Chapter 30

1.1K 27 0
                                    

"Anong?" hindi na nya pinatapos ang sinasabi ko ng basta na lang nya tinigil ang sasakyan at sinabing ...

"Nevermind" at basta na lang sya bumaba ng sasakyan without informing me na nandito na pala kami. Napasimangot na lang ako habang papasok na sa bahay nila Ate Charen.

Pagkapasok ko ay agad kaming sinalubong ni Ate Charen at Kuya EJ. Parehas ko silang niyakap pero si Ethan ay parang bula lang silang nilagpasan , yeah sure binati nya ang Ate Charen ko pero hindi nya man lang pinansin si Kuya EJ.

Mukhang napansin naman ni Kuya EJ na nainis ako kay Ethan sa inasal nya kaya lalapitan ko na sana 'to ng pigilan ako ni Kuya EJ.

"Hayaan mo na lang sya, Chiara, He's still broken inside"

Broken inside? Hindi pa ba sya nakakapagmove on kay Charrise? Ah, Oo pala, halatang halata naman na hindi pa sya nakakapagmove on dun sa ex nya.

"Hindi pa po ba sya nakakapagmove on kay Charrise?" hindi ko naiwasang itanong .

"Actually..." Kuya EJ paused at tiningnan si Ethan na ngayon ay abala sa iphone nya. "He's still that kid inside. Mukha lang syang nag-grow up but inside of him lies a kid who thought that he never felt love" natahimik ako sa sinabi ni Kuya EJ. Grabe naman, hindi ba alam ni Ethan na maraming nagmamahal sa kanya? Kauna-unahan na dun si God ,pangalawa ang family, friends nya at ako. Pero hindi nya napapansin 'yon. Sad.

"Pero po Kuya EJ, ano po ba talagang nangyari?" curious na tanong ko.

"When Ethan and I was just a kid. My parents are always there para sakin, in short close kami ng mga magulan ko pero fate played with our lives. Nawalan kami ng mga magulang at naiwan sa pangangalaga ko si Ethan. Akala ko nung magiging okay na ang lahat pero si Ethan mismo ang kusang lumalayo." he paused. "Naging manager ako dahil gusto kong mabantayan ang nakababata kong kapatid but as the days, months and years go by ang gap sa pagitan namin ay mas lalong lumalaki. I was hopeless na nun na pakiramdam ko ay hindi na magbabago ang kapatid hanggang sa nakilala ko ung kapatid mo and we promised to each other na ipapakasal kayong dalawa at the age of 20. Kilala kita, Chiara, I know he will have a bright future for Ethan" tahimik lang akong nakikinig kay Kuya EJ ng basta na lang sumabat itong si Ethan na hindi ko napansing kanina pa pala nakikinig.

"So what are you saying,huh? Ipi-fixed marriage mo kami ni Chiara? No way,man. No way. Now I realize kung bakit of all this years lalong lumalaki ang gap natin sa isa't isa it is because of you. You wants to manipulate my life the way you wanted it to be" hindi ko alam kung sinong papahingan ko pero kailangan kong sundin ang nakasulat biblia. Wala akong dapat na paningan. Hindi ko alam ang tunay na kwento.

"Chiara.." narinig kong tinawag ako ni Ate Charen. Nilapitan ko sya.

"Ilayo mo muna si Ethan. Much better kung magkalayo muna ang magkapatid." sinunod ko naman ang sinabi ni Ate Charen at sinabi kong uuwi na kami. Pinilit ko si Ethan na umuwi na kami habang sa sumakay na kami ng sasakyan pero hindi parin kami umaalis dahil naiinis parin sya.

"Ugh! Anong klase sya? Who do you think he is? The first king of the Philippines? Ugh! What a--" hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya ng gentle kong hinawakan ang kamay nya at mahinahong kong sinabi na ..

"Tara,ipagpray natin'yan. Tingnan mo mawawala yang sama ng loob mo. Ibigay lang natin yan kay God" natahimik naman sya at sumunod na lang sya sa ginawa ko. Pagkatapos naming manalangin ay sinabi nya sakin, medyo nawala na ang sama ng loob nya. Nagpasalamat na rin sya sakin at niyakap nya ako dahilan para matigilan ako.

OMO! Niyakap nya ako. Madiin kong pinikit ang mga mata ko. At pagkatapos din ng ilang segundo ay kumalas na kami sa yakap at nagsimula na syang magdrive hanggang sa nakatulog na ako.


Cara Allison's Pov

Napatingin ako sa wrist watch ko at parang ang bagal bagal naman ng oras. Kate-text ko lang kay Chiara na dito samin sya matulog pero hanggang ngayon ay wala paring reply. Ano bang ginagawa nung babaeng 'yon?

Basta na lang nya akong iniwan kagabi nung nakasayaw na nya ung Ethan nya. Akalain mo yun naghahalikan sya sa may gitna habang may mga couple na nagsasayaw pinaiikutan sya. At ang nakakapagtaka, diba NBSB itong si Chiara pero bakit nakikipaghalikan? Hay, siguro dahil sa loveteam sila at kailangan nilang gawin 'yon.

Ano kaya? Puntahan ko na lang kaya sya sa bahay nila? Malamang nakauwi na 'yon galing shooting at for sure nakanganga na naman 'yun sa tv o sa laptop nya.

Nung nakarating na ako sa tapat ng bahay nila Chiara ay sarado parin.Teka, 30 minutos na ang lumipas simula nung tapos nung shooting nya. Maaari kayang?

Dalawang beses akong umiling iling. No. Don't feed up your worries Allison okay lang sya.Natraffic lang 'yon. Tandaan, wala namang sasakyan yun. Habang naghihintay ay napagdesisyunan ko na lang umupo dito sa damuhan nila. Okay naman 'to. Alam mong inaalagaan.

Habang naghihintay ay nagki-wifi na lang ako sa bahay nila Chiara.Ung babaeng 'yon kasi hindi nagpapatay ng wifi.

Hanggang sa may isang magarang sasakyan ang tumigil sa may harapan ng bahay nila Chiara.Teka, sino kaya sila? Kaya tumayo na ako at pinagpag ang pwetan ko at nilapitan ung taong papalabas ng sasakyan.Nung una ay hindi ko sya masyadong nakilala dahilan lumipat pa sya sa kalapit ng driver seat at parang kinukuha sya dun. Nanatili lang nakakunot ang noo ko hanggang sa nagtanto ko na si Ethan pala yung lalaki at buhat buhat nya si Chiara in bridal style.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon