Chapter 6

1.6K 45 0
                                    

NICHOLAS ETHAN

Hindi ko lang pinansin ang sinabi nya at nagpatuloy lang ako at basta na lang binagsak ang sarili ko sa may sofa. Sinundan nya naman ako at muling tinanong.

"Hanggang ngayon ba ay isip bata ka parin?" bigla namang kumulo ang dugo ko sa sinabi nito.

Kaya tumayo ako at hinarap ko sya at diretsong tiningnan sa kanyang mga mata. "Hindi dapat ako ang sinasabihan mo ng ganyan, dapat sarili mo ang tinatanong mo ng ganyan. Dapat hanggang ngayon nakamove on ka na sa babaeng 'yon pero heto ka parin ... nananatili sa anino nya" at pagkatapos kong sabihin 'yon ay tinalikuran ko na sya.

Nararapat lang sa kanya 'yan. Dapat maisip nya muna ang sarili nya bago ako. Nakakairita.

NINA CHIARA

Isang araw kong iniyak ang lahat. Mababaw na kung mababaw pero hindi nyo nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon. Masakit ang pakiramdam ng ipahiya ka ng taong mahal mo at hindi lang basta ka nya pinahiya kundi inapak-apakan ka pa nya. Ang sakit diba?

Kaya heto, nasa unahan ang teacher namin pero hindi ko maintindihan ang bawat salitang sinasabi nya dahil sa nararamdaman ko. Ang kalahati lang naman ng mga kaklase ko ay nakatingin sakin at ang mga mata nila ay mapanuri at nang-aapak ng kanilang kapwa.

Mga matang sinasabing 'Ilusyonada, yan tuloy nagising ka sa katotohanan'. Napayuko na lang ako. Ayoko ng ganito.

Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at nangilid na ang mga luha ko. Tumungo na lang ako para walang makahalata pero sadyang inaasar ako ng tadhana dahil may isa sa mga kaklase ko ang bumato sakin ng isang papel.

Sinapol nya ito sa may ulo ko at pagkatapos ay pinagtawanan nya ako dahilan para mapunta sakin ang atensyon ng lahat.

Maging ang teacher namin ay napatingin sakin at maging sya ay hindi nya naiwasang hindi mapangiti. Kaya tumungo na lang ako at nagsimula ng bumagsak ang mga luha ko.

"Yan kasi ... sobrang assumera. Hindi naman kasi kayo nababagay. Ilusyonada" paulit ulit na sabi ng mga kaklase ko.

Paulit ulit din ang mga boses nilang pang-aapak sa pagkatao ko. Hanggang sa paglalakad ko papauwi ay hindi mawala sa utak ko 'yon. Umiiyak na lang ako pero wala ni isa ang tumigil sa ginagawa nila.

"Chiara, tama na. Baka mapano ka pa" nag-aalalang sabi ni Allison. Sandali ko naman syang nilingon at pagkatapos ay nagpatuloy na lang ako sa 'king paglalakad papauwi.

Alam kong nag-aalala sya pero ...

Dumating ako sa bahay at diretsong kwarto agad ako at dun ko na lang binuhos lahat. Iyak lang ako ng iyak. Sinira ko lahat ng pictures ni Ethan, sinunog, pinipirapiraso ko lahat. Alam kong masakit para sakin 'tong ginawa ko ngayon pero mas masakit ang ginawa nya. Pinahiya at inapakapakan nya ako.

Anong klase syang tao?

Binura ko lahat ng pictures nya dito sa album ng iphone ko. I-unfollow ko sya sa lahat ng social media ko at pagkatapos ay deactivate ko ang mga social media ko.

At pagkatapos ay pabagsak kong hiniga ang sarili ko sa kama habang patuloy parin akong umiiyak. Kada ipinipikit ko itong mga mata ko, paulit ulit na nagbabalik sakin ung masasakit na mga salitang sinabi nya.

Ganyan pala syang klaseng tao. Nagkamali ako sa naging desisyon kong gustuhin sya. Iba sya sa Ethan na nakilala ko ... ibang iba.

ISANG buwan ang lumipas dito sa buhay ko. Isang buwan na akala ko ay magbabalik na ito sa normal kagaya nung mga panahong hindi ko pa make-believe boyfriend si Ethan pero nagkamali ako.

"Chiara,gusto mo ng mojos?" napalingon naman ako dito sa kasama ko na kanina pa  kumakain. Nag fake smile lang ako sa kanila at binalik ang atensyon ko sa librong binabasa ko.

Pero hindi pa ako masyadong nakakailang salita dito sa librong binaba ko ng biglang agawin nitong si Allison itong libro ko at kinulit ako.

"Ano ba kasing ginagawa mo? Gusto mo ba talagang maging bookworm ? Hala, sige ka baka mamaya maging isa ka ng uod na sisira sa mga libro. Eww" hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi nya at agad ko na lang inagaw sa kanya ung libro. Ayoko lang kasing maiisip na hanggang ngayon ay hindi pa nalilimutan ng mga tao ang kahihiyan na nangyari sakin nung araw na 'yon. Ung araw na pinaka-worst sa buong buhay ko.

Tumungo na lang ako dito sa binabasa ko ng biglang may narinig akong isang grupo ng mga kababaihan ang papunta dito sa pwesto namin ni Allison. Pilit ko na lang silang hindi pinansin pero sadya silang nananadya dahil basta na lang nila inagaw sakin ung binabasa kong libro at basta na lang 'yon hinagis sa kung saan.

Pinagtawanan pa nila akong lahat. Nakakainis. Ito na nga lang ang ginagawa ko mapapansin pa  nila. Tumayo na ako hindi para makipag-away kundi para kunin na ung libro kong kanina lamang ay binato nitong babaeng sobrang kapal ng make-up na dinaig pa ang sampung boksingero sa sobrang kapal ng blush on at sa sobrang pula ng labi nya. Naglakad na ako ng papunta dun sa may libro ko kaso agad akong hinawakan ng mahigpit nitong babaeng sobrang kapal ng make-up at basta na lang akong pinagsasampal.

"Ahh!" napatili naman si Allison sa gulat pero sandali lang 'yon dahil agad nya akong nilapitan at tinulungan.

"Ano ba kasing mga kailangan nyo?" mataray na tanong ni Allison sa kanila pero inirapan lang sya nitong babaeng sobrang kapal ng make-up at sya naman ang pinagsasabunutan.

Nagkaroon ng commotion dito sa canteen dahil sa pangyayari. Nagkagulo ang mga estudyante , samantalang ang iba naman ay tuwang tuwa dahil para sa kanila nakapanuod sila ng live action na laban na palagi mong napapanuod sa tv at internet. Naging maingay ang buong canteen dahilan para magsidatingan ang mga teachers pero dahil sa masyadong madaming estudyante ay hindi rin napigilan ng mga teachers ang pangyayari kaya mayamaya pa ay dumating na ang principal ng eskwelahan at pinatigil ang kaguluhan.

"Cease!" sigaw ng principal dahilan para magsitahimikan ang mga estudyante. Pero hindi parin ako tinitigilan nitong mga kasama ng babaeng sobrang makapal ang make-up kahit narinig na nilang sumigaw ang principal.

"You! In my office now" turo saming lahat ng principal. Napatungo na lang ako at nagsimula na kaming maglakad papunta dun sa principal's office.

Nakakasama ng loob. Ang tagal tagal ko ng nag-aaral dito pero ngayon lang ako nagkaganito. Dahil lang 'to dun sa isang ... ugh!  Ayoko ng maalala. Lalo lang masisira ang araw ko.

"I will not tolerate this behavior of yours.  You , seven will have your  2 week suspension" at pagkatapos non ay pinaalis na kami ng principal.

2 week suspension ? Kakayanin ko ba 'to ? Kung kay Allison yan for sure matutuwa pa yan pero ako? Malalagot ako kay ate Charen nito.

"2 weeks kang suspended?" nabiglang tanong sakin ni ate Charen pagkatapos kong sabihin sa kanya ung nangyari kanina. Napatungo na lang ako dahil dumagdag pa ako sa sakit ng ulo ni ate. Marami na nga syang pinoproblema dumadagdag pa ako.

"Ate .." naramdaman kong pinat nya ang kamay nya sa balikat ko . Napa-angat naman ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakangiti sya. Ung ngiting hindi pilit.

"Naku! Okay lang 'yon. Alam ko namang may kinalaman yan dun kay Ethan—" hindi pa natatapos ni Ate Charen ung sinasabi nya ng biglang narinig nya sa balita ung pangalan ni Ethan. Nandito kasi kami sa bahay at nanunuod si ate Charen ng balita.

"Trending philippines at worldwide. Ang mga fans nila Nicholas Ethan Evans at Nina Chiara Cooper , masyadong hindi mapakali. Halos araw araw na lang silang nagte-trending"

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon