Nung oras ng break time ay naglakas loob na ako. Kailangan kong manghingi ng sorry kay Ethan dahil iniwan ko sya. Alam kong nakakahiya 'yon para sa sarili nya at baka kapag di ako nagsorry sa kanya ay magbalik na naman ang ugali nya.Ayoko namang mangyari'yun.
"E-ethan" nahihiya kong bigkas ng pangalan nya. Alam kong katatapos nya lang maglunch at ngayon ay may ginagawa sya sa phone nya. Hindi nya man lang ako tiningnan bagkus ay sumagot sya habang nakatingin parin sa phone nya.
"What is it?" mukhang iritable na agad sya kaya kailangan ayusin ko ang mga salitang gagamitin ko. Para hindi sakin malipat ang galit nya.
"Gusto ko lang sanang magsorry..." hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng tinago na nya sa bulsa nya ung phone nya at tumayo sya at nilapitan ako dahilan para mapa-atras ako.
"O, ba't ka umaatras?Magso-sorry ka diba?" napaglarong ngiti nya akong tiningnan. Alam kong pinagti-tripan nya lang ako kaya magagawa ko 'to. Nalusutan ko nga ung kagabi sa prom ito pa kaya.
"Yeah.About that, sorry dahil basta na lang kitang iniwan dun sa gitna. Sorry talaga" hindi ko na hinintay ung tugon nya at basta na lang akong umalis.
Okay, na kaya yung sinabi ko? Tinanggap kaya nya? Ah, basta kailangan nyang tanggapin 'yon.
Pagkalipas ng lunch break ay balik na naman kami. "Okay,tapos na ang characters nyo sa tiningnan stage dito sa script kaya ngayon magkarelasyon ka kayo dito. Which means, there will be kissing, holding hands at iba pang ginawa ng couples. Kaya ba?" tanong ni Direk.
Sumagot ako ng kaya ko kay Direk pero deep inside, di ako sure. Tapos hindi ko alam kung sadya ba akong inaasar ng tadhana na isampal talaga sakin ang salitang maaaring hindi ako marunong humalik. Nakakahiya diba? Pero masisisi nyo ba ako? NBSB ako e.
Nung sinalang na kami ay sinabi at ginawa na namin ung gagawin namin. At para naman dun sa kissing scene at nakaupo lang kami dito sa may sofa habang naka-akbay sakin si Ethan. Hindi ko alam kung bakit sya makatingin sakin pero kakaiba eo sadyang he's sticking to his role.
At ayun na nagsimula ng dumikit ang mga mukha namin sa isa't isa at nagkiss na kami pero halos wala pang dalawang segundo ay pina-cut na ito ni Direk.
"Ano ba yan? Bakit ang manhid? Dapat ipakita mong gustong gusto nyo ang isa't isa sa pamamagitan ng kiss. Take two" sabi ni Direk. Nagsorry naman ako kay Direk at sandali kaming inausan at pinahid ko ung labi ko.
Nakakainis, ano ba 'tong nangyayari sakin? Bakit kagabi naman, okay naman ang lahat o sadyang magaling lang talagang humalik si --
"UGH! ANO BA YAN?" nag-freaked out na si Direk. Nakaramdam naman ako ng kahihiyan.Because I know, It's my fault. "I'm sorry Chiara. You don't know how to kiss. Ugh! I'll give you two 10 minutes break baka sa minutong yon natuto ka na. Magpaturo ka na dyan kay Ethan" napatungon na lang ako at sinabing opo kay Direk.
Nagsialisan na sila at akala ko ay umalis na rin si Ethan pero nagkamali ako dahil nandito parin pala sya at nakangisi lang syang nakatingin sakin. Hindi ko na lang sya pinansin at nanatili na lang akong nakatungo.
"You know what, I can teach you kung papayagan mo ako" unti unti akong nag-angat ng tingin sa kanya. Totoo kaya ang sinasabi nito?
"You're kidding,right?"
Umiling iling lang sya at nilapitan ako. "No. I'm not. Magpaturo ka na sakin para naman sa susunod na hahalikan kita hindi na ako mahirapan sayo.Kung saan naglalakbay ang labi mo sa mukha ko e" at narinig ko pa syang tumawa dahilan para mamula ako at tumungo. Napapahiya ako sa sarili ko.
"Ayoko. Pagti-tripan mo lang ako"
Hindi ko na napansin na nilapitan na nya pala ako at unti unti akong hiniharap sa kanya at sa pagkabigla ko at basta na lang naglapat ang mga labi namin. Aaminin ko, hindi ko alam ang gagawin pero siguro just a wild guess at nung gumalaw na ang labi nya ay sumabay na lang ako sa galaw. At first ay nahihirapan akong sumabay pero later on ay nakuha ko na rin ang rotation kaya nasunod ko na rin.
Hindi ko na rin napansin na nailagay ko na pala ang kamay ko sa batok nya at mas lalo kong nilapit ang mukha nya sakin dahilan para marinig kong magsalita sya ng "Good" sa pabagitan ng mga halik namin.
Di rin nagtagal ay sya na rin ang unang kumalas, nagtataka akong napatingin sa kanya. Hingal na hingal lang syang nagsalita na wari mo'y nababasa nya ang iniisip ko.
"Mahirap na.Ayokong pareho tayong bumagsak sa kasalanan. Your such a great tense to me,woman" at pagkatapos ay iniwan nya na lang akong basta. Teka, saan naman pupunta 'yon?
Pagkatapos ng 10 minutes break na binigay ni Direk ay balik uli kami sa pwesto. Thank God at nagawa namin ng maayos ung eksena at sinabihan pa ako ni Direk na good job daw. Pagkatapos nun ay nilapitan ko si Ethan ay nagpasalamat ako sa kanya. Tumango na lang sya at sa hindi ko malamang dahilan ay niyaya nya akong pumunta sa bahay nila kuya EJ atAte Charen.Pumyag naman ako at nung natapos ang shooting ay nagbyahe na kami papunta sa bahay nila Kuya EJ at Ate Charen.
Pero ang nakakpagtaka ay ung umaalis si Ethan na hindi nya kasama ang manager nya na si Kuya EJ. Kaya wala naman sigurong masama kung tanungin ko sya diba?
"Ethan, pwedeng magtanong?"hindi nya sinagot ung tanong ko bagkus ay sandali nya lang akong nilingon at pagkatapos ay binalik sa daan ang tingin nya.
Okay, I'll take that as a yes. "Bakit hindi mo pala laging kasama si Kuya EJ, diba sya ang Manager mo?" hindi nya man lang ako tiningnan at pinagpatuloy lang nya ang atensyon sa daan habang sinasagot ang tanong ko.
"Dahil ayoko.Hindi mo naman ako maiintindihan dahil malapit ka sa Ate mo"
BINABASA MO ANG
My Make-Believe Boyfriend ✔️
Teen FictionHandsome Actors Series Book 1 Pretending to yourself that someone likes you means you're only hurting yourself She wished nothing but her crush will start to notice her existence but it failed. Almost everyday she hoped that one day he will notice...