa may roof top. Siguro kailangan ko munang makalanggap ng hangin.

Pagkarating ko sa may rooftop ay umupo ako sa bakanteng bench na nandun. Hindi ko na napigilan at isa isa ng bumagsak ang malalaking butil ng luha ko. Napa-angat din ang tingin ko sa kalangitan. Makulimlim ang langit at malakas ang simoy ng hangin. Napapikit ako ng madiin.

Sa aking pagpikit, parang nagpa-flashback ang lahat, ung mga panahong kasama ko si Chiara, ung masasayang panahon na kasama ko sya. Nakakapagsisi na sana, sana ako na lang ang naging boyfriend nya at hindi naging si Ethan.

e"�ᶆ� �


   


My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon